Dalawang URI
NG KAMATAYAN

Ni Paul Levin
  "At kayo'y binuhay Niya, nang kayo'y mga
patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga
kasalanan."  (Efeso 2:1).

  Ikaw ba'y binuhay na?  Hindi ang, kailan ka
umanib sa iglesia, nagpakabuti na, nangumunyon o
nagpunyaging gumawa ng magaling, kundi --
kailan ka ipinanganak na muli?  Hindi pa ba?
Kung gayon

IKAW AY PATAY!
  Halimbawa'y may isang kabaong sa ating hara-
pan, at sa loob noon ay ang katawan ng isang taong
namatay.  Siya ay patay sang-ayon sa laman; ikaw
ay patay ayon sa espiritu.  Siya ay nahiwalay sa
sanglibutang ito; ikaw ay nahihiwalay sa Dios.
Iyong sasabihing, "Wala akong pakiramdam na
ako ay patay."  Gayon din ang patay sa loob ng
kabaong.  Ang iyong pakiramdam ay walang kaug-
nayan doon.  Hindi mo kailangang "maram-
damang" ikaw ay patay upang maging patay.  Ang
bangkay ay patay "sa loob ng kabaong."  Ikaw ay
patay "sa mga kasalanan."  Ikaw ay likas na

makasalanan.  Ang ilan ay katutubong Filipino.        
Ang iba ay katutubong mga Aleman, mga     
Amerikano, o kaya'y mga Hapon.  Datapwa't ang        
LAHAT ng tao ay makasalanan, "katutubong mga      
anak ng kagalitan" (Efeso 2:3).  Katutubo mo ang     
magkasala tulad din naman ng isda na katutubo       
niya ang paglangoy sa tubig.  "Ang lahat ay nan-     
gagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhat-  
ian ng Dios" (Mga Taga Roma 3:23).  Aking kaibi-    
gan, Ikaw ay isang nahatulang makasalanan sa        
harap ng Dios.

  Iyong sasabihing, "Wala naman akong               
masasamang pag-uugali."  Gayon din ang patay sa
kabaong.  Siya ay hindi nagbubulaan, hindi nag-     
nanakaw, hindi nanunumpa, at hindi nagsusugal.      
Walang masama sa kaniya, maliban sa isang           
bagay--siya ay patay.  Ito ay malubha.  Kanilang      
inililibing ang bangkay.             

  Nabubuhay ka ng may kalinisan sa harap ng             
mga tao?  Walang gaanong kasamaan sa iyo, mal-           
iban na--ikaw ay isang patay, nawawala! at patun-        
go sa libingang inihanda ng Dios, sa impierno, at        
doon mo gugugulin ang walang hanggan.        
Kaibigan, kung gayon ang iyong kalagayan sa   
harap ng Dios ay makalilibong malubha kaysa sa    
iyong inaakala.      

  Kausapin mo ang isang bangkay tungkol sa           
masasarap na pagkain, o kaya'y sa mabuting           
pangingisda sa isang magandang dagat, nguni't        
walang kibo.  Siya ay patay, o NAHIHIWALAY
sa mga kasayahan at kaaliwan ng buhay na ito.        
Kung kausapin ka tungkol sa isang pag-aaral sa       
Biblia at sa mga pagtitipon sa pananalangin, sa iyo  
ay walang maririnig na kasagutan.  Kung ikaw man    
ay nakadadalo sa isang pagtitipon sa pananalangin     
ay wala kang kasiyahan, manapa'y pinagtitiisan mo    
ito.  Ikaw ay nahihiwalay sa mga kagalakan at mga     
pagpapala ng buhay Cristiano tulad din ng bangkay

2

na hiwalay sa mga bagay ng sanglibutan.  Wala
siyang pagnanais na kumain.  Ikaw man ay wa-
lang panglasa sa Biblia.  Siya ay hindi maaaring
magsaya sa mga bagay na ukol sa buhay na ito.
Ikaw naman ay hindi maaaring magsaya sa mga
bagay na ukol sa buhay espiritual.  Tumutungo ka
sa sambahan sa dahilang ito ay isa sa iyong mga
"katungkulan".  Hindi sa dahilang ikaw ay mag-
tatamo ng pagpapala sa pakikinig ng Salita ng Dios
na naipaliwanag.

IKAW AY NANGANGAILANGAN
NG BUHAY!
  Upang masiyahan sa mga bagay na ukol sa
buhay na ito, ang bangkay ay nangangailangan ng
buhay o hininga.  Upang masiyahan sa mga bagay
na ukol sa espiritu, ikaw ay nangangailangan ng
buhay espiritual.  Isang dalaga ang nagsabi sa akin.
"Ang kinakailangan lamang upang maligtas ay ang
ipamuhay ang buhay."  Ako ay sumagot, "Binibini,
ikaw ay hindi maaaring makapamuhay malibang
magkaroon ka muna ng buhay."

  Ang tanging makapagbibigay buhay sa isang
bangkay ay ang Panginoong Jesus.  Walang sama-
han o nilalang na makagagawa nito.  Walang igle-
sia, walang simbahan o relihion na makapagbibi-
gay ng buhay espiritual.  Walang sinoman kundi
ang Panginoong Jesus lamang.  Ang bangkay ay
hindi makapagbubuhay ng kaniyang sarili.  Gayon
din hindi mo maaalis ang iyong sarili sa
kamatayang espiritual.

