ANG SULAT PABLO NA APOSTOL
SA MGA TAGA-ROMA

KAPITULO 1

         SI Pablo, na isang lingkod ni
Jesu-Cristo, tinawag upang maging
isang apostol, ibinukod sa ebanghelyo
ng Diyos,
2 (Na kaniyang naipangako noong
una sa pamamagitan ng kaniyang
mga propeta sa banal na mga
kasulatan,)
3 Patungkol sa kaniyang Anak na si
Jesu-Cristo na ating Panginoon, na
nanggaling sa binhi ni David ayon sa
laman;
4 At ipinahayag upang maging Anak
ng Diyos na may kapangyarihan, ayon
sa espiritu ng kabanalan, sa
pamamagitan ng pagkabuhay na muli
mula sa mga patay:
5 Sa pamamagitan niya kami ay
nakatanggap ng biyaya at
pagkaapostol, para sa pagtalima sa

pananampalataya sa lahat ng mga
bansa, dahil sa kaniyang pangalan:
6 Kabilang sa kanila kayo rin ay ang
mga tinawag ni Jesu-Cristo:
7 Sa lahat ng nasa Roma, mga iniibig
ng Diyos, tinawag upang maging mga
santo: Biyaya sa inyo at kapayapaan
mula sa Diyos na ating Ama, at ang
Panginoong Jesu-Cristo.
8 Una, aking pinasasalamatan ang
aking Diyos sa pamamagitan ni Jesu-
Cristo para sa inyong lahat, na ang
inyong pananampalataya ay pinag-
uusapan sa lahat ng dako ng buong
sanlibutan.
9 Sapagka't ang Diyos ang aking
saksi, na siyang aking
pinaglilingkuran sa aking espiritu sa
ebanghelyo ng kaniyang Anak, na
walang pagtigil ay aking binabanggit
kayong palagi sa aking mga
panalangin;
10 Gumagawa ng kahilingan, kung
sa pamamagitan ng anumang paraan
ngayon sa katagalan ako nawa ay
magkaroon ng isang maunlad na
paglalakbay sa pamamagitan ng
kalooban ng Diyos upang pumunta sa
inyo.
11 Sapagka't ako ay nananabik na
makita kayo, upang akin nawang
maibahagi sa inyo ang ilang
espirituwal na kaloob, sa katapusan
kayo nawa ay maging matatag;
12 Iyon ay, upang ako nawa ay maaliw
na kasama ninyo sa pamamagitan ng
kapuwa pananampalataya maging sa
inyo at akin.
13 Ngayon ako ay hindi nagnanais na
kayo ay maging walang-kaalaman,
mga kapatid, na madalas na aking
nilayon na pumunta sa inyo, (nguni't
nahadlangan hanggang ngayon,)
upang ako nawa ay magkaroon ng
ilang bunga sa inyo rin, maging gaya
sa mga ibang mga Gentil.
14 Ako ay may pagkakautang kapuwa
sa mga Griyego, at sa mga Barbaro;
kapuwa sa mga marurunong, at mga
di-marurunong.
15 Kung gayon, gaya ng sa akin ay
mayroon, ako ay handa upang
ipangaral ang ebanghelyo sa inyo na
nasa Roma rin.
16 Sapagka't hindi ko ikinahihiya
ang ebanghelyo ni Cristo: sapagka't
ito ay ang kapangyarihan ng Diyos sa
kaligtasan sa bawa't isa na
sumasampalataya; una ay sa Judio, at
gayon din sa Griyego.
17 Sapagka't sa ganito ang katuwiran
ng Diyos ay inihayag mula sa
pananampalataya hanggang sa
pananampalataya: gaya ng ito ay
nasusulat, Ang matuwid ay
mabubuhay sa pamamagitan ng
pananampalataya.
18 Sapagka't ang pagkapoot ng Diyos
ay inihayag mula sa langit laban sa
lahat ng hindi pagkamaka-Diyos at
di-pagkamatuwid ng mga tao, na
hinahawakan ang katotohanan sa di-
pagkamatuwid;
19 Dahil yaong maaaring malaman
sa Diyos ay hayag sa kanila; sapagka't
ang Diyos ang nagpakita nito sa
kanila.
20 Sapagka't ang di-nakikitang mga
bagay sa kaniya mula sa pagkalikha
ng sanlibutan ay malinaw na nakikita,
na nauunawaan sa pamamagitan ng
mga bagay na ginawa, maging ang
kaniyang walang-hanggang
kapangyarihan at pagka-Diyos; sa
gayon upang sila ay walang
maidahilan:
21 Dahil dito, nang kanilang nakilala
ang Diyos, kanilang niluwalhati siya
hindi gaya ng Diyos, ni hindi naging
mapagpasalamat; kundi naging
walang-kabuluhan sa kanilang mga
pag-iisip, at ang kanilang mangmang
na puso ay nagdilim.
22 Ipinahahayag ang kanilang sarili
na mga marurunong, sila ay naging
mga mangmang,
23 At pinalitan ang kaluwalhatian ng
di-namamatay na Diyos sa isang anyo
na ginawang katulad sa namamatay
na tao, at sa mga ibon, at may apat na
paang mga hayop, at gumagapang na
mga bagay.
24 Dahil dito ang Diyos din ay ibinigay
na sila sa karumihan sa pamamagitan
ng mga pita ng kanilang sariling mga
puso, upang ilagay sa kahihiyan ang
kanilang sariling mga katawan sa
pagitan ng kanilang mga sarili:
25 Na kanilang pinalitan ang
katotohanan ng Diyos sa isang
kasinungalingan, at sinamba at
pinaglingkuran ang nilalang nang
higit kaysa sa Manlilikha, na siyang
pinagpala magpakailan man. Amen.
26 Sapagka't sa dahilang ito ibinigay
sila ng Diyos sa nakahihiyang mga
pagkahumaling: sapagka't maging
ang kanilang mga babae ay pinalitan
ang likas na kagamitan doon sa
salungat sa kalikasan:
27 At gayon din ang mga lalaki, na
iniwan ang likas na kagamitan sa
babae, ay nag-alab sa kanilang pita sa
isa't isa; mga lalaki sa mga lalaki na
ginagawa yaong hindi karapat-dapat,
at tinatanggap sa kanilang sarili iyong
kabayaran ng kanilang kamalian na
siyang nararapat.
28 At maging gaya nila na hindi
gustong panatilihin ang Diyos sa
kanilang kaalaman, ang Diyos ay
ibinigay sila sa isang itinakuwil na
pag-iisip, upang gawin iyong mga
bagay na hindi nararapat;
29 Na napuno ng lahat ng di-
pagkamatuwid, pakikiapid,
kasamaan, kasakiman, masamang
hangarin; puno ng inggit, pagpatay
ng tao, pagdedebate, panlilinlang,
masamang asal, patagong
naninirang-puri,
30 Mga naninira sa talikuran, mga
namumuhi sa Diyos, mapanghamak,
palalo, mga mayayabang, mga mang-
iimbento ng masasamang mga bagay,
di-tumatalima sa mga magulang,
31 Walang kaunawaan, mga di-
tumutupad sa kasunduan, walang likas
na pagmamahal, di-mapayapa, di-
mahabagin:
32 Na kanilang nalalaman ang
paghuhukom ng Diyos, na sila na
gumagawa ng gayong mga bagay ay
nararapat sa kamatayan, hindi lamang
ginagawa ang gayon, kundi may
kasiyahan sa kanila na gumagawa ng
mga ito.

KAPITULO 2

   SAMAKATUWID ikaw ay walang
maidadahilan, O tao, sino ka man na
humuhukom: sapagka't kung
paanong iyong hinuhukuman ang iba,
iyong hinahatulan ang iyong sarili;
sapagka't ikaw na humuhukom ay
gumagawa ng gayon ding mga bagay.
2 Nguni't tayo ay nakatitiyak na ang
paghuhukom ng Diyos ay ayon sa
katotohanan laban sa kanila na
gumagawa ng gayong mga bagay.
3 At iniisip mo ito, O tao, na
hinuhukuman sila na gumagawa ng
gayong mga bagay, at gumagawa ng

gayon din, na iyong matatakasan ang
paghuhukom ng Diyos?
4 O nilalait mo ang kayamanan ng
kaniyang kabutihan at pagtitiis at
pagbabata; hindi nalalaman na ang
kabutihan ng Diyos ay umaakay sa
iyo sa pagsisisi?
5 Nguni't ayon sa iyong katigasan at
di-nagsisising puso ay tinitipon sa
iyong sarili ang pagkapoot laban sa
araw ng pagkapoot at kapahayagan
ng matuwid na paghuhukom ng Diyos;
6 Na siyang gaganti sa bawa't tao
ayon sa kaniyang mga gawain:
7 Sa kanila na sa pamamagitan ng
matiyagang pagpapatuloy sa
mabuting paggawa ay naghahanap
ng kaluwalhatian at karangalan at
kawalang-kamatayan, walang-
hanggang buhay:
8 Nguni't sa kanila na mga palaaway,
at hindi tumatalima sa katotohanan,
kundi tumatalima sa di-
pagkamatuwid, kagalitan at kapootan,
9 Kapighatian at kahapisan, sa bawa't
kaluluwa ng tao na gumagawa ng
masama, una sa Judio, at gayon din sa
Gentil;
10 Datapuwa't kaluwalhatian,
karangalan, at kapayapaan, sa bawa't
tao na gumagawa ng mabuti, una ay
sa Judio, at gayon din sa Gentil:
11 Sapagka't walang pagtatangi ng
mga tao sa Diyos.
12 Sapagka't gaya ng marami na
nagkasala ng walang batas ay gayon
ding mapapahamak na walang batas:
at gaya ng marami na nagkasala sa
batas ay mahuhukuman sa
pamamagitan ng batas;
13 (Sapagka't hindi ang mga
tagapakinig ng batas ang mga
matuwid sa harap ng Diyos, kundi
ang mga tagatupad ng batas ang
mapawawalang-sala.
14 Sapagka't kapag ang mga Gentil,
na walang batas, ay ginagawa sa likas
ang mga bagay na napapaloob sa
batas, ang mga ito, hindi man taglay
ang batas ay batas sa kanilang sarili:
15 Na nagpapakita ng gawa ng batas
na nakasulat sa kanilang mga puso,
ang kanilang budhi rin ay
nagpapatotoo, at ang kanilang mga
pag-iisip ay samantalang
nagpaparatang o kaya ay
nagdadahilan sa isa't isa;)
16 Sa araw na kapag ang Diyos ay
maghuhukom sa mga lihim ng mga
tao sa pamamagitan ni Jesu-Cristo
ayon sa aking ebanghelyo.
17 Masdan mo, ikaw ay tinatawag na
isang Judio, at nasasalig sa batas, at
ginagawa ang iyong pagmamayabang
sa Diyos,
18 At alam ang kaniyang kalooban, at
sumasang-ayon sa mga bagay na mga
higit na magaling, bilang naturuan
mula sa batas;
19 At nananalig na ikaw mismo ay
isang gabay ng mga bulag, isang
liwanag sa kanila na nasa kadiliman,
20 Isang tagapagtuwid ng mga
mangmang, isang tagapagturo ng mga
sanggol, na may anyo ng kaalaman at
ng katotohanan sa batas.
21 Ikaw samakatuwid na nagtuturo sa
iba, hindi mo tinuturuan ang iyong
sarili? ikaw na nangangaral na ang
isang tao ay hindi dapat magnakaw,
ikaw ay nagnanakaw?
22 Ikaw na nagsasabi na ang isang tao
ay hindi dapat gumawa ng
pangangalunya, ikaw ay gumagawa
ng pangangalunya? ikaw na
nasusuklam sa mga diyos-diyosan,
ikaw ay gumagawa ng
kalapastanganan?
23 Ikaw na gumagawa ng iyong
pagmamayabang sa batas, sa
pamamagitan ng paglabag sa batas ay
sinisiraang-puri mo ang Diyos?
24 Sapagka't ang pangalan ng Diyos
ay nilapastangan sa gitna ng mga
Gentil sa pamamagitan mo, gaya ng
ito ay nasusulat.
25 Sapagka't ang pagtutuli sa
katotohanan ay may pakinabang, kung
iyong sinusunod ang batas: nguni't
kung ikaw ay naging isang tagalabag
sa batas, ang iyong pagtutuli ay
ginawang di-pagtutuli.
26 Samakatuwid kung ang di-
pagtutuli ay sinusunod ang katuwiran
ng batas, hindi ba ang kaniyang di-
pagtutuli ay mabilang na pagtutuli?
27 At hindi ba ang di-pagtutuli na ito
ay sa pamamagitan ng kalikasan, kung
ito ay tumutupad sa batas, ay
hinuhukuman kayo, na sa
pamamagitan ng titik at pagtutuli ay
sumusuway sa batas?
28 Sapagka't siya ay hindi Judio, na
siyang isa sa panlabas; ni hindi iyon
pagtutuli, na siyang panlabas sa
laman:
29 Kundi siya ay isang Judio, na
siyang isa sa panloob; at ang pagtutuli
ay iyong sa puso, sa espiritu, at hindi
sa titik; na ang kapurihan ay hindi sa
mga tao, kundi sa Diyos.

KAPITULO 3

    ANONG kahigtan kung gayon
mayroon ang Judio? o ano bang
kapakinabangan mayroon sa
pagtutuli?
2 Marami sa bawa't paraan:
pangunahin, dahil sa kanila ay
ipinagkatiwala ang mga orakulo ng
Diyos.
3 Sapagka't papaano kung ang ilan
ay hindi nanampalataya? ang kanila
bang di-pananampalataya ay gagawin
ang pananampalataya ng Diyos na
walang-bisa?
4 Huwag ipahintulot ng Diyos: oo,
hayaan ang Diyos ay maging totoo,
nguni't ang bawa't tao na isang
sinungaling; gaya ng ito ay nasusulat,
Upang ikaw nawa ay mapawalang-
sala sa iyong mga pananalita, at nawa
ay manaig kapag ikaw ay hinatulan.
5 Nguni't kung ang ating di-
pagkamatuwid ay nagpapakita sa
katuwiran ng Diyos, ano ba ang ating
sasabihin? Ang Diyos ba ay di-
matuwid na kumukuha ng
paghihiganti? (Ako ay nagsasalita
bilang isang tao)

6 Huwag ipahintulot ng Diyos:
sapagka't kung gayon papaanong
huhukuman ng Diyos ang sanlibutan?
7 Sapagka't kung ang katotohanan
ng Diyos ay higit na nanagana
sa pamamagitan ng aking
kasinungalingan sa kaniyang
kaluwalhatian; bakit pa rin ako
hinatulan gaya ng isang makasalanan?
8 At hindi bagkus, (gaya ng kami ay
may paninirang-puri na ibinalita, at
gaya ng ilan na pinatutunayan na
aming sinasabi,) Hayaang tayo ay
gumawa ng masama, upang ang
mabuti nawa ay dumating? na ang
kanilang kahatulan ay matuwid.
9 Ano kung gayon? tayo ba ay mas
mabuti kaysa sa kanila? Hindi, sa
anumang paraan: sapagka't aming
napatunayan na noon na kapuwa mga
Judio at mga Gentil, na silang lahat ay
nasa ilalim ng kasalanan;
10 Gaya ng ito ay nasusulat, Walang
sinumang matuwid, wala, wala ni isa:
11 Walang sinuman na nakauunawa,
walang sinuman na naghahanap sa
Diyos.
12 Silang lahat ay lumihis sa daan,
sila ay sama-samang naging hindi
kapaki-pakinabang; walang sinuman
na gumagawa ng mabuti, wala, wala
ni isa.
13 Ang kanilang lalamunan ay isang
bukas na libingan; sa kanilang mga
dila sila ay gumamit ng panlilinlang;
ang lason ng mga ulupong ay nasa
ilalim ng kanilang mga labi:
14 Na ang kanilang bibig ay puno ng

Tingnan ang Pahina 69

66a
pagsusumpa at kapaitan:
15 Ang kanilang mga paa ay maliliksi
sa pagbubo ng dugo:
16 Ang pagkawasak at paghihirap ay
nasa kanilang mga daan:
17 At ang daan ng kapayapaan ay
hindi nila nalaman:
18 Walang takot sa Diyos sa harap ng
kanilang mga mata.
19 Ngayon alam natin na anumang
mga bagay na sinasabi ng batas, ito ay
sinasabi sa kanila na nasa ilalim ng
batas: upang ang bawa't bibig nawa
ay matigil, at ang buong sanlibutan
nawa ay maging may-kasalanan sa
harap ng Diyos.
20 Samakatuwid sa pamamagitan ng
mga gawain ng batas ay walang laman
na mapawawalang-sala sa kaniyang
paningin: sapagka't sa pamamagitan
ng batas ay ang kaalaman sa
kasalanan.
21 Nguni't ngayon ang katuwiran ng
Diyos na hiwalay sa batas ay inihayag,
na sinaksihan sa pamamagitan ng
batas at ng mga propeta;
22 Maging ang katuwiran ng Diyos
na ito ay sa pamamagitan ng
pananampalataya ni Jesu-Cristo tungo
sa lahat at sa lahat nila na
nananampalataya: sapagka't walang
pagkakaiba:
*23 Sapagka't ang lahat ay nagkasala;
at hindi nakaabot sa kaluwalhatian
ng Diyos;
24 Bilang pinawalang-sala nang
walang-bayad sa pamamagitan ng
kaniyang biyaya sa katubusang na

66b
kay Cristo Jesus:
25 Na siyang naitalaga ng Diyos upang
maging isang pamayapa sa
pamamagitan ng pananampalataya sa
kaniyang dugo, upang ipahayag ang
kaniyang katuwiran para sa
kapatawaran ng mga kasalanan na
mga lumipas, sa pamamagitan ng
pagtitiis ng Diyos;
26 Upang ipahayag, aking sinasabi,
sa panahong ito ang kaniyang
katuwiran: na siya nawa ay maging
matuwid, at ang tagapagpawalang-
sala sa kaniya na nananampalataya
kay Jesus.
27 Nasaan ang pagmamayabang kung
gayon? Ito ay di-kasama. Sa
pamamagitan ng anong batas? ng
mga gawa? Hindi: kundi sa
pamamagitan ng batas ng
pananampalataya.
28 Samakatuwid aming pinagtitibay
na ang isang tao ay pinawawalang-
sala sa pamamagitan ng
pananampalataya na walang mga
gawain ng batas.
29 Siya ba ang Diyos ng mga Judio
lamang? hindi ba siya ay gayon din sa
mga Gentil? Oo, sa mga Gentil din:
30 Nakikitang ito ay iisang Diyos, na
siyang magpawawalang-sala sa
pagtutuli sa pamamagitan ng
pananampalataya, at di-pagtutuli sa
pamamagitan ng pananampalataya.
31 Amin ba kung gayon winawalang
kabuluhan ang batas sa pamamagitan
ng pananampalataya? Huwag
ipahintulot ng Diyos: oo, aming
pinatatatag ang batas.

KAPITULO 4

  ANO ba ang ating masasabi kung
gayon na si Abraham na ating ninuno,
gaya ng patungkol sa laman, ay
nasumpungan?
2 Sapagka't kung si Abraham ay
pinawalang-sala sa pamamagitan ng
mga gawa, siya ay may anumang
ipagmamalaki; nguni't hindi sa
harapan ng Diyos.
3 Sapagka't ano ba ang sinasabi ng
kasulatan? Si Abraham ay
nanampalataya sa Diyos, at ito ay
ibinilang sa kaniya para sa katuwiran.
4 Ngayon sa kaniya na gumagawa ay
ang gantimpalang hindi itinuring sa
biyaya, kundi sa utang.
5 Datapuwa't sa kaniya na hindi
gumagawa, kundi nananampalataya
sa kaniya na nagpapawalang-sala sa
mga hindi maka-Diyos, ang kaniyang
pananampalataya ay ibinibilang para
sa katuwiran.
6 Maging gaya ni David din na
inilarawan ang pagkamapalad ng tao,
na sa kaniya ang Diyos ay itinuturing
ang katuwiran na walang mga gawa,
7 Sinasabing, Mapapalad sila na ang
kanilang mga pagsalansang ay
pinatawad, at ang kanilang mga
kasalanan ay tinakpan.
8 Mapalad ang tao na sa kaniya ang
Panginoon ay hindi ituturing ang
kasalanan.

9 Dumarating ba itong pagkamapalad
kung gayon sa mga pagtutuli lamang,
o sa mga di-pagtutuli rin? sapagka't
ating sinasabi na ang
pananampalataya ay itinuring kay
Abraham para sa katuwiran.
10 Papaano ba ito kung gayon
itinuring? nang siya ba ay nasa
pagtutuli, o nasa di-pagtutuli? Hindi
sa pagtutuli, kundi sa di-pagtutuli.
11 At kaniyang tinanggap ang tanda
ng pagtutuli, isang tatak ng katuwiran
ng pananampalataya na siya ay
nagkaroon bagama't bilang di-tinuli:
upang siya nawa ay maging ninuno
ng lahat nila na nananampalataya,
bagama't sila ay hindi mga tinuli;
upang ang katuwiran nawa ay
maituturing sa kanila rin:
12 At ang ninuno ng pagtutuli sa
kanila na mga hindi sa pagtutuli
lamang, datapuwa't sila rin na
lumalakad sa mga hakbang ng
pananampalatayang iyon ng ating
ninunong si Abraham, na siya ay
nagkaroon bagama't bilang di-tinuli.
13 Sapagka't ang pangako, na siya
ang dapat maging tagapagmana ng
sanlibutan, ay hindi kay Abraham, o
sa kaniyang binhi, sa pamamagitan
ng batas, kundi sa pamamagitan ng
katuwiran ng pananampalataya.
14 Sapagka't kung sila na mga sa
batas ang maging mga tagapagmana,
ang pananampalataya ay ginawang
walang-kabuluhan, at ang pangako
ay ginawang walang bisa:
15 Dahil ang batas ay gumagawa ng
pagkapoot: sapagka't kung saan
walang batas, ay walang pagsuway.
16 Samakatuwid ito ay sa
pananampalataya, upang ito nawa ay
maging sa pamamagitan ng biyaya;
sa katapusan na ang pangako nawa ay
maging tiyak sa lahat ng binhi; hindi
lamang yaong sa batas, kundi yaon
ding sa pananampalataya ni Abraham;
na siyang ninuno nating lahat,
17 (Gaya ng ito ay nasusulat, Aking
ginawa ka na isang ninuno ng
maraming mga bansa,) sa harapan
niya na siyang kaniyang
sinampalatayanan, maging ang
Diyos, na bumubuhay sa mga patay,
at tumatawag sa mga bagay na iyon na
wala pa gaya ng ang mga iyon ay
naroon na.
18 Na siyang laban sa pag-asa ay
nanampalataya sa pag-asa, upang siya
nawa ay maging ninuno ng maraming
mga bansa, ayon doon sa sinalita,
Magiging gayon ang iyong binhi.
19 At bilang hindi mahina sa
pananampalataya, kaniyang hindi
isinaalang-alang ang kaniyang
sariling katawan na ngayon ay patay
na, nang siya ay halos isang daang
taong gulang, ni hindi ang pagkapatay
ng sinapupunan ni Sara:
20 Siya ay hindi nag-alinlangan sa
pangako ng Diyos sa pamamagitan
ng di-pananampalataya; kundi naging
malakas sa pananampalataya,
nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos;
21 At bilang lubos na nanalig na,
kung ano ang kaniyang naipangako,
ay kaniyang makakaya ring gawin.
22 At samakatuwid ito ay itinuring sa
kaniya para sa katuwiran.
23 Ngayon ito ay hindi isinulat alang-
alang sa kaniya lamang, na ito ay
itinuring sa kaniya;
24 Kundi para sa atin din, na kung
kanino ito ay maipatuturing, kung
tayo ay nananampalataya sa kaniya
na bumuhay kay Jesus na ating
Panginoon mula sa mga patay;
25 Na siya ay ibinigay para sa ating
mga kasalanan, at binuhay muli para
sa ating pagpapawalang-sala.

KAPITULO 5

  SAMAKATUWID bilang pinawalang-
sala sa pamamagitan ng
pananampalataya, tayo ay may
kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan
ng ating Panginoong Jesu-Cristo:
2 Sa pamamagitan niya rin tayo ay
may paglapit sa pamamagitan ng
pananampalataya sa biyayang ito kung
saan tayo ay nakatayo, at nagagalak
sa pag-asa sa kaluwalhatian ng Diyos.
3 At hindi lamang sa gayon, kundi
tayo ay nagmamapuri sa mga
kapighatian din: nalalaman na ang
kapighatian ay gumagawa ng
katiyagaan;
4 At ang katiyagaan, karanasan; at
ang karanasan, pag-asa:
5 At ang pag-asa ay hindi nagagawang
humiya; dahil ang pag-ibig ng Diyos
ay naibuhos sa ating mga puso sa

Tingnan ang Pahina 72

69a
pamamagitan ng Espiritung Banal
na ibinigay sa atin.
6 Sapagka't nang tayo ay wala pang
lakas, sa takdang panahon si Cristo
ay namatay para sa mga hindi maka-
Diyos.
7 Sapagka't bihira para sa isang
matuwid na tao na may isang
mamamatay para sa kaniya:
gayunman marahil para sa isang
mabuting tao ay may ilang maaaring
mangahas na mamatay.
*8 Datapuwa't ang Diyos ay
ipinakikita ang kaniyang pag-ibig
tungo sa atin, sa gayon, samantalang
tayo ay mga makasalanan pa, si
Cristo ay namatay para sa atin.
9 Lalong higit kung gayon, na
ngayong pinawalang-sala sa
pamamagitan ng kaniyang dugo,
tayo ay maliligtas mula sa pagkapoot
sa pamamagitan niya.
10 Sapagka't kung, noong tayo ay
mga kaaway, tayo ay
ipinakipagkasundo sa Diyos sa
pamamagitan ng kamatayan ng
kaniyang Anak, lalong higit, bilang
naipagkasundo, tayo ay maliligtas
sa pamamagitan ng kaniyang buhay.
11 At hindi lamang sa gayon, kundi
tayo rin ay nagagalak sa Diyos sa
pamamagitan ng ating Panginoong
Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya
ay ating natanggap na ngayon ang
pagpapanumbalik.
12 Dahil dito, gaya ng sa
pamamagitan ng iisang tao ang
kasalanan ay pumasok sa sanlibutan,

69b
at ang kamatayan sa pamamagitan ng
kasalanan; at sa gayon ang kamatayan
ay nailipat sa lahat ng mga tao, dahil
doon ang lahat ay nagkasala:
13 (Sapagka't bago pa ang batas ang
kasalanan ay nasa sanlibutan na:
nguni't ang kasalanan ay hindi
ibinibilang kapag walang batas.
14 Gayon pa man ang kamatayan ay
naghari mula kay Adam hanggang
kay Moises, maging sa kanila na hindi
nagkasala ayon sa wangis ng
pagsuway ni Adam, na siyang
kahawig niya na darating.
15 Datapuwa't hindi gaya ng
pagkakasala, gayon din ay ang
walang-bayad na kaloob. Sapagka't
kung sa pamamagitan ng
pagkakasala ng iisa ay marami ang
namatay, mas higit ang biyaya ng
Diyos, at ang kaloob sa pamamagitan
ng biyaya, na ito ay sa pamamagitan
ng iisang tao, si Jesu-Cristo, ay
nanagana sa marami.
16 At hindi gaya ng ito ay sa
pamamagitan ng iisa na nagkasala,
gayon ang kaloob: sapagka't ang
paghuhukom ay sa pamamagitan ng
iisa sa kahatulan, nguni't ang walang-
bayad na kaloob ay sa maraming mga
pagkakasala sa pagpapawalang-
sala.
17 Sapagka't kung sa pamamagitan
ng pagkakasala ng iisang tao ang
kamatayan ay naghari sa
pamamagitan ng iisa; mas higit sila
na tumatanggap ng kasaganaan ng
biyaya at ng kaloob ng katuwiran ay
maghahari sa buhay sa pamamagitan
ng iisa, si Jesu-Cristo.)
18 Samakatuwid gaya sa
pamamagitan ng pagkakasala ng iisa
ang paghuhukom ay dumating sa lahat
ng mga tao sa kahatulan; maging
gayon sa pamamagitan ng katuwiran
ng iisa ang walang-bayad na kaloob
ay dumating sa lahat ng mga tao sa
pagpapawalang-sala ng buhay.
19 Sapagka't gaya sa pamamagitan
ng di-pagtalima ng iisang tao ay
marami ang naging mga
makasalanan, gayon sa pamamagitan
ng pagtalima ng iisa ay marami ang
magiging mga matuwid.
20 Bukod dito ang batas ay pumasok,
upang ang pagkakasala nawa ay
sumagana. Datapuwa't kung saan
ang kasalanan ay nanagana, ang
biyaya ay mas higit na nanagana:
21 Upang gaya ng kasalanan ay
naghari sa kamatayan, maging gayon
nawa ang biyaya ay maghahari sa
pamamagitan ng katuwiran sa
walang-hanggang buhay sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating
Panginoon.

KAPITULO 6

  ANO ba ang ating masasabi kung
gayon? Tayo ba ay magpapatuloy sa
kasalanan, upang ang biyaya nawa ay
sumagana?
2 Huwag ipahintulot ng Diyos. Paano
ba tayo, na mga patay na sa kasalanan,

ay mabubuhay pa nang matagal dito?
3 Hindi ba ninyo nalalaman, na
gayong marami sa atin na
nabautismuhan kay Jesu-Cristo ay
nabautismuhan sa kaniyang
kamatayan?
4 Samakatuwid tayo ay inilibing na
kasama niya sa pamamagitan ng
bautismo sa kamatayan: upang
katulad ni Cristo na binuhay mula sa
mga patay sa pamamagitan ng
kaluwalhatian ng Ama, maging
gayon tayo rin ay dapat lumakad sa
pagkabago ng buhay.
5 Sapagka't kung tayo ay naitanim na
sama-sama sa kawangis ng kaniyang
kamatayan, tayo rin ay magiging sa
kawangis ng kaniyang pagkabuhay
na muli:
6 Nalalaman ito, na ang ating lumang
tao ay ipinako sa krus na kasama niya,
upang ang katawan ng kasalanan nawa
ay mawasak,upang mula ngayon tayo
ay huwag dapat maglingkod sa
kasalanan.
7 Sapagka't siya na patay ay pinalaya
na mula sa kasalanan.
8 Ngayon kang tayo ay mga patay na
kasama ni Cristo, tayo ay
sumasampalataya na tayo rin ay
mabubuhay na kasama niya:
9 Nalalaman na si Cristo na binuhay
mula sa mga patay ay hindi na
mamamatay; ang kamatayan ay wala
ng paghahari sa kaniya.
10 Sapagka't sa gayon siya namatay,
siya ay namatay sa kasalanan minsan:
nguni't sa gayon siya nabubuhay, siya
ay nabubuhay sa Diyos.
11 Gayon din ituring ninyo rin ang
inyong sarili na mga patay na tunay
sa kasalanan, nguni't buhay sa Diyos
sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na
ating Panginoon.
12 Huwag hayaan ang kasalanan
samakatuwid na maghari sa inyong
may-kamatayang katawan, upang
inyong dapat sundin ito sa mga pita
nito.
13 Ni huwag ninyong isuko ang
inyong mga bahagi ng katawan bilang
mga kasangkapan ng di-
pagkamatuwid sa kasalanan: kundi
isuko ang inyong sarili sa Diyos, gaya
nila na mga buhay mula sa mga patay,
at ang inyong mga bahagi ng
katawan bilang mga kasangkapan ng
katuwiran sa Diyos.
14 Sapagka't ang kasalanan ay hindi
magkakaroon ng paghahari sa inyo:
sapagka't kayo ay wala sa ilalim ng
batas, kundi sa ilalim ng biyaya.
15 Ano kung gayon? tayo ba ay
magkakasala, dahil tayo ay wala sa
ilalim ng batas, kundi sa ilalim ng
biyaya? Huwag ipahintulot ng
Diyos.
16 Hindi ba ninyo nalalaman, na
kung kanino ninyo isinusuko ang
inyong sarili na mga lingkod upang
tumalima, kaniyang mga lingkod kayo
kung kanino kayo tumatalima;
maging ng kasalanan sa kamatayan,
o ng pagtalima sa katuwiran?
17 Nguni't ang Diyos ay
mapasalamatan, na kayo ay naging
mga lingkod ng kasalanan,
datapuwa't kayo ay tumalima mula sa
puso doon sa huwaran ng doktrina na
ibinigay sa inyo.
18 Na gayong ginawang malaya
mula sa kasalanan, kayo ay naging
mga lingkod ng katuwiran.
19 Ako ay nagsasalita ayon sa
paraan ng mga tao dahil sa kahinaan
ng inyong laman: sapagka't gaya ng
inyong naisuko ang inyong mga
bahagi ng katawan na mga lingkod
sa karumihan at sa pagsalansang sa
pagsalansang; maging gayon
din ngayon ay isuko ang inyong
mga bahagi ng katawan na
mga lingkod sa katuwiran sa
kabanalan.
20 Sapagka't noong kayo ay mga
lingkod ng kasalanan, kayo ay malaya
mula sa katuwiran.
21 Anong bungang mayroon kayo
noon sa mga bagay na iyon na inyo
ngayong ikinahihiya? sapagka't ang
katapusan ng mga bagay na iyon ay
kamatayan.
22 Datapuwa't ngayon na ginawang
malaya mula sa kasalanan, at naging
mga lingkod sa Diyos, kayo ay
mayroong inyong bunga sa
kabanalan, at ang katapusan ay
walang-hanggang buhay.
*23 Sapagka't ang kabayaran
ng kasalanan ay kamatayan;
datapuwa't ang kaloob ng Diyos
ay walang-hanggang buhay sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating
Panginoon.

Tingnan ang Pahina 79

72a
KAPITULO 7

   HINDI ba ninyo nalalaman, mga
kapatid, (sapagka't ako ay nagsasalita
sa kanila na nalalaman ang batas,)
kung paanong ang batas ay may
paghahari sa isang tao habang siya ay
nabubuhay?
2 Sapagka't ang babae na may asawa
ay itinali ng batas sa kaniyang asawa
habang siya ay nabubuhay; nguni't
kung ang asawa ay mamatay, siya ay
kinalag mula sa batas ng kaniyang
asawa.
3 Kaya nga kung, habang ang
kaniyang asawa ay nabubuhay, siya
ay mag-asawa sa ibang lalaki, siya ay
matatawag na isang babaeng
mangangalunya: nguni't kung ang
kaniyang asawa ay mamatay, siya ay
malaya na mula sa batas na iyon; kaya
siya ay hindi babaeng mangangalunya,
kahit siya ay mag-asawa sa ibang
lalaki.
4 Kaya nga, aking mga kapatid, kayo
rin ay naging mga patay sa batas sa
pamamagitan ng katawan ni Cristo;
upang kayo ay dapat mag-asawa sa
iba, samakatuwid sa kaniya na
binuhay mula sa mga patay, upang
tayo ay dapat magdala ng bunga sa
Diyos.
5 Sapagka't noong tayo ay nasa
laman, ang mga pasakit ng mga
kasalanan, na pawang sa
pamamagitan ng batas, ay gumawa sa
ating mga bahagi ng katawan upang

72b
magdala ng bunga sa kamatayan.
6 Nguni't ngayon tayo ay iniligtas
mula sa batas, na bilang mga patay na
sa kung saan tayo ay nakatali; upang
tayo ay dapat maglingkod sa
pagkabago ng espiritu, at hindi sa
pagkaluma ng sulat.
7 Ano ang ating masasabi kung gayon?
Ang batas ba ay kasalanan? Huwag
ipahintulot ng Diyos. Hindi, hindi ko
nalaman ang kasalanan, kundi sa
pamamagitan ng batas: sapagka't
hindi ko nalaman ang pagnanasa,
malibang ang batas ang nagsabi,
Huwag kang mag-iimbot.
8 Nguni't ang kasalanan, kumukuha
ng pagkakataon sa pamamagitan ng
kautusan, ay gumawa sa akin ng lahat
ng uri ng pita. Sapagka't kung wala
ang batas ang kasalanan ay patay.
9 Sapagka't ako ay nabuhay na wala
ang batas minsan: datapuwa't nang
ang kautusan ay dumating, ang
kasalanan ay muling binuhay, at ako
ay namatay.
10 At ang kautusan, na inatasan sa
buhay, ay aking nasumpungan na
tungo sa kamatayan.
11 Sapagka't ang kasalanan,
kumukuha ng pagkakataon sa
pamamagitan ng kautusan, ay
nalinlang ako, at sa pamamagitan
nito ay pinatay ako.
12 Kaya nga ang batas ay banal, at ang
kautusan ay banal, at matuwid, at
mabuti.
13 Yaong mabuti ba kung gayon ay
naging kamatayan sa akin? Huwag
ipahintulot ng Diyos. Nguni't ang
kasalanan, upang ito nawa ay
ipakitang kasalanan, ay gumagawa
ng kamatayan sa akin sa pamamagitan
ng yaong mabuti; upang ang
kasalanan sa pamamagitan ng
kautusan nawa ay maging lubhang
makasalanan.
14 Sapagka't ating nalalaman na ang
batas ay espirituwal: nguni't ako ay
makalaman, ipinagbili sa ilalim ng
kasalanan.
15 Sapagka't yaong aking ginagawa
ay aking hindi nauunawaan:
sapagka't kung ano ang aking nais,
iyon ay hindi ko nagagawa;
datapuwa't kung ano ang aking
kinamumuhian, iyon ang nagagawa
ko.
16 Kung gayong aking nagagawa
yaong aking hindi nais, ako ay
sumasang-ayon sa batas na ito ay
mabuti.
17 Kaya ngayon hindi na ako ang
gumagawa nito, kundi ang kasalanan
na nananahan sa akin.
18 Sapagka't aking nalalaman na sa
akin (iyon ay, sa aking laman,) ay
walang nananahang mabuting bagay:
sapagka't ang magnasa ay narito sa
akin; nguni't kung paano gawin yaong
mabuti ay aking hindi masumpungan.
19 Sapagka't ang mabuti na aking
nais ay hindi ko nagagawa: nguni't
ang masama na hindi ko nais, iyon
ang nagagawa ko.
20 Ngayon kung aking ginagawa
iyong aking hindi nais, hindi na ako
ang gumagawa nito, kundi ang
kasalanan na nananahan sa akin.
21 Ako ay nakasusumpong kung
gayon ng isang batas, na, kapag aking
nais na gumawa ng mabuti, ang
masama ay naritong kasama ko.
22 Sapagka't ako ay natutuwa sa batas
ng Diyos ayon sa panloob na tao:
23 Datapuwa't aking nakikita ang
ibang batas sa aking mga bahagi ng
katawan, nakikidigma laban sa batas
ng aking kaisipan, at dinadala ako sa
pagkabihag sa batas ng kasalanan na
nasa aking mga bahagi ng katawan.
24 O sawing-palad na tao ako! sino
ang magliligtas sa akin mula sa
katawan ng kamatayang ito?
25 Aking pinasasalamatan ang Diyos
sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na
ating Panginoon. Kaya nga sa
pamamagitan ng kaisipan ako mismo
ay naglilingkod sa batas ng Diyos;
datapuwa't sa pamamagitan ng laman
ay sa batas ng kasalanan.

KAPITULO 8

 SAMAKATUWID ay wala na ngayong
kahatulan sa kanila na mga na kay
Cristo Jesus, na lumalakad hindi ayon
sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
2 Sapagka't ang batas ng Espiritu ng
buhay kay Cristo Jesus ay nagawa
akong malaya mula sa batas ng
kasalanan at kamatayan.
3 Sapagka't kung ano ang hindi
magagawa ng batas, sa gayong ito ay

mahina sa pamamagitan ng laman,
ang Diyos sa pagsusugo ng kaniyang
sariling Anak sa wangis ng
makasalanang laman, at para sa
kasalanan, ay hinatulan ang kasalanan
sa laman:
4 Upang ang katuwiran ng batas
nawa ay matupad sa atin, na lumalakad
hindi ayon sa laman, kundi ayon sa
Espiritu.
5 Sapagka't sila na mga ayon sa
laman ay iniisip ang mga bagay ng
laman; datapuwa't sila na mga ayon
sa Espiritu ay ang mga bagay ng
Espiritu.
6 Sapagka't ang maging makalaman
sa pag-iisip ay kamatayan; datapuwa't
ang maging maka-espirituwal sa pag-
iisip ay buhay at kapayapaan.
7 Dahil ang makalamang pag-iisip ay
pakikipag-away laban sa Diyos;
sapagka't ito ay hindi nagpapasakop
sa batas ng Diyos, ni hindi tunay na
maaari.
8 Kaya nga sila na mga nasa laman
ay hindi makalulugod sa Diyos.
9 Datapuwa't kayo ay mga wala sa
laman, kundi nasa Espiritu, kung
gayon nga na ang Espiritu ng Diyos
ay nananahan sa inyo. Ngayon kung
ang sinumang tao ay hindi taglay ang
Espiritu ni Cristo, siya ay hindi sa
kaniya.
10 At kung si Cristo ay nasa sa inyo,
ang katawan ay patay dahil sa
kasalanan; datapuwa't ang Espiritu
ay buhay dahil sa katuwiran.
11 Nguni't kung ang Espiritu niya na
bumuhay kay Jesus mula sa mga patay
ay nananahan sa inyo, siya na
bumuhay kay Cristo mula sa mga
patay ang bubuhay din sa inyong may-
kamatayang mga katawan sa
pamamagitan ng kaniyang Espiritu
na nananahan sa inyo.
12 Samakatuwid, mga kapatid, tayo
ay mga may-pagkakautang, hindi sa
laman, upang mabuhay ayon sa laman.
13 Sapagka't kung kayo ay nabubuhay
ayon sa laman, kayo ay mamamatay:
datapuwa't kung kayo sa
pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay
ang mga gawain ng katawan, kayo ay
mabubuhay.
14 Sapagka't gaya ng marami na mga
pinapatnubayan sa pamamagitan ng
Espiritu ng Diyos, sila ay ang mga
lalaking anak ng Diyos.
15 Sapagka't hindi ninyo natanggap
ang espiritu ng pagkaaliping muli
upang matakot; kundi inyong
natanggap ang Espiritu ng
pagkukupkop, na dahil dito tayo ay
sumisigaw, Abba, Ama.
16 Ang Espiritu mismo ang
nagpapatotoong kasama ng ating
espiritu, na tayo ay ang mga anak ng
Diyos:
17 At kung mga anak, kung gayon ay
mga tagapagmana; mga tagapagmana
ng Diyos, at mga kapuwa-
tagapagmanang kasama ni Cristo;
kung gayon nga na tayo ay magtitiis
na kasama niya, upang tayo rin nawa
ay maluwalhating sama-sama.
18 Sapagka't aking itinuturing na
ang mga pagtitiis nitong
kasalukuyang panahon ay hindi
nararapat na maihambing sa
kaluwalhatian na maihahayag sa atin.
19 Sapagka't ang maalab na pag-
asam ng nilalang ay naghihintay para
sa pagkahayag ng mga lalaking anak
ng Diyos.
20 Sapagka't ang nilalang ay
ginawang sakop sa kawalang-
kabuluhan, hindi nang kusang-loob,
kundi sa kadahilanan niya na sumakop
sa kaniya sa pag-asa,
21 Dahil ang nilalang mismo rin ay
maliligtas mula sa pagkaalipin ng
pagkabulok tungo sa maluwalhating
kalayaan ng mga anak ng Diyos.
22 Sapagka't ating nalalaman na ang
buong nilikha ay dumadaing at
naghihirap sa pasakit na sama-sama
hanggang ngayon.
23 At hindi lamang sila, kundi mg
ating sarili rin, na taglay ang mga
unang-bunga ng Espiritu, maging
tayo mismo ay dumadaing sa kalooban
ng ating sarili, naghihintay para sa
pagkukupkop, na dili iba't, ang
katubusan ng ating katawan.
24 Sapagka't tayo ay iniligtas sa
pamamagitan ng pag-asa: datapuwa't
ang pag-asa na nakikita ay hindi pag-
asa: sapagka't kung ano ang nakikita
ng isang tao, bakit ba niya aasahan
pa?
25 Nguni't kung tayo ay umaasa doon
sa ating hindi nakikita, kung gayon
ay gawin nating may katiyagaan na
hintayin ito.
26 Gayon din ang Espiritu rin ay
tumutulong sa ating mga kahinaan:
sapagka't hindi natin nalalaman
kung ano ang ating dapat ipanalangin
na gaya ng ating nararapat:
datapuwa't ang Espiritu mismo ay
gumagawa ng pamamagitan para sa
atin na may mga pagdaing na hindi
mabigkas.
27 At siya na sumisiyasat sa mga
puso ay nalalaman kung ano ang
kaisipan ng Espiritu, dahil siya ay
gumagawa ng pamamagitan para
sa mga santo ayon sa kalooban ng
Diyos.
28 At ating nalalaman na ang lahat ng
mga bagay ay gumagawang sama-
sama para sa kabutihan nila na umiibig
sa Diyos, sa kanila na mga tinawag
ayon sa kaniyang layunin.
29 Sapagka't sila na kaniyang nakilala
nang una, kaniya ring itinalaga
upang maging alinsunod sa anyo ng
kaniyang Anak, upang siya nawa ay
maging panganay sa maraming mga
kapatid.
30 Bukod dito sila na kaniyang
itinalaga, sila ay kaniya ring tinawag:
at sila na kaniyang tinawag, sila ay
kaniya ring pinawalang-sala: at sila
na kaniyang pinawalang-sala, sila ay
kaniya ring niluwalhati.
31 Ano ba ang ating masasabi kung
gayon sa mga bagay na ito? Kung ang
Diyos ay para sa atin, sino ba ang
maaaring laban sa atin?
32 Siya na hindi ipinagkait ang
kaniyang sariling Anak, kundi
ibinigay siya para sa ating lahat, paano
bang hindi siya na kasama niya rin
magbibigay nang walang-bayad sa
atin ng lahat ng mga bagay?
33 Sino ba ang maglalagay ng
anumang bagay sa ikapaparatang ng
mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos
ang nagpapawalang-sala.
34 Sino ba siya na humahatol? Si
Cristo na namatay, oo bagkus, na
nabuhay muli, na siya rin ay nasa
kanang kamay ng Diyos, na siya ring
gumagawa ng pamamagitan para sa
atin.
35 Sino ba ang maghihiwalay sa atin
mula sa pag-ibig ni Cristo? ang
kapighatian ba, o kagipitan, o pag-
uusig, o kagutuman, o kahubaran, o
panganib, o tabak?
36 Gaya ng ito ay nasusulat, Alang-
alang sa iyo kami ay pinapatay sa
buong araw; kami ay ibinibilang gaya
ng mga tupa para sa katayan.
37 Hindi, sa lahat ng mga bagay na ito
tayo ay higit pa kaysa sa mga
mananagumpay sa pamamagitan niya
na umibig sa atin.
38 Sapagka't ako ay nakatitiyak, na
ni hindi ang kamatayan, ni ang buhay,
ni mga anghel, ni mga pamunuan, ni
mga kapangyarihan, ni mga bagay sa
kasalukuyan, ni mga bagay na
darating,
39 Ni ang kataasan, ni ang kalaliman,
ni anumang ibang nilalang, ay
makakayang ihiwalay tayo mula sa
pag-ibig ng Diyos, na na kay Cristo
Jesus na ating Panginoon.
KAPITULO 9

 AKING sinasabi ang katotohanan kay
Cristo, ako ay hindi nagsisinungaling,
ang aking budhi rin ay nagpapatotoo
sa akin sa Espiritung Banal,
2 Na ako ay may malaking kabigatan
at patuloy na kalumbayan sa aking
puso.
3 Sapagka't aking ninanais na ang
aking sarili ay isinumpa mula kay
Cristo para sa aking mga kapatid, na
aking mga kamag-anak ayon sa laman:
4 Na mga Israelita; na sa kanila
nauukol ang pagkukupkop, at ang
kaluwalhatian, at ang mga kasunduan,
at ang pagbibigay ng batas, at ang
paglilingkod sa Diyos, at ang mga
pangako;
5 Na sa kanila ay ang mga ninuno, at
kung kanino gaya ng patungkol sa
laman si Cristo ay dumating, na siyang
pinakamataas sa lahat, Diyos na
pinagpala magpakailan man. Amen.
6 Hindi sa tila ang salita ng Diyos ay
naging walang bisa. Sapagka't sila ay
hindi lahat Israel, na mga mula sa
Israel:
7 Ni hindi, dahil sila ay ang binhi ni
Abraham, silang lahat ay mga anak:
kundi, Kay Isaac ang iyong binhi ay
matatawag.
8 Iyon ay, Sila na mga anak sa laman,
ang mga ito ay hindi ang mga anak ng
Diyos: kundi ang mga anak ng
pangako ay ibinilang para sa binhi.
9 Sapagka't ito ay ang salita ng

pangako, Sa panahong ito ako ay
darating, at si Sara ay magkakaroon
ng isang lalaking anak.
10 At hindi lamang ito; kundi nang si
Rebeca rin ay naglihi sa
pamamamagitan ng iisa,
samakatuwid sa pamamagitan ng
ating ninunong si Isaac;
11 (Sapagka't ang mga anak bagama't
hindi pa ipinanganganak, ni hindi pa
nakagagawa ng anumang mabuti o
masama, upang ang layunin ng Diyos
ayon sa pagkahirang nawa ay
mamalagi, hindi sa mga gawa, kundi
sa kaniya na tumatawag;)
12 Ito ay sinabi sa kaniya, Ang
nakatatanda ay maglilingkod sa
nakababata.
13 Gaya ng ito ay nasusulat, si Jacob
ay aking inibig, datapuwa't si Esau ay
aking kinamuhian.
14 Ano ba ang ating masasabi kung
gayon? Mayroon bang di-
pagkamatuwid sa Diyos? Huwag
ipahintulot ng Diyos.
15 Sapagka't kaniyang sinasabi kay
Moises, Ako ay magkakaroon ng
kahabagan sa kaniya na aking
kahahabagan, at ako ay magkakaroon
ng kaawaan sa kaniya na aking
kaaawaan.
16 Kaya nga ito ay hindi sa kaniya na
nagnanais, ni sa kaniya na tumatakbo,
kundi sa Diyos na nagpapakita ng
kahabagan.
17 Sapagka't ang kasulatan ay
nagsasabi kay Faraon, Maging para
sa ganitong katulad na layunin ay
aking itinaas ka, upang akin nawang
maipakita ang aking kapangyarihan
sa iyo, at upang ang aking pangalan
nawa ay maihayag sa lahat ng dako ng
lupa.
18 Samakatuwid mayroon siyang
kahabagan sa kang kanino siya
mahahabag, at kung kanino niya nais
ay kaniyang pinatitigas.
19 Iyong sasabihin kung gayon sa
akin, Bakit pa siya naghahanap ng
kamalian? Sapagka't sino ba ang
nakasalansang sa kaniyang kalooban?
20 Hindi nguni't, O tao, sino ka ba na
sumasagot laban sa Diyos? Ang bagay
bang ginawa ay magsasabi sa kaniya
na gumawa nito, Bakit mo ako
ginawang ganito?
21 Wala ba ang magpapalayok ng
kapangyarihan sa luwad, na sa gayon
ding tumpok ay gawin ang isang
sisidlan sa ikararangal, at ang iba ay
sa ikasisirang-dangal?
22 Paano kung ang Diyos, na
nagnanais ipakita ang kaniyang
pagkapoot, at upang gawin ang
kaniyang kapangyarihan na makilala,
ay tiniis na may labis na pagbabata
ang mga sisidlan ng pagkapoot na
nababagay sa pagkawasak:
23 At upang kaniya nawang
maipakilala ang mga kayamanan ng
kaniyang kaluwalhatian sa mga
sisidlan ng kahabagan, na kaniya nang
unang inihanda sa kaluwalhatian,
24 Maging tayo, na kaniyang tinawag,
hindi mula sa mga Judio lamang,
kundi rin mula sa mga Gentil?
25 Gaya ng kaniyang sinasabi rin sa
Oseas, Aking tatawagin silang aking
bayan, na hindi ko bayan; at kaniyang
iniibig, na hindi inibig.
26 At ito ay mangyayari, na sa dako
kung saan ito ay sinabi sa kanila,
Kayo ay hindi ko bayan; doon sila ay
matatawag na mga anak ng buhay na
Diyos.
27 Si Isaias din ay sumisigaw
patungkol sa Israel, Bagama't ang
bilang ng mga anak ni Israel ay
maging gaya ng sa buhangin ng dagat,
ang nalabi ay maliligtas:
28 Sapagka't kaniyang tatapusin ang
gawa, at puputulin itong maikli sa
katuwiran: dahil isang maikling gawa
ang gagawin ng Panginoon sa ibabaw
ng lupa.
29 At gaya ng sinabi ni Isaias noong
una, Maliban na ang Panginoon ng
Sabaoth ay nagtira sa atin ng isang
binhi, tayo ay naging gaya na ng
Sodoma, at nagawang katulad ng
Gomorra.
30 Ano ba ang ating masasabi kung
gayon? Na ang mga Gentil, na hindi
sumunod ayon sa katuwiran ay,
nakaabot sa katuwiran, samakatuwid
ang katuwiran na mula sa
pananampalataya.
31 Nguni't ang Israel, na sumunod
ayon sa batas ng katuwiran, ay hindi
nakaabot sa batas ng katuwiran.
32 Sa anong dahilan? Dahil kanilang
hinanap ito hindi sa pamamagitan ng
pananampalataya, kundi gaya ng ito
ay sa pamamagitan ng mga gawa ng
batas. Sapagka't sila ay napatid sa
batong-kapapatirang iyon;
33 Gaya ng ito ay nasusulat, Masdan
ninyo, aking inilagay sa Sion ang
isang batong-kapapatiran at malaking
bato ng katitisuran: at sinuman ang
sumampalataya sa kaniya ay hindi
mapapahiya.

KAPITULO 10

   MGA kapatid, ang nais ng aking
puso at panalangin sa Diyos para sa
Israel ay, upang sila nawa ay maligtas.
2 Sapagka't aking pinatotohanan sa
kanila na sila ay may sigasig sa Diyos,
datapuwa't hindi ayon sa kaalaman.
3 Sapagka't sila na mga walang-
pagkaalam sa katuwiran ng Diyos, at
nagsisikap na maitatag ang kanilang
sariling katuwiran, ay hindi
nagpasakop ng kanilang sarili sa
katuwiran ng Diyos.
4 Sapagka't si Cristo ay ang katapusan
ng batas para sa katuwiran ng bawa't
isa na sumasampalataya.
5 Sapagka't si Moises ay inilalarawan
ang katuwiran na mula sa batas, Na
ang tao na gumagawa ng mga bagay
na iyon ay mabubuhay sa
pamamagitan ng mga ito.
6 Datapuwa't ang katuwiran na mula
sa pananampalataya ay nagsasabi sa
ganitong paraan, Huwag sabihin sa
iyong puso, Sino ang aakyat sa langit?
(iyon ay, upang ibaba si Cristo mula
sa itaas:)

 Tingnan ang Pahina 1

79a
7 O, Sino ang bababa sa kailaliman?
(iyon ay, upang iakyat si Cristo muli
mula sa mga patay.)
8 Datapuwa't ano ba ang sinasabi
nito? Ang salita ay malapit sa iyo,
maging sa iyong bibig, at sa iyong
puso: iyon ay, ang salita ng
pananampalataya, na aming
ipinangangaral;
*9 Na kung iyong ipahahayag sa
iyong bibig ang Panginoong Jesus,
at mananampalataya sa iyong puso
na ang Diyos ay binuhay siya mula
sa mga patay, ikaw ay maliligtas.
*10 Sapagka't sa puso ang tao ay
sumasampalataya sa ikatutuwid; at
sa bibig ang pagpapahayag ay
ginagawa sa ikaliligtas.
11 Sapagka't ang kasulatan ay
nagsasabi, Sinuman ang
nananampalataya sa kaniya ay hindi
mapapahiya.
12 Sapagka't walang pagkakaiba sa
pagitan ng Judio at ng Griyego:
sapagka't ang gayon ding Panginoon
na higit sa lahat ay mayaman sa lahat
ng tumatawag sa kaniya.
*13 Sapagka't sinuman ang tatawag
sa pangalan ng Panginoon ay
maliligtas.
14 Paano kaya nila tatawagin siya na
sa kaniya sila ay hindi
nanampalataya? at paano ba nila
sasampalatayanan siya na sa kaniya
sila ay hindi nakarinig? at paano ba
sila makaririnig kung walang isang
mangangaral?
15 At paano ba sila mangangaral,

79b
malibang sila ay maisugo? gaya ng
ito ay nasusulat, Anong ganda ng
mga paa nila na ipinangangaral ang
ebanghelyo ng kapayapaan, at
nagdadala ng mabuting balita ng
mabubuting mga bagay!
16 Nguni't sila ay hindi lahat
nagsitalima sa ebanghelyo. Sapagka't
si Isaias ay sinasabing, Panginoon,
sino ang nanampalataya sa aming
balita?
17 Kaya nga ang pananampalataya ay
dumarating sa pamamagitan ng
pakikinig, at ang pakikinig sa
pamamagitan ng salita ng Diyos.
18 Nguni't aking sinasabi, Hindi ba
nila napakinggan? Oo katotohanan,
ang kanilang tinig ay kumalat sa buong
lupa, at ang kanilang mga salita
hanggang sa mga dulo ng sanlibutan.
19 Nguni't aking sinasabi, Hindi ba
nalalaman ng Israel? Una si Moises
ang nagsasabing, Aking uudyukan
kayo sa paninibugho sa pamamagitan
nila na hindi mga bayan, at sa
pamamagitan ng isang mangmang
na bansa ay aking gagalitin kayo.
20 Nguni't si Isaias ay lubhang
matapang, at sinasabing, Ako ay
nasumpungan nila na hindi naghanap
sa akin; ako ay ginawang hayag sa
kanila na hindi nagtanong tungkol sa
akin.
21 Datapuwa't sa Israel ay kaniyang
sinasabi, Sa buong araw ay aking
naiunat ang aking mga kamay sa
isang di-tumatalima at sumasalungat
na bayan.
KAPITULO 11

  AKING sinasabi kung gayon, Ang
Diyos ba ay nagtakuwil sa kaniyang
bayan? Huwag ipahintulog ng Diyos.
Sapagka't ako rin ay isang Israelita,
mula sa binhi ni Abraham, mula sa
angkan ni Benjamin.
2 Ang Diyos ay hindi nagtakuwil ng
kaniyang bayan na kaniyang nakilala
nang una. Hindi ba ninyo nalalaman
kung ano ang sinasabi ng kasulatan
kay Elias? kung paanong siya ay
gumawa ng pamamagitan sa Diyos
laban sa Israel, nagsasabing,
3 Panginoon, kanilang napatay ang
iyong mga propeta, at giniba ang
iyong mga dambana; at ako ang
naiwang mag-isa, at kanilang
hinahanap ang aking buhay.
4 Datapuwa't ano ang sinasabing
kasagutan ng Diyos sa kaniya? Ako
ay nagtabi sa aking sarili ng pitong
libong mga lalaki, na hindi nagluhod
ng tuhod sa imahen ni Baal.
5 Maging gayon din sa kasalukuyang
panahong ito rin ay mayroong nalabi
ayon sa pagkahirang ng biyaya.
6 At kung sa pamamagitan ng biyaya,
kung gayon ito ay hindi na sa mga
gawa: sa ibang paraan ang biyaya ay
hindi na biyaya. Nguni't kung ito ay
maging sa mga gawa, kung gayon ito
ay hindi na sa biyaya: sa ibang paraan
ang gawa ay hindi na gawa.
7 Ano kung gayon? Ang Israel ay
hindi nakamtan yaong kaniyang

hinahanap; datapuwa't ang mga
pagkahirang ay nakamtan ito, at ang
natira ay nabulag
8 (Ayon sa gaya nitong nasusulat,
Ang Diyos ay nagbigay sa kanila ng
espiritu ng pagkakatulog, mga mata
upang sila ay hindi dapat makakita, at
mga tainga upang sila ay hindi dapat
makarinig;) hanggang sa araw na ito.
9 At si David ang nagsasabi, Hayaang
ang kanilang dulang ay maging isang
bitag, at isang patibong, at isang
batong-kapapatiran, at isang
kabayaran sa kanila:
10 Hayaang ang kanilang mga mata
ay magdilim, upang ang mga ito nawa
ay hindi makakita, at iyuyukod ang
kanilang likod lagi.
11 Aking sinasabi kung gayon, Sila
ba ay natisod upang sila ay dapat
bumagsak? Huwag ipahintulot ng
Diyos: kundi bagkus sa pamamagitan
ng kanilang pagkabagsak ang
kaligtasan ay dumating sa mga Gentil,
upang udyukan sila sa paninibugho.
12 Ngayon kung ang pagkabagsak
nila ay naging mga kayamanan ng
sanlibutan, at ang pagkukulang nila
ay ang mga kayamanan ng mga Gentil;
gaano pa kaya kahigit ang kanilang
kapunuan?
13 Sapagka't ako ay nangungusap sa
inyong mga Gentil, yayamang ako ay
ang apostol sa mga Gentil, aking
niluluwalhati ang aking ministeryo:
14 Kung sa pamamagitan ng anumang
paraan ay akin nawang maudyukan
sa paninibugho sila na aking laman,
at mailigtas nawa ang ilan sa kanila.
15 Sapagka't kung ang pagkatakuwil
sa kanila ay naging pakikipagkasundo
ng sanlibutan, ano pa kaya ang
pagtanggap sa kanila, kundi buhay
mula sa mga patay?
16 Sapagka't kung ang unang-bunga
ay maging banal, ang tumpok ay ba-
nal din: at kung ang ugat ay maging
banal, gayon din ang mga sanga.
17 At kung ang ilan sa mga sanga ay
mabali, at ikaw, bilang isang ligaw na
punong olibo, ay idinugtong na
kasama nila, at kasama nilang
nakikibahagi sa ugat at katabaan ng
punong olibo;
18 Huwag kang magmayabang laban
sa mga sanga. Nguni't kung ikaw ay
magmayabang, ikaw ay hindi
nagdadala sa ugat, kundi ang ugat sa
iyo.
19 Iyong sasabihin kung gayon, Ang
mga sanga ay nabali, upang ako nawa
ay maidugtong.
20 Mabuti; dahil sa di-
pananampalataya sila ay nabali, at
ikaw ay tumatayo sa pamamagitan ng
pananampalataya. Huwag maging
mapagmataas, kundi matakot:
21 Sapagka't kung ang Diyos ay hindi
pinatawad ang likas na mga sanga,
mag-ingat na baka kaniya ring hindi
ka patawarin.
22 Masdan mo samakatuwid ang
kabutihan at kahigpitan ng Diyos: sa
kanila na bumagsak, kahigpitan;
datapuwa't tungo sa iyo, kabutihan,
kung ikaw ay magpapatuloy sa
kaniyang kabutihan: sa ibang paraan
ikaw rin ay mapuputol.
23 At sila rin, kung sila ay hindi na
mananatili pa sa di-pananampalataya,
ay maidudugtong: sapagka't ang
Diyos ay makakayang idugtong silang
muli.
24 Sapagka't kung ikaw ay pinutol
mula sa punong olibo na ito ay ligaw
sa kalikasan, at idinugtong na salungat
sa kalikasan sa isang mabuting punong
olibo: gaano pa kaya kahigit ang mga
ito, na likas na mga sanga, ay
maidugtong sa kanilang sariling
punong olibo?
25 Sapagka't hindi ko nais, mga
kapatid, na kayo ay dapat maging
walang-pagkaalam sa misteryong
ito, baka kayo ay maging marurunong
sa inyong sariling mga kapalaluan;
na ang pagkabulag sa bahagi ay
nangyari sa Israel, hanggang sa
ang kapunuan ng mga Gentil ay
pumasok.
26 At kung gayon ang buong Israel
ay maliligtas: gaya ng ito ay
nasusulat, May lalabas mula sa
Sion na Tagapagligtas, at ilalayo ang
hindi pagkamaka-Diyos mula kay
Jacob:
27 Sapagka't ito ay ang aking
kasunduan sa kanila, kapag akin
ng aalisin ang kanilang mga
kasalanan.
28 Gaya ng patungkol sa
ebanghelyo, sila ay mga kaaway
alang-alang sa inyo: datapuwa't
tungkol sa pagkahirang, sila ay
mga iniibig alang-alang sa mga
ninuno.
29 Sapagka't ang mga kaloob at
pagkatawag ng Diyos ay hindi
pagsisisihan.
30 Sapagka't gaya ninyo sa mga
panahong lumipas ay hindi
nanampalataya sa Diyos, gayunman
ngayon ay nagkamit ng kahabagan
sa pamamagitan ng kanilang di-
pananampalataya:
31 Maging gayon ang mga ito rin sa
ngayon ay hindi nanampalataya,
upang sa pamamagitan ng inyong
kahabagan sila rin nawa ay magkamit
ng kahabagan.
32 Sapagka't ang Diyos ay
naikulong silang lahat sa di-
pananampalataya, upang siya nawa
ay magkaroon ng kahabagan sa
lahat.
33 O ang kalaliman ng mga
kayamanan kapuwa ng karunungan
at kaalaman ng Diyos! gaano di-
masaliksik ang kaniyang mga
paghuhukom, at ang kaniyang mga
paraan ay di-malirip!
34 Sapagka't sino ba ang nakaalam sa
kaisipan ng Panginoon? o sino ba ang
naging kaniyang tagapayo?
35 O sino ba ang unang nagbigay sa
kaniya, at ito ay mababayarang muli
sa kaniya?
36 Sapagka't mula sa kaniya, at sa
pamamagitan niya, at sa kaniya, ay
ang lahat ng mga bagay: sa
kaniya ang kaluwalhatian
magpakailan man. Amen.
KAPITULO 12

  AKO ay samakatuwid namamanhik
sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan
ng mga kahabagan ng Diyos, na
inyong iharap ang inyong mga
katawan na mga buhay na hain, ba-
nal, katanggap-tanggap sa Diyos, na
ito ay inyong makatuwirang
paglilingkod.
2 At huwag makiayon sa sanlibutang
ito: kundi kayo ay mag-iba sa
pamamagitan ng pagbabago ng inyong
kaisipan, upang inyo nawang
mapatunayan kung ano iyong mabuti,
at katanggap-tanggap, at sakdal, na
kalooban ng Diyos.
3 Sapagka't aking sinasabi, sa
pamamagitan ng biyayang ibinigay
sa akin, sa bawa't tao na nasa gitna
ninyo, na huwag isipin ang kaniyang
sarili na mas mataas kaysa sa kaniyang
dapat isipin; kundi mag-isip nang
may kahinahunan, ayon sa ang Diyos
ay nagbahagi sa bawa't tao ng sukat
ng pananampalataya.
4 Sapagka't gaya natin na may
maraming mga bahagi ng katawan sa
iisang katawan, at ang lahat ng mga
bahagi ng katawan ay walang
magkatulad na ministeryo:
5 Sa gayon tayo, bilang marami, ay
iisang katawan kay Cristo, at ang
bawa't isa ay mga bahagi ng isa't isa.
6 Mayroong gayong mga kaloob na
nagkakaiba ayon sa biyaya na ibinigay
sa atin, kung panghuhula, hayaang

tayo ay manghula ayon sa katapat ng
pananampalataya;
7 O ministeryo, hayaang tayo ay
maghintay sa ating paglilingkod: o
siya na nagtuturo, sa pagtuturo;
8 O siya na nagtatagubilin, sa
pagtatagubilin: siya na nagbibigay,
hayaan niyang gawin ito na may
katapatan: siya na namumuno, na
may pagsisikap; siya na nagpapakita
ng kahabagan, na may kasayahan.
9 Hayaan ang pag-ibig ay maging
walang pagkukunwari. Kasuklaman
yaong masama; makisama doon sa
mabuti.
10 Maging mabait na nagmamahal
sa isa't isa na may pag-iibigang
magkapatid; sa karangalan ay
ipagpauna ang isa't isa;
11 Hindi tamad sa pagsisikap;
mataimtim sa espiritu; mapaglingkod
sa Panginoon;
12 Nagagalak sa pag-asa; matiyaga
sa kapighatian; nagpapatuloy na
matatag sa panalangin;
13 Nagbabahagi sa pangangailangan
ng mga santo; mahusay sa pagtanggap
ng mga bisita.
14 Pagpalain sila na umuusig sa inyo:
pagpalain, at huwag sumpain.
15 Makigalak na kasama nila na
nagagalak, at makiiyak na kasama
nila na umiiyak.
16 Maging magkakatulad ng pag-
iisip tungo sa isa't isa. Huwag isipin
ang matataas na mga bagay, kundi
makisama sa mga taong may
mabababang kalagayan. Huwag
maging marurunong sa inyong
sariling pagpapahalaga.
17 Huwag magbayad sa kaninuman
ng kasamaan para sa kasamaan.
Maglaan ng mga bagay na tapat sa
paningin ng lahat ng mga tao.
18 Kung ito ay maaari, sa abot ng
inyong makakaya, mabuhay nang
matahimik kasama ng lahat ng mga
tao.
19 Mga pinaka-iibig, huwag
ipaghiganti ang inyong sarili, kundi
bagkus magbigay lugar sa pagkapoot:
sapagka't ito ay nasusulat, Ang
paghihiganti ay sa akin; ako ang
magbabayad, sinasabi ng Panginoon.
20 Samakatuwid kung ang iyong
kaaway ay magutom, pakainin siya;
kung siya ay mauhaw, bigyan siya ng
inumin: sapagka't sa paggawa ng
gayon ikaw ay magbubunton ng mga
baga ng apoy sa kaniyang ulo.
21 Huwag magpadaig sa masama,
kundi daigin ang masama ng mabuti.

KAPITULO 13

  HAYAAN ang bawa't kaluluwa na
magpasakop sa mas mataas na mga
kapangyarihan. Sapagka't walang
kapangyarihan kundi ng sa Diyos:
ang mga kapangyarihang umiiral ay
itinakda ng Diyos.
2 Sinuman samakatuwid ang
sumasalansang sa kapangyarihan, ay
sumasalansang sa patakaran ng Diyos:
at sila na sumasalansang ay tatanggap

sa kanilang sarili ng kahatulan.
3 Sapagka't ang mga tagapamuno ay
hindi mga kilabot sa mga mabubuting
mga gawa, kundi sa mga masasama.
Nais mo ba kung gayon na huwag
matakot sa kapangyarihan? gawin
yaong mabuti, at ikaw ay
magkakaroon ng papuri mula sa
kaniya:
4 Sapagka't siya ay ang ministro ng
Diyos sa iyo para sa ikabubuti.
Datapuwa't kung iyong gagawin
yaong masama, matakot ka; sapagka't
hindi niya dinadala ang tabak sa
walang-kabuluhan: sapagka't siya ay
ang ministro ng Diyos, isang
tagapaghiganti upang igawad ang
pagkapoot sa kaniya na gumagawa
ng masama.
5 Kaya nga kayo ay nararapat na
magpasakop, hindi lamang dahil sa
pagkapoot, kundi rin alang-alang sa
budhi.
6 Sapagka't dahil sa kadahilanang
ito ay nagbabayad din kayo ng buwis:
sapagka't sila ay mga ministro ng
Diyos, gumaganap nang patuloy sa
mismong bagay na ito.
7 Ibigay samakatuwid sa lahat ang
kanilang mga karapatan: buwis sa
kaniya na dapat buwisan; pagtangkilik
sa kaniya na dapat tangkilikin;
pagkatakot sa kaniya na dapat
katakutan; paggalang sa kaniya na
dapat igalang.
8 Huwag magkautang sa sinuman ng
anuman, kundi ibigin ang isa't isa:
sapagka't siya na umiibig sa iba ay
natupad ang batas.
9 Dahil dito, Huwag kang gagawa ng
pangangalunya, Huwag kang
papatay, Huwag kang magnanakaw,
Huwag kang sasaksi sa di-
katotohanan, Huwag kang
mag-iimbot; at kung mayroon pang
anumang ibang kautusan, ito ay
maikling napapaloob sa pananalit
ang ito, alalaong baga'y, Iibigin mo
ang iyong kapuwa gaya ng iyong
sarili.
10 Ang pag-ibig ay hindi gumagawa
ng masama sa kaniyang kapuwa:
samakatuwid ang pag-ibig ay ang
pagtutupad sa batas.
11 At ito, nalalaman ang panahon, na
ngayon ay panahon na upang
gumising mula sa pagkakatulog:
sapagka't ngayon ang ating kaligtasan
ay mas malapit kaysa noong tayo ay
nanampalataya.
12 Ang gabi ay malalim na, ang araw
ay malapit na: samakatuwid ay ating
iwaksi ang mga gawa ng kadiliman,
at ating isuot ang baluti ng
kaliwanagan.
13 Hayaang tayo ay lumakad nang
matapat, gaya ng nasa araw;
huwag sa pagkabulagsak at
paglalasing, huwag sa kalibugan at
kahalayan, huwag sa sigalutan at
pagkainggit.
14 Kundi isuot ninyo ang
Panginoong Jesu-Cristo, at huwag
gumawa ng paglalaan para sa
laman, upang matupad ang mga pita
nito.
KAPITULO 14

 SIYA na mahina sa pananampalataya
ay tanggapin ninyo, nguni't hindi sa
nag-aalinlangang mga pagtatalo.
2 Sapagka't ang isa ay
nananampalataya na kaniyang
maaaring makain ang lahat ng mga
bagay: ang iba, na mahina, ay
kumakain ng mga gulay.
3 Huwag hayaang siya na kumakain
ay hamakin siya na hindi kumakain;
at huwag hayaang siya na hindi
kumakain ay hatulan siya na
kumakain: sapagka't ang Diyos ay
tinanggap siya.
4 Sino ka ba na humahatol sa lingkod
ng ibang tao? sa kaniyang sariling
panginoon siya ay tumatayo o
bumabagsak. Oo, siya ay makatatayo:
sapagka't ang Diyos ay makakayang
gawin siyang tumayo.
5 Ang isang tao ay pinahahalagahan
ang isang araw nang higit sa iba: ang
iba ay pinahahalagahan ang bawa't
araw nang magkatulad. Hayaan ang
bawa't tao ay lubusang mahikayat sa
kaniyang sariling pag-iisip.
6 Siya na itinatangi ang araw,
itinatangi ito sa Panginoon; at siya na
hindi itinatangi ang araw, sa
Panginoon ay hindi niya itinatangi
ito. Siya na kumakain, kumakain sa
Panginoon, sapagka't siya ay
nagbibigay sa Diyos ng pasalamat; at
siya na hindi kumakain, sa Panginoon
siya ay hindi kumakain, at nagbibigay

sa Diyos ng pasalamat.
7 Sapagka't wala sa atin ang
nabubuhay sa kaniyang sarili, at
walang taong namamatay sa kaniyang
sarili.
8 Sapagka't kung tayo ay nabubuhay,
tayo ay nabubuhay sa Panginoon; at
kung tayo ay namamatay, tayo ay
namamatay sa Panginoon: kung tayo
ay mabuhay samakatuwid, o mamatay,
tayo ay sa Panginoon.
9 Sapagka't sa ganitong katapusan si
Cristo ay kapuwa namatay, at
bumangon, at nabuhay na muli, upang
siya nawa ay maging Panginoon
kapuwa ng mga patay at buhay.
10 Datapuwa't bakit mo ba
hinahatulan ang iyong kapatid? o
bakit mo ba hinahamak ang iyong
kapatid? sapagka't tayong lahat ay
tatayo sa harap ng luklukan ng
hukuman ni Cristo.
11 Sapagka't ito ay nasusulat, Yamang
ako ay buhay, sinasabi ng Panginoon,
bawa't tuhod ay luluhod sa akin, at
bawa't dila ay magpapahayag sa
Diyos.
12 Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay
magbibigay sulit ng kaniyang sarili
sa Diyos.
13 Samakatuwid ay huwag hayaang
tayo ay maghatulan pa sa isa't isa:
kundi ihatol ito bagkus, na walang
sinumang maglagay ng isang
kapapatiran o isang pagkakataon ng
ikababagsak sa daan ng kaniyang
kapatid.
14 Aking nalalaman, at natitiyak sa
pamamagitan ng Panginoong Jesus,
na walang anumang marumi sa
kaniyang sarili: datapuwa't sa kaniya
na pinahahalagahan ang anumang
bagay na maging marumi, sa kaniya
ito ay marumi.
15 Nguni't kung ang iyong kapatid ay
mapighati ng iyong pagkain, ngayon
ikaw ay hindi lumalakad nang may
pag-ibig sa Diyos. Huwag sirain siya
sa iyong pagkain, na para sa kaniya si
Cristo ay namatay.
16 Huwag hayaan kung gayon ang
inyong mabuti ay mapagsabihan ng
masama:
17 Sapagka't ang kaharian ng Diyos
ay hindi pagkain at inumin; kundi
katuwiran, at kapayapaan, at
kagalakan sa Espiritung Banal.
18 Sapagka't siya na sa mga bagay na
ito ay naglilingkod kay Cristo ay
kalugud-lugod sa Diyos, at katanggap-
tanggap sa mga tao.
19 Samakatuwid ay hayaang tayo
samakatuwid ay sumunod ayon sa
mga bagay na gumagawa para sa
kapayapaan, at mga bagay na kung
saan ang isa ay maaaring patibayin
ang iba.
20 Sapagka't ang pagkain ay hindi
sumisira sa gawa ng Dios. Ang lahat
ng mga bagay ay tunay na dalisay;
datapuwa't ito ay masama para sa
taong iyon na kumakain na may
katitisuran.
21 Ito ay mabuti na huwag kumain ng
karne, ni uminom ng alak, ni anumang
bagay na dahil dito ang iyong kapatid
ay matisod, o magdamdam, o maging
mahina.
22 Mayroon ka bang
pananampalataya? magkaroon nito
sa iyong sarili sa harap ng Diyos.
Mapalad siya na hindi hinahatulan
ang kaniyang sarili doon sa bagay na
kaniyang pinahihintulutan.
23 At siya na nag-aalinlangan ay
hinatulan kung siya ay kumakain,
dahil siya ay hindi kumakain sa
pananampalataya: sapagka't anuman
ang hindi sa pananampalataya ay
kasalanan.

KAPITULO 15

 TAYO kung gayon na mga malalakas
ay nararapat dalhin ang mga kahinaan
ng mga mahihina, at hindi upang
magbigay-lugod sa ating mga sarili.
2 Hayaan ang bawa't isa sa atin ay
magbigay-lugod sa kaniyang kapuwa
para sa kaniyang kabutihan sa
ikatitibay.
3 Sapagka't maging si Cristo ay hindi
nagbigay-lugod sa kaniyang sarili;
kundi, gaya ng ito ay nasusulat, Ang
mga pag-alipusta nila na umalipusta
sa iyo ay nahulog sa akin.
4 Sapagka't anumang mga bagay na
isinulat nang una ay isinulat para sa
ating ikatututo, upang tayo sa
pamamagitan ng katiyagaan at
kaaliwan ng mga kasulatan nawa ay
magkaroon ng pag-asa.
5 Ngayon ang Diyos ng katiyagaan at

kaaliwan ay ipagkaloob sa inyo na
maging magkakatulad ang pag-iisip
sa isa't isa ayon kay Cristo Jesus.
6 Upang kayo nawa na may iisang
kaisipan at iisang bibig ay luwalhatiin
ang Diyos, maging ang Ama ng ating
Panginoong Jesu-Cristo.
7 Kaya nga tanggapin ninyo ang isa't
isa, gaya ng si Cristo rin ay tinanggap
tayo sa kaluwalhatian ng Diyos.
8 Ngayon ay aking sinasabi na si
Jesu-Cristo ay naging isang ministro
ng pagtutuli para sa katotohanan ng
Diyos, upang pagtibayin ang mga
pangakong ginawa sa mga ninuno:
9 At upang ang mga Gentil nawa ay
maluwalhati ang Diyos dahil sa
kaniyang kahabagan; gaya ng ito ay
nasusulat, Sa kadahilanang ito ako ay
magpapahayag sa iyo sa gitna ng mga
Gentil, at aawit sa iyong pangalan.
10 At muli ay kaniyang sinasabi,
Magalak, kayong mga Gentil, kasama
ng kaniyang bayan.
11 At muli, Purihin ang Panginoon,
lahat kayong mga Gentil; at purihin
siya, lahat kayong mga bayan.
12 At muli, si Isaias ay nagsasabing,
Magkakaroon ng isang ugat ni Jesse,
at siya na tatayo upang maghari sa
mga Gentil; sa kaniya ang mga Gentil
ay magtitiwala.
13 Ngayon ang Diyos ng pag-asa ay
punuin kayo ng lahat ng kagalakan at
kapayapaan sa pananampalataya,
upang kayo nawa ay sumagana sa
pag-asa, sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritung Banal.
14 At ako mismo rin ay nakatitiyak sa
inyo, aking mga kapatid, na kayo rin
ay puno ng kabutihan, pinuno ng
lahat ng kaalaman, makakaya ring
paalalahanan ang isa't isa.
15 Gayunman, mga kapatid, ako ay
sumulat nang may lalong
kapangahasan sa inyo sa ilang bahagi,
gaya ng paglalagay sa inyo sa kaisipan,
dahil sa biyaya na ibinigay sa akin ng
Diyos,
16 Upang ako ay dapat maging
ministro ni Jesu-Cristo sa mga Gentil,
pinangangasiwaan ang ebanghelyo
ng Diyos, upang ang paghahandog
ng mga Gentil nawa ay maging
katanggap-tanggap, na pinapaging-
banal sa pamamagitan ng Espiritung
Banal.
17 Ako ay mayroong samakatuwid na
anumang aking maaaring ipagmapuri
sa pamamagitan ni Jesu-Cristo sa
mga bagay na iyon na patungkol sa
Diyos.
18 Sapagka't ako ay hindi
mangangahas magsalita ng anuman
sa mga bagay na iyon na si Cristo ay
hindi nagawa sa pamamagitan ko,
upang gawin ang mga Gentil na
masunurin, sa pamamagitan ng salita
at gawain,
19 Sa pamamagitan ng
makapangyarihang mga tanda at mga
kababalaghan, sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos;
upang mula Jerusalem, at sa palibot
sa Ilirico, ay aking lubusang
naipangaral ang ebanghelyo ni Cristo.
20 Oo, kaya ako ay naghangad na
ipangaral ang ebanghelyo, hindi kung
saan si Cristo ay nabanggit na, baka
ako ay magtayo sa ibabaw ng
pundasyon ng ibang tao:
21 Kundi gaya ng ito ay nasusulat, Sa
kanila na siya ay hindi pinag-uusapan,
sila ay makakakita: at sila na hindi
nakarinig ay makauunawa.
22 Na dahil dito rin ako ay lubhang
nahadlangan mula sa pagpunta sa
inyo.
23 Datapuwa't ngayon na wala ng
lugar sa mga bahaging ito, at
mayroong malaking pagnanais sa
maraming mga taong ito upang
pumunta sa inyo;
24 Kung kailan man ako matuloy sa
aking paglalakbay sa España, ako ay
pupunta sa inyo: sapagka't ako ay
nagtitiwalang makita kayo sa aking
paglalakbay, at upang masamahan sa
aking daan patungo roon sa
pamamagitan ninyo, kung ako muna
ay mapuno nang kaunti ng inyong
pagsama.
25 Nguni't ngayon ako ay pupunta sa
Jerusalem upang maglingkod sa mga
santo.
26 Sapagka't ito ay nagbigay-lugod
sa kanila sa Macedonia at Acaya na
gumawa ng isang abuloy para sa
mahihirap na mga santo na nasa Jeru-
salem.
27 Ito ay nagbigay-lugod sa kanilang
totoo; at ang kanilang mga may-utang
ay sila. Sapagka't kung ang mga
Gentil ay nagawang mga kabahagi ng
kanilang espirituwal na mga bagay,
ang kanilang tungkulin ay upang
maglingkod din sa kanila sa
makalamang mga bagay.
28 Kapag samakatuwid ay aking
naganap ito, at naitatak sa kanila ang
bungang ito, ako ay pupunta sa inyo
patungong España.
29 At ako ay nakatitiyak na, kapag
ako ay nakapunta sa inyo, ako ay
darating sa kapunuan ng pagpapala
ng ebanghelyo ni Cristo.
30 Ngayon ako ay namamanhik sa
inyo, mga kapatid, alang-alang sa
Panginoong Jesu-Cristo, at para sa
pag-ibig ng Espiritu, na kayo ay
magpunyaging sama-samang kasama
ko sa inyong mga panalangin sa Diyos
para sa akin;
31 Upang ako nawa ay mailigtas mula
sa kanila na hindi nananampalataya
sa Judea; at upang ang aking
paglilingkod na aking laan para sa
Jerusalem nawa ay matanggap ng
mga santo;
32 Upang ako nawa ay makapunta sa
inyo na may kagalakan sa
pamamagitan ng kalooban ng Diyos,
at nawa ay kasama ninyong
mapanariwa.
33 Ngayon ang Diyos ng kapayapaan
ay sumainyong lahat. Amen.

KAPITULO 16

 AKING inihahabilin sa inyo si Febe
na ating kapatid, na isang lingkod ng
iglesya na nasa Cencrea:

2 Na inyong tanggapin siya sa
Panginoon, gaya ng nararapat sa mga
santo, at upang inyong tulungan siya
sa anumang bagay na siya ay may
pangangailangan sa inyo: sapagka't
siya ay naging isang katulong ng
marami, at ng aking sarili rin.
3 Batiin sina Priscila at Aquila na
aking mga katulong kay Cristo Jesus:
4 Na para sa aking buhay at naitaya
ang kanilang sariling mga leeg: na sa
kanila ay hindi lamang ako
nagbibigay ng pasalamat, kundi rin
sa lahat ng mga iglesya ng mga Gentil.
5 Gayon din ay batiin ang iglesya na
nasa kanilang bahay. Pugayan ang
aking pinaka-iibig na si Epeneto, na
siya ang mga unang bunga ng Acaya
kay Cristo.
6 Batiin si Maria, na nagkaloob ng
labis na pagpapagal sa amin.
7 Pugayan sina Andronico at Junia,
na aking mga kamag-anak, at aking
mga kapuwa-bilanggo, na mga kilala
sa gitna ng mga apostol, na sila rin ay
na kay Cristo nang nauna kaysa sa
akin.
8 Batiin si Ampliato na aking iniibig
sa Panginoon.
9 Pugayan si Urbano, na aming
katulong kay Cristo, at si Estaquis na
aking iniibig.
10 Pugayan si Apeles na subok na kay
Cristo. Pugayan sila na nasa
sambahayan ni Aristobulo.
11 Pugayan si Herodion na aking
kamag-anak. Batiin sila na maging
sa sambahayan ni Narciso, na mga
nasa Panginoon.
12 Pugayan sina Trifena at Trifosa,
na nagpapagal sa Panginoon. Pugayan
ang iniibig na si Persida, na nagpagal
nang labis sa Panginoon.
13 Pugayan si Rufo na pinili sa
Panginoon, at ang kaniyang ina at akin.
14 Pugayan sina Asincrito, Flegonte,
Hermas, Patrobas, Hermes, at ang
mga kapatid na kasama nila.
15 Pugayan sina Filologo, at Julia,
Nereo, at ang kaniyang kapatid na
babae, at si Olimpas, at ang lahat ng
mga santo na kasama nila.
16 Pugayan ang isa't isa ng isang
banal na halik. Ang mga iglesya ni
Cristo ay nagpupugay sa inyo.
17 Ngayon ako ay namamanhik sa
inyo, mga kapatid, na tandaan sila na
nagdudulot ng mga pagkakabaha-
bahagi at mga katitisuran na salungat
sa doktrina na inyong natutuhan; at
layuan sila.
18 Sapagka't sila na mga gayon ay
hindi naglilingkod sa ating
Panginoong Jesu-Cristo, kundi sa
kanilang sariling tiyan; at sa
pamamagitan ng mabubuting mga
salita at magagandang mga talumpati
ay nililinlang ang mga puso ng mga
walang-malay.
19 Sapagka't ang inyong pagtalima
ay nakarating sa lahat ng mga tao.
Ako ay natutuwa samakatuwid sa
inyong kapakanan: datapuwa't
gayunman ay aking nais na kayo ay
maging marunong doon sa mabuti, at
walang-malay patungkol sa masama.
20 At ang Diyos ng kapayapaan ay
dudurugin si Satanas sa ilalim ng
inyong mga paa sa madaling panahon.
Ang biyaya ng ating Panginoong
Jesu-Cristo ay sumainyo. Amen.
21 Sina Timoteo na aking kapuwa-
manggagawa, at Lucio, at Jason, at
Sosipatