[119.jpg]

Kautusan
NI MARIA

  Sa aklat ni San Juan ay mababasa natin ang isang 
kasalan na naganap sa Cana. Dito ay binigyan-diin 
ni Maria ang kahalagahan ni Jesus at ng Kaniyang
Salita. Napag-alaman na wala nang alak at si Maria
mismo ay walang magawa; sinabihan niya si Jesus
-- ang tanging makagagawa ng paraan. Pagkatapos 
ay nagbigay ng KAUTUSAN si Maria sa mga alila.
"Sinabi ng kaniyang ina sa mga alila, GAWIN 
NINYO ANG ANOMANG SA INYOY KANIYANG SA- 
BIHIN." (Juan 2:5) 

 Ito ang tanging talata sa Biblia na kung saan si
Maria ay nagbigay ng KAUTUSAN kung kayat narara- 
pat na pakatantuin ng bawat ROMANO KATOLIKO 
ang Kaniyang ipinag-utos, "...GAWIN NINYO ANG 
ANOMANG SA INYOY KANIYANG SABIHIN."

  Sa kadahilanang ang layunin ng la hat ng mabuting
ROMANO KATOLIKO ay ang makarating sa langit, 
makabuluhang tunghayan natin ang Biblia, gawin 
ang ipinagagawa ni Maria, alamin ang sinasabi ni 
Jesus at gawin ito. 

n SINABI NI JESUS... Siya lamang ang maaari mong 
maging Tagapagligtas. "Sinabi sa kaniya ni Jesus,
AKO ANG DAAN, at ang katotohanan, at ang 
buhay: sinoman ay [d']i makaparoroon sa Ama, 
KUNDI SA PAMAMAGITAN KO." (Juan 14:6) 

HINDI NIYA SINABI... na umasa ka sa mga santo 
(rebulto), sa papa o kahit sa Kaniyang inang si Maria 
para sa iyong ikaliligtas. "At sa kanino mang iba ay 
walang kaligtasan: sapagkàt WALANG IBANG 
PANGALAN sa silong ng langit na ibinigay sa mga
tao, na sukat nating ikaligtas." (Mga Gawa 4:12) 

n SINABI NI JESUS... PANANAMPALATAYA SA KANIYA 
ang tanging makapagliligtas sa iyo. "Ang SUMASAM- 
PALATAYA SA ANAK ay may buhay na walang 
hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak ay 
hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng 
Dios ay sumasa kaniya." (Juan 3:36)

HINDI NIYA SINABI... espesyal na sakripisyo o 
mabubuting gawa ay kinakailangan bilang pantu- 
long para sa ikaliligtas mo. "Datapuwàt sa kaniya 
NA HINDI GUMAGAWA, ngunit sumasampalataya
SA KANIYA na umaaring ganap sa masama ANG 
KANIYANG PANANAMPALATAYA ay ibibilang na 
katuwiran." (Roma 4:5)

n SINABI NI JESUS... WALANG HANGGANG BUHAY
ang Kaniyang ipinagkakaloob. "Katotohanan, Ka-
totohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng
AKING SALITA, at sumasampalataya sa kaniya na
nagsugo sa akin, ay may BUHAY NA WALANG
HANGGAN, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi
lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan."
(Juan 5:24)

HINDI NIYA SINABI... na ito ay pansamantalang
buhay na nakasalalay sa ating sariling kakayanan
kung maiingatan o mawawala natin. "At siláy
binibigyan ko ng WALANG HANGGANG BUHAY; at
kailanmáy HINDI SILA MALILIPOL, at hindi sila
aagawin ng sinoman sa AKING Kamay."
(Juan 10:28)

n SINABI NI JESUS... Ang SALITA NG DIOS lamang
ang nararapat sundin. "Ang nagtatakuwil sa akin,
at hindi tumatanggap sa AKING mga pananalita,
ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ANG
SALITANG AKING SINALITA, ay siyang sa kaniyáy
hahatol sa huling araw." (Juan 12:48)

HINDI NIYA SINABI... na ang kaugalian o mga kau-
tusan ng tao ay nagmula sa Kaniya. "Datapuwàt
WALANG KABULUHAN ang pagsamba nila sa akin,
na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos
ng mga tao." "Na niwawalang kabuluhan ang salita
ng Dios ng inyong SALIT-SALING SABI, na inyong
itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maram-
ing bagay na kawangis nito." (Marcos 7:7,13)

  Kaibigan, NGAYON DIN ay maaari kang maligtas at
malaman mong ikaw ay may BUHAY NA WALANG
HANGGAN, kung ilalagay mo ang iyong "buong"
pananampalataya kay Kristo-Hesus at hindi ka aasa
sa iyong sariling kakayahan, iglesia, sakramento, o
anomang bagay na inaakala mong makapagliligtas
sa iyo. Si Jesus ang Tagapagligtas. Nanampalataya
ka ba sa Kaniya o hindi? "Ang mga bagay na ito ay
isinulat ko sa inyo, upang inyong MALAMAN NA
KAYÓY MAYROONG BUHAY NA WALANG
HANGGAN, samakatuwid ay sa inyong NANANAM-
PALATAYA SA PANGALAN NG ANAK NG DIOS."
(I Juan 5:13) 

  Sa sandaling tanggapin mo ng buong puso at 
pagtiwalaan ang PANGINOONG HESUS bilang sarili
mong Panginoon at Tagpagligtas... sa sandaling
iyan... ikaw ay LIGTAS... MAGPAKAILANMAN!

ANO ANG IYONG KAPASIYAHAN?

q Nagpapasiya akong maniwala sa sinasabi ni Jesus. 
Batid kong akóy isang makasalanan at sa unang 
pagkakataon, akóy tunay na naniniwala na kayang 
tuparin ni Kristo-Hesus ang Kaniyang sinasabi. 
Kapapanalangin ko pa lamang at tinanggap ko Siya 
bilang sarili kong TAGAPAGLIGTAS. "Sapagkàt ang
lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon
ay mangaliligtas." (Roma 10:13)

q Naniniwala akong ang babasahing ito ay [d']i sang- 
ayon sa katoliko.

  Kaibigan, ibinigay namin sa iyo ang babasahing ito
sapagkat mahal ka namin at ayaw naming makita
kang tumungo sa impiyerno pag ikaw ay namatay.
Kung inaakala mong ito ay hindi maka-katoliko,
suriin mong muli ang iyong panampalataya. Sino
mang tumanggi kay Kristo-Hesus ay sinasabing...
Antikristo. "Ang hindi sumasaakin ay laban sa
akin." (Mateo 12:30a)

Kung tinanggap mo si Jesus bilang iyong TAGAPAGLIG-
TAS, lumiham ka sa amin para sa karagdagang
kaalaman at pag-aaral na walang bayad sa Salita ng
Dios.

FELLOWSHIP TRACT LEAGUE
ORTIGAS CENTER POST OFFICE
PO BOX 12996   1600 PASIG M.M.
Tract No. 601 [562] (Tagalog)

[ Christian Helps Ministry (USA) ] [ Christian Home Bible Course ]