Ang
Bagong KAPANGANAKAN
Ni Paul LevinNang tanungin si J. Wesley kung bakit lagi niyang
ipinangangaral na "kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na
muli", ang kaniyang sagot ay "Sapagka't kinakailangan ngang
kayo'y ipanganak na muli." KAYO ba'y naipanganak nang
muli? Kung hindi pa ay hindi kayo makatatakas mula sa
parusa sa impiyerno, ni magtatamasa man kayo ng kaluwalha-
tian sa langit. Sinabi ni Jesus, "Kinakailangan ngang kayo'y
ipanganak na muli." (Juan 3:7)I. ANG HINDI MULING KAPANGANAKAN 1. Ang bagong kapanganakan ay hindi relihiyon. Si Nicodemong isang Fariseo ay isang lubhang relihiyoso. Ipinangingilin niya ang mga kapistahan, nagbibigay ng ikasampo ng kaniyang kinikita, nananalangin tuwina, nagha- handog at nagsisikap na masunod ang kautusan. Nguni't sa kaniya sinabi ni Jesus, "Kinakailangan ngang kayo'y ipan- ganak na muli." Ang pagsunod sa kautusan, ang pagsisimba, ang pagkarelihiyoso, pag-anib sa iglesia, ang pagpapabinyag, ang pagsunod sa mga utos ng relihiyon ay hindi makapaglilig- tas sa inyo. Sa impiyerno rin patungo ang marami, sa kabila ng paggawa ng lahat na iyan. Gayon din kaya kayo? KINAKAILANGAN ngang kayo'y ipanganak na muli. 2. Ang bagong kapanganakan ay hindi kabutihang-asal. Maaaring sikapin ninyong sundin ang sampung utos, bayaran ang lahat ninyong pagkakautang, maging mabuting kapitba- hay, mamuhay nang maayos, nguni't ang mga ito'y hindi makapagliligtas sa inyo. Kayong mga namumuhay nang wasto
at mabubuting mamamayan, ay kinakailangang ipanganak na muli o kaya'y mapahamak magpakailan man. Hindi nasusulat na sinabi ni Jesus na "Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli" sa duwag at nag-aalinlangang si Pilato, o sa taksil at mapagpaimbabaw na si Judas. Bakit? Sapagka't sasabihin ninyo, "Alam ko na ang mga mapagpaim- babaw tulad ni Judas, at ang mga taong tulad ni Pilato ay kinakailangang ipanganak na muli, nguni't ako'y hindi tulad niya. Hindi ko ipagkakanulo si Jesus sa pamamagitan ng isang halik matapos kung ipahayag na Siya'y isang kaibigan. Hindi ko iuutos na paluin at ibigay Siya sa mga nagsisigawang karamihan upang ipako sa krus. Ang mga mamamatay-tao, mangangalunya, mapagsinungaling, maglalasing, magsusugal, ang kinakailangan ipanganak na muli, nguni't hindi ako. Ako'y mabuting tao. Kaibigan, nalalaman mo ba na ang mga salita tungkol sa bagong kapanganakan ay sinabi ng Anak ng Dios sa isang taong boong sikap na ginagawa ang boong makakaya upang makaparoon sa langit? Walang alinlangan na siya'y hindi isang masamang tao, maglalasing, ni magsusugal. Siya'y isang tapat na asawa, isang mabuting kapitbahay, isang taong namumuhay nang wasto, at relihiyoso. Kung kinakailangang siya'y ipanganak na muli, gayon din kayo. Paano kayo maka- paroroon sa langit nang hindi ipinanganak na muli, kung kahit si Nicodemo ay hindi makaparoroon malibang siya'y ipan- ganak na muli? 3. Ang muling kapanganakan ay hindi isang pagbabago. Kahi't iwanan ninyo ang lahat ninyong masasamang gawa, iyon ay hindi muling kapanganakan. Ang inyong suliranin ay wala sa labas kundi nasa loob. Hindi ninyo kailangan ang panlabas na gayak, kundi ang panloob na muling kapan- ganakan. Nais ni Satanas na kayo'y magtiwala sa huwad na kapayapaan. Pinaaalalahanan namin kayo, sa Pangalan ni Jesus, na huwag masiyahan hanggang matiyak ninyo na kayo'y muling ipinanganak. Kung wala kayo nito ay nalili-2
gaw kayo tulad sa mga yumuyukod sa mga nakatatakot na
