Ikaw ay
Maaaring Mabuhay
Magpakailanman
Ikaw ay
Maaaring Mabuhay
MagpakailanmanIkaw ay mabubuhay magppakailanman. Ang
tanong ay - SAAN? Maaaring sa langit - ikaw
ang bahala!ANG MGA PATAY AY MULING
BUBUHAYINBabangunin ng Dios ang iyong patay na katawan mula sa libangan. Nakita ito ni Apostol Juan sa pangitain at kanyang sinulat: "At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon . . . At nakita ko rin ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa hara- pan ng luklukan; at nabuksan ang mga aklat; at nabuksan din ang ibang aklat na siyang aklat ng buhay at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. "At ibingay ng dagat ang mga patay na nasa kanya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila; at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa . . . At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang naka- sulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatda- gatang apoy." (Apocalypsis 20:11-15)
PAGKATAPOS NG KAMATAYAN
AT ANG PAGHUHUKOM!"At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom." (Hebreo 9:27)ANG HUKOM Sino ang hukom? Siya rin ang namatay. Ang Kanyang katawan ay inilagay sa isang libingan. At Siya rin ang nabubuhay ngayon sa Kanyang dating katawang-laman at buto na napako sa cruz. Siya rin ang Bugtong na Anak ng Dios na Pinakamamahal na namatay sa nakapangingilabot na kahirapan sa cruz ng Calbario upang "alisin ang kasalanan as pamamagitan ng pag-aalay sa Kanyang sariling buhay." Siya rin ang nagbatang minsan "ang Matuwid dahil sa mga di matuwid upang madala NIYA tayo sa Dios." Ngayon bilang Anak ng Dios na nabuhay na mag-uli, Siya ay "makapagliligtas na lubos sa lahat ng lumalapit sa Dios sa pamamagitan NIYA."KUNG ANG KRISTO AY HINDI
NABUHAY NA MULIKung ang Anak ng Dios ay wala ngayon sa luk- lukan sa kanang kamay ng Kanyang Ama sa Kanyang katawang-laman at buto na inilagay sa libingan ay tiyak na ang buong lahi ni Adan ay mangapapahamak sa ilalim ng kahutulan ng Dios. Datapuwa't tayo ay may patotoo ng ating Panginoon sa Kanyang sarili at ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng mga alagad at nina apostol Pablo at Juan na iyon nga ang Panginoon Jesus sa kanyang sarili na nakalukluk sa kanang kamay ng makapangyarihan sa kaitaasan nagyon. At dinakila ng Dios sa Kanyang kanang kamay ang Panginoong Jesus sa Kanyang tunay na "laman at buto" na pinakahamak ng mga tao sa pagpapako sa Kanya sa cruz.2
Siya ang piniti ng Dios na maging Hukom ng lahat. Siyang magbabangon mula sa hukay sa kanilang katawang-laman at buto, sa mga ligtas at hindi ligtas sa itinakdang panahon para sa kanila. Ang Panginoong Buhay ay siyang patunay ng Dios na ang lahat ay babangunin mula sa mga patay. "Datapwa't nagyo'y ipinag-uuios ng Dios sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako; Sapagka't Siya'y nagtakda ng isang araw na kangang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng Lalaking Kanyang itinalaga; na ito'y pinatunayan Niya sa lahat ng mga tao, nang Siya'y buhayin Niyang mag-uli sa mga patay." (Mga Gawa 17:30,31).ANG PAGHUHUKOM Sa nakapangingilabot na oras ng paghatol ikaw ay tatayo sa harapan ng Kristong nabubuhay, ang Kristong sugatan ng Kalbaryo - ang mga latay na Kanyang natanggap na siyang nagbibigay ng walang katapusang katubusan sa iyo. Kanyang iisaisahing ihayag ang lahat ng iyong mga bagay nagawa. Aalisin Niya ang pan-takip ng iyong mga kasalanan, hindi Siya magkakamali ng paghatol. Hindi ka Niya patatawarin at kaawaan, at walang mga dahilan na Kanyang tatanggapin. Ikaw ay wala nang pagkakataong madala sa mataas sa hukuman at siyasating muli. Sapagka't ikaw ay tatayo sa harap ng kataastaasang hukom ng lahat upang tumanggap ng makatuwirang poot ng galit na Dios.ANG DAANG PALABAS Hindi mo kinakailangang mapahiwalay sa Dios magpakailanman. Hindi mo rin kinakailangang humarap sa nakapangingilabot na oras ng paghukom, sapagka't ANG KRISTONG ITO ay hindi lamang siyang hukom sa mga nagsitanggi sa3
Kanya nguni't Siya rin ang Tagapagligtas. Siyang daan ng kaligtasan, at daang palabas buhat sa kahatulan sa mga nagsitanggap sa Kanya. Sinabi ni Jesus, "Ako ang daan at ang katoto- hanan at ang buhay, sinoman ay di makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan ko." (San Juan 14:6) "Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong Si Kristo Jesus." (I Tim. 2:5) Ang dapat mo lamang na gawin ay tanggapin mo ikaw ay nawawalang-makasalanan na nangan- gailangan ng tulong. Tanggapin mo Siyang Panginoon at sarili mong Tagapagligtas. "Datapuwa't ang lahat ng sa Kaniya'y nagsitang- gap ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios." (Juan 1:12) Ngayon basahin mo ito! Sabi ng Panginoon, "Ang dumirinig ng Aking salita at sumasam- palataya sa Kanya na nagsugo sa Akin ay may buhay na walang hanggan at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan." (San Juan 5:24) Ngayon, dininig mo na be? Dapat mong paking- gan at pakumbabang isuko mo ang iyong sarili, tanggapin, sundin, at pagtiwalaan mo Siya bilang siyang Panginoon at Tagapagligtas at IKAW AY MAGKAKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN NGAYON DIN. Hindi lamang iyan, nguni't ikaw ay hindi na mapapasok sa nakatatakot na paghatol na naghihintay sa iyo at sa mga makasalanang hinatulan na. lkaw ay hindi na mahahatulang kasama nila, sapagka't ikaw ay nasa Panginoong Jesus na siyang nag-alis ng lahat mong kaparusahan nang Siya'y nabitin sa Cruz sa loob ng 1900 na taon na ang nakalilipas. Tatanggapin mo ba Siya bilang iyong Kahalili at Tagapagligtas ngayon?4
Aking nakikilala na ako ay isang makasalanang hiwalay sa Dios. Nalalaman kong darating ang araw na ako'y bubuhaying muli upang humarap sa Dios. Nais kong ang kasalanan ko'y mapatawad upang makatakas ako sa impiyerno at mapunta sa langit. At ngayon buong pananampalataya kong tinatanggap ang Anak ng Dios na buhay ang Panginoong Jesucristo bilang Panginoon ko at sar- iling Tagapagligtas. Binabalak kong mamuhay para sa Kanya at ipahahayag ko Siya sa harapan ng mga tao.
Pangalan................................................................
Tirahan....................................................................
Kalye Barrio.................................................................................
Bayan LalawiganLagyan mo ng (X) ang guhit kung gusto mong
tumanggap ng walang bayad na aralin ukol sa
Biblia. _______Isulat kung Ingles o Tagalog _______
Para sa WALANG BAYAD na maliit na aklat na
makatutulong sa iyo, gupitin ito at ipadala sa amin.
This Tract and Others Free as the Lord Provides
Order from:
BIBLE TRACTS, INC.
P.O. Box 588, Normal, IL 61761-0588
You Can Live Forever--Tagalog, PhilippinesNo. 17TG Printed in U.S.A.
[ Christian Helps Ministry (USA) ] [ Christian Home Bible Course ]