  Maaaring binyagan natin ang bangkay at isulat
ang kaniyang pangalan sa aklat ng simbahan, ngu-
ni't yaon ay hindi makapagbibigay buhay sa
kaniya.  Kaya nga, ikaw ay maaaring umanib sa
iglesia, mabinyagan, mangumunyon, nguni't mal-
ibang ikaw ay "buhayin" ng Espiritu Santo ay
nananatili kang isang bangkay.  PAKAISIPIN

3

MO ITO!  NAWAWALA! gayon man marahil
ay naging relihioso ka sa buong buhay mo.  Hindi
ang relihion ang iyong kinakailangan, kundi
BUHAY.

ANG BUHAY AY NASASA ISANG
NASUGATAN NA NGAYO'Y NASA
KANANG KAMAY NG DIOS!
  "Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan;
datapwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay
buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na
Panginoon natin" (Mga Taga Roma 6:23).  Ang
kaligtasan ay nasasa Panginoong Jesucristo.  Siya,
ang ganap na Dios at ganap na tao ay tumungo sa
krus ng Kalbario upang "lasapin Niya ang
kamatayan dahil sa bawa't tao" (Hebreo 2:9).
Kaniyang ibinuhos ang kaniyang mahalagang dugo
upang mailaan Niya ang kapatawaran at paglilinis
sa kasalanan (Hebreo 9:22).  "Sapagka't si Cristo
man ay nagbata ring minsan dahil sa mga
kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid,
upang tayo'y madala Niya sa Dios" (I Pedro
3:18).

  Nguni't hindi lamang yaon.  Siya ay nagbangon
sa libingan, nagtagumpay sa kasalanan, kamatayan
at impierno.  Ngayon Siya ay nakaupo, bilang
Dios-Tao, sa Kaniyang nagbangong mag-uli at
maluwalhating katawang laman at buto, sa kanang
kamay ng Ama (Hebreo 1:3 - 8:1).  Siyang
pinadakila na sa harap Niya ang bawa't tuhod ay
luluhod at bawa't dila ay magpapahayag na Siya
ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama
(Filipos 2:9-11).  Ang buhay na walang hanggan
ay nasasa KANIYA.  "Ito ang patotoo, na tayo'y
binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at
ang buhay na ito ay nasa Kaniyang ANAK" (I
Juan 5:11).

4

  Nasa iyo ba ang ANAK?  Hindi ang paniwalaan            
lamang ng sinasabi ng Biblia tungkol sa Kaniya,         
ang makapagliligtas.  Ang kaligtasan ay wala sa          
"kasulatan" TUNGKOL SA KANIYA, kundi ang
kaligtasan ay NASASA KANIYA.  Maaari mong  
tanggapin ang "kasulatan" tungkol sa Kaniya, at      
paniwalaang ito ay totoo at sa sandali ring yaon ay  
itakwil Siya, at mabuhay ng paghihimagsik laban      
sa Kaniya.  Maaari kang tumungo sa impierno           
kahit naniniwalang ang Biblia ay totoo.  Ang kalig-   
tasan ay hindi ang paniniwala lamang sa mga kato-  
tohanan, kundi ang pagtanggap sa ANAK.  "Ang          
kinaroroonan ng ANAK ay kinaroroonan ng 
buhay" (I Juan 5:12).

MAAARI MONG MALAMAN NA
IKAW AY LIGTAS!
  Ikaw ay maaaring maligtas sa sandali ring ito
kung iyong tatanggapin Siya na iyong Panginoon
at Tagapagligtas.  "Ang lahat ng sa KANIYA'Y              
NAGSITANGGAP, ay pinagkalooban Niya sila                 
ng karapatang maging mga anak ng Dios" (Juan
1:12).  Sa iyong pagtanggap sa Kaniya ay tata-
muhin mo Siya, at kung Siya ay nasasa iyo, ikaw
ay may, sang-ayon sa pangako ng Dios, buhay na           
walang hanggan.  "Ang sumasampalataya sa                  
ANAK AY MAY BUHAY NA WALANG      
HANGGAN" (Juan 3:36).  "Katotohanan, kato-     
tohanang sinasabi Ko sa inyo, ang dumirinig ng 
Aking salita at sumasampalataya sa Kaniya na nag-
sugo sa Akin, ay MAY BUHAY NA WALANG
HANGGAN, at hindi mapapasok sa paghatol,
kundi LUMIPAT NA sa KABUHAYAN mula sa
KAMATAYAN" (Juan 5:24).

   Tiyakin mong ikaw ay kinaroroonan ng ANAK,
sapagka't "ang KINAROROONAN ng ANAK
(hindi ng relihion o mabubuting mga gawa) ay
KINAROROONAN NG BUHAY" (I Juan

5

5:12).   Tanggapin mo Siya ngayon.   Bukas ay
maaaring maging huli na.

--o--

   Aking nadama ang pangangailangan ng Bagong
Kapanganakan. Ngayon ay matapat kong tinatang-
gap ang Anak ng Dios na nagbangon sa mga patay,
ang Panginoong Jesucristo, na aking Panginoon at
Tagapagligtas, nagtitiwala sa Kaniya na lilinisin
ang lahat kong mga kasalanan. Ako ay maninindi-
gan sa Kaniyang pangakong, "Ang kinaroroonan
ng Anak ay kinaroroonan ng buhay," at kung
magkakaroon ako ng pagkakataon ay aking ipaha-
hayag Siya sa harap ng mga tao na aking
Panginoon.

   Pangalan......................................

   Tirahan.......................................



   Para sa WALANG BAYAD na maliit na aklat
na makatutulong sa iyo, sumulat:

This Tract and Others Free as the Lord Provides
Order from:
BIBLE TRACTS, Inc.
P.O. Box 588, Normal, IL 61761-0588
U.S.A.

2 Kinds of Death -- Tagalog, Philippines
No. 62 TG

[ Christian Helps Ministry (USA) ] [ Christian Home Bible Course ]