mga diosdiosan.II. KUNG ANO ANG MULING KAPANGANAKAN 1. Ang muling kapanganakan ay isang hiwagang mahirap na maipaliwanag, nguni't isang katotohanan na hindi maaar- ing pabulaanan ng sino man. "Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan naparoroon; gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu" (Juan 3:8). Tulad ni Nicodemo na hindi maunawaan ni maipaliwanag ang hangin, kaya't walang tao ang makauunawa o makapagpapaliwanag ng bagong kapanganakan. Datapuwa't ang hangin ay isang katotohanan na walang tao na makapagpapaliwanag. Hangal lamang ang magsasabi na "Ako'y hindi naniniwala sa hangin. Hindi ko iyon nakikita, hindi ko maunawaan iyon, kaya't walang hangin." Marami ang hindi kumikilala sa katotohanan ng bagong kapan- ganakan. Ang ano mang hindi maabot ng kanilang maliit na pag-iisip ay ayaw nilang paniwalaan. Ang sabi nila'y ang bagong kapanganakan ay isa lamang karanasan ng pag-iisip. Datapwa't salamat sa Dios, ano mang sabihin ng iba, ang bagong kapanganakan ay isang katotohanang walang tao ang makapagpapaliwanag. Tanungin ang isang taong muling ipinanganak na kung anong mayroon sa bagay na iyon. Tingnan ninyo ang hangin na nagpapakilos ng malalaking sanga ng isang kahoy. Basahin ninyo kung paanong ang isang bahay ay dinudurog ng hangin. Ang hangal lamang ang hindi kumikilala na may hangin. Hindi ninyo makikita ang Espiritu Santo. Hindi ninyo miaipaliliwanag Siya. Nguni't tingnan ninyo ang Kaniyang malakas na kapangyarihan na gawing malinis ang isang patotot, matapat ang isang sinungaling, manalangin ang mamumusong, at pagkatapos ay huwag kilalanin ang katotohanan nito.2. Ang bagong kapanganakan ay isang gawain ng Dios, na
sa pamamagitan nito'y ang isang makasalanang kaawaawa,3
naliligaw, at nararapat sa impiyerno na tumanggap kay Jesucristo ay tumatanggap ng isang bagong likas, nagiging anak ng Dios at nagsisimula ng isang bagong buhay. Iyon ay ikalawang kapanganakan, isang kapanganakan sa espiritu. Ang buhay ukol sa laman ay nagsisimula sa kapanganakan. Ang ating buhay ukol sa espiritu ay nagsisimula sa gayon dingparaan -- hindi sa pamamagitan ng pag-anib sa iglesia at pagiging relihiyoso. Hindi kayo maaaring UMANIB sa sam- bahayan ng Dios, kinakailangang IPANGANAK kayo roon. May nagsabi na "Hindi ninyo maaaring gawing Cristiano ang isang tao." Tama, ang Cristiano ay hindi ginagawa, siya'y ipinanganganak. Ang kapanganakan ay ang pagkakaroon ng isang bagong buhay na may likas ng kaniyang mga magulang. Nang kayo'y unang ipanganak ay nakabahagi kayo ng dating likas, ang makasalanang likas na tinanggap nating lahat kay Adam. Nang kayo'y muling ipanganak ay nakabahagi kayo ng likas na mula sa Dios (II Pedro 1:4). Ito ba'y totoo sa inyo? Mayroon ba KAYONG likas na mula sa Dios? Kahit na anong uri ng pagpapahayag ng relihiyon ang nagawa na ninyo, kahit na kung gaano ang kabutihan ninyo, malibang kayo'y nakabahagi ng likas na mula sa Dios, kayo'y hindi ligtas. Ibinibigay ng Dios ang bagong likas sa sandaling tanggapin ninyo ang Kaniyang Anak. Ito'y agaran. Hindi kayo muling ipanganganak nang utayutay, gaya rin naman hindi ninyo mapapuputok ang isang labintador nang utay-utay. Sa muling kapanganakan ninyo ay magsisimula kayong mamuhay ng isang bagong buhay. Ito ang nangyari nang kayo'y unang ipanganak, nagpasimula kayo ng isang buhay na hindi ninyo ipinamuhay bago noon. Nagpahayag kayo ng kaligtasan, nguni't mayroon bang pagbabago sa inyong buhay pagkatapos noon? Hindi sapat ang pagpapahayag lamang. Maraming may palagay na sila'y paroroon sa langit sapag- ka't sila'y nagpahayag ng pananampalataya. Tiyakin na kayo'y muling ipinanganak na. Ang pagbabago ay madaling4
makikita sa isang maglalasing at mamumusong, datapwa't kahit sa inyo na hindi lubhang nagkasala tulad nila, dapat may makitang pagbabago pagkatapos na kayo'y muling ipanganak. Dapat magkaroon ng bagong palagay sa Panginoong Jesucristo, sa Kaniyang Salita, sa Kaniyang mga tauhan at sa panalangin. NATITIYAK ba ninyo na kayo'y muling ipinanganak? Maaaring hindi ninyo nalalaman ang oras o araw nang kayo'y magtiwala kay Cristo, nguni't dapat masabi ninyong "Alam ko NGAYON na ako'y muling ipinanganak." Kung hinlita, sa Kaniyang mga tauhan at sa panalangin. Di ninyo natitiyak ang mahalagang bagay na ito, isinasamo ko sa inyo na sabihin ninyo sa Panginoong Jesucristo na Siya'y inyong tinatanggap ngayon. Pagkatapos ay basahin ang Juan 3:36 at paniwalaan ito. "Ang sumasampalataya sa ANAK ay may buhay na walang hanggan."III. KUNG BAKIT KINAKAILANGANG
KAYO'Y IPANGANAK NA MULI1. Sapagka't gayon ang sabi ng Panginoong Jesucristo. Ito ang dapat mangyari. Bakit pagtatalunan ito yamang Siya, ang Anak ng Dios, ang nagsabi na kinakailangang kayo'y ipanganak na muli? Siya ang dapat makaalam. 2. Sapagka'l kayo'y may likas na makasalanan. Ang likas na tinanggap natin mula kay Adam ay masama. Sinabi ng Dios na ang puso ng tao ay totoong niasama at magdaraya sa lahat ng bagay. Kung nasa inyo pa ang lumang likas ay hindi kayo magkakaroon ng kagalakan sa langit. Kung ngayo'y wala kayong kagalakan sa pagdalo sa mga pulong panalangin, paano kayo liligaya sa langit? Ang langit ay isang banal na lugar. Sa oras na kavo'y ipanganak na muli ay binibigyan kayo ng Dios ng banal na likas upang magkaroon kayo ng kagalakan sa langit, isang banal na lugar. 3. Sapagka't hindi ninyo maililigtas ang inyong sarili. "Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya: at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sino5
man ay huwag magmapuri" (Efeso 2:8,9), "Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili kundi ayon sa Kaniyang kaawaan ay Kaniyang iniligtas tayo" (Tito 3:5). Huwag ninyong lampasang madalian ang dalawang talatang ito, na mula sa Banal na Salita ng Dios. Paulit-ulit ninyong basahin hanggang ang katotohanan ay matanim sa inyong puso. Hindi ninyo maililigtas ang inyong sarili - KINAKAILANGANG kayo'y ipanganak na muli.IV. KUNG PAANO MAIPANGANGANAK
NA MULIGanito ang sinasabi sa Juan 1:11-13: "Siya'y naparito sa sariling Kaniya, at Siya'y hindi tinanggap ng mga sariling Kaniya. Datapwa't ang lahat ng sa Kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan: na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios." 1. Hindi sa pamamagitan ng dugo. Hindi kayo magiging isang Cristiano dahil sa ang inyong mga magulang ay Cristiano. May isang bagay na hindi maaari ninyong manahin sa inyong magulang--ang kaligtasan. Bagama't ang inyong magulang ay ligtas, mapapahamak kayo kung hindi pa kayo ipinanganganak na muli. 2. Ni sa kalooban ng laman. Hindi sa pamamagitan ng inyong sariling mga pagsisikap o kapangyarihan. Walang mangyayari sa inyong pagsisikap na mailigtas ang inyong sar- ili. Kaya't tigilan ninyo ang paghanap ng kaligtasan sa pama- magitan ng sariling pagsisikap. Sa halip ay magtiwala, tumanggap, at umasa sa Kaniya na namatay at nagbangong maguli. Kung tanungin ko ang ilan sa inyo kung kayo'y anak ng Dios, sasabihin ninyo na "Hindi ko natitiyak, nguni't sinisikap kong maging gayon, sa aking mahinang paraan." Ngayon, hal- imbawang tanungin ninyo si Juan Santos kung siya ay anak ni Ginoo at Ginang Santos at kaniyang isasagot, "Hindi ko nati- tiyak, nguni't sinisikap kong maging gayon, sa aking mahi-6
nang paraan." Magtatawa kayo marahil. Hindi siya naging anak sapagka't sinikap niyang maging gayon, kundi sapagka't siya'y ipinanganak sa kanilang sambahayan. Kung kayo'y anak ng Dios, ito'y hindi dahil sa inyong pagsisikap, kundi sapagka't kayo'y ipinanganak sa sambahayan ng Dios. 3. Ni sa kalooban ng tao. Ang muling kapanganakan ay hindi nagaganap sa pamamagitan ng pagsasaulo o pagdalo sa mga seremonya ng iglesia. Walang tao o samahan na makatu- tulong sa inyo upang kayo'y maging anak ng Dios. Ang paganib sa ano mang samahan, ang pagdalo sa ano mang palatuntunan, pagsasaulo ng mga doctrina ng relihiyon at ang pagsunod sa mga alintuntunin na ibinigay ng mga tao ay hindi makapagliligtas sa inyo. 4. Kundi ng Dios. Sinabi ni Jesus na kayo'y kinakailan- gang ipanganak na muli "ng ESPIRITU." Ito'y gawa ng Dios, hindi ng inyong sarili. Ito'y isang kababalaghan. Ang dapat mo lamang gawin ay paniwalaan ang kasulatan ng Dios tungkol sa iyo, na ikaw ay naligaw at nangangailangan ng Cristo, at tanggapin Siya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas. Namatay Siya sa Calvario upang makatugon sa hinihingi ng katarungan ng Dios. Muling nabuhay Siya at ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Dios. Kung tatang- gapin ninyo Siya ay magkakaroon kayo ng buhay na walang hanggan, sapagka't sinasabi ng Biblia na tayo'y mga "anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus" (Galacia 3:26). Datapwa't walang pagasa para sa inyo kung tatanggihan ninyo Siya, kundi luha at kadiliman at walang kat- apusang parusa. May isang babae na nagsabi sa akin na mayroon na siyang 38 taong kaanib sa isang iglesia bago siya naligtas. Kinakausap ba kayo ng Dios tungkol dito? Samantalang malambot pa ang inyong puso at samantalang hindi pa huli, muli akong sumasamo sa inyo alang-alang sa inyo, alang- alang sa inyong sambahayan, at alang-alang kay Cristo, ay huwag ninyong walang kabuluhan ang bagay na ito. Yumukod sa paanan ng nabuhay na Panginoon at sabibin sa7
Kaniya na Siya'y tinatanggap ninyo ngayon, sapagka't maaar- ing maligtas kayo ng walang salapi, walang kaibigan, walang kalusugan, nguni't HINDI KUNG WALANG PANGI- NOONG JESUCRISTO. Si Jesucristo lamang ang maka- pagliligtas sa inyo. "Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroo- nan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay." (I Juan 3:12).* * *
AKING PASIYANakikilala ko ang pangangailangan ng bagong kapan- ganakan. Ngayo'y taimtim na tinatanggap ko ang Anak ng Dios na nabuhay na muli, ang Panginoong Jesucristo, bilang aking Panginoon at Tagapagligtas, at nagtitiwala sa Kaniya na Kaniyang lilinisin ang aking mga kasalanan. Maninindigan ako sa Kaniyang pangako na "Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay," at kung ako'y magkakaroon ng pagkakataon ay ipahahayag ko Siya na aking Panginoon sa harap ng mga tao. Pangalan.............................. Tirahan...............................(Huwag kang lumagda maliban na ikaw ay tumatanggap
kay Jesucristo.)
Para sa walang bayad na maliit na aklat na makatutulong
sa iyo sumulat ka sa:Write for samples of other tracts
Order from
BIBLE TRACTS, Inc., Box 588, Normal, IL 61761-0588
Free as the Lord Provides
Don't let this tract die--Pass it on!New Birth--Tagalog, Philippines
No. 01TG
[ Christian Helps Ministry (USA) ] [ Christian Home Bible Course ]