ANO ANG

[600.jpg]

IYONG
BUHAY?

"Ano ang buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sandal-
ing panahon ay lumilitaw at pagdaka'y napapawi."

Santiago 4:14

"Sapagka't ang lahat ng laman ay gaya ng damo, at ang
lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng
damo. Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nala-
lanta."
I Pedro 1:24

Ang buhay ay tunay na walang katiyakan, hindi ba?
Maraming naghahangad ng mataas na pinagaralan,
mabuting gawain, maningning na kinabukasan at nagha-
hangad din na makamit ang pinakamarangyang bagay na
maibibigay ng sanglibutan; ngunit sa isang iglap ay ang
buhay ay nakitil at nasumpungan niya na siya ay nasa
kawalang hanggan.

"Sapagkat ano ang pakikinabangin ng tao kung
makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan
siya ng kaniyang buhay?" Mateo 16:26

Gayon pa ma'y kahit na ang buhay sa lupang ito ay walang
katiyakan, nais ng Dios na ipamahagi sa iyo ang buhay na
may katiyakan at walang hanggan. Winika Niya sa atin ang
Kaniyang Salita na ang buhay ay tulad ng singaw sapagkat
tayo nga'y nangagkasala laban sa Kaniya at ang ating ug-
nayan sa Dios ay nabuwag.

"Sapagkat ang lahat ay nangagkasala nga at hindi na-
ngakaabot sa kaluwalhatian ng Dios."
Mga Taga- Roma 3:23

Hindi lamang ang pakikipagugnay natin sa Dios ang
nabuwag kundi dapat pa nating pagbayaran ang ating mga
kasalanan at ang kabayaran ay kamatayan na walang
hanggang kaparusahan sa impiyerno. Ang kamatayan ay
totoo sapagkat ang kasalanan ay totoo.

"Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan;
datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay
buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus na Pangi-
noon natin." Mga Taga- Roma 6:23

"...at sa lahat ng sinungaling, ang kanilang bahagi ay
sa dagatdagatang nagniningas ng apoy at asupre; na
siyang ikalawang kamatayan." Apocalipsis 21:8

Iyong pansinin sa nauunang sitas na nagsasabi datapuwa't
ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang
hanggan sa sinomang lalapit at tatanggapin  Siya sa
kaniyang puso. At ito ay maisasagawa lamang sa pama-
magitan ng pananampalataya. Pananampalataya na ta-
nging si Hesus lamang ang makapagliligtas ng iyong
kaluluwa sa pagdurusa sa impiyerno, at siya lamang ang
makapagpapatawad ng iyong mga kasalanan. Hindi ka
maliligtas sa pamamagitan ng iyong mabubuting gawa, ng
iyong relihiyon o ng iyong sarili man sapagkat si Hesus
lamang ang tagapagligtas.

"Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pama-
magitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong
sarili, ito'y kaloob ng Dios. Hindi sa pamamagitan ng
mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri."
Mga Taga Efeso 2:8-9

"Sinabi sa kaniya ni Hesus, Ako ang daan, at ang kato-
tohanan, at ang buhay: sinoman ay hindi makaparo-
roon sa Ama kundi sa pamamagitan ko." Juan 14:6

Dapat nating alalahanin ang pag-ibig ng Dios sa atin, na
nagsugo sa Kaniyang bugtong na Anak upang mamatay sa
krus sa ikaliligtas natin sa ating mga kasalanan. Kung ikaw
lamang ay magtitiwala sa Kaniya, ipahahayag ang iyong
mga nagawang kasalanan at inihingi sa kanya ng kapata-
waran, Siya ay nahahandang patawarin ka at pagkalooban
ka ng buhay na walang hanggan.

"Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay
tapat at banal Siya na tayo'y patatawarin sa ating mga
kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan."
I Juan 1:9

"Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang
inyong malaman na kayo'y mayroong buhay na walang
hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya
sa Pangalan ng Anak ng Dios." I Juan 5:13

Sa iyo kaibigan, tatanggapin mo ba si Kristo sa iyong puso?
Maisasagawa mo ito ngayon. Kung nais mong tanggapin Siya
kaibigan sa iyong puso ay wikain mo ito. Panginoong Hesus,
nalimi ko na ako ay isang makasalanan at nakatakdang
mabulid sa impiyerno. Aking pinagsisisihan ang aking mga
kasalanan at tinatanggap kita na sarili kong Tagapagligtas at
Panginoon sa pamamagitan ng pananampalataya. Maraming
salamat Panginoon sa pagpapatawad mo sa akin at sa
pagkakalinis mo sa aking mga kasalanan at sa pagkakaloob
mo sa akin ng buhay na walang hanggan. Sa pangalan ni
Hesus na aking Tagapagligtas, Amen.

Kung nais mo kaibigan na marami pang malaman tungkol sa
Kaniya at sa Kaniyang Salita, ay iyo lamang ipabatid sa amin
at kami ay magagalak na paabutan ka pa ng maraming
kaalaman.---------------------------------------------------

FELLOWSHIP TRACT LEAGUE
ORTIGAS CENTER POST OFFICE
PO BOX 12996 · 1600 PASIG M.M.
Tract No. 600 [561] (Tagalog)

[ Christian Helps Ministry (USA) ] [ Christian Home Bible Course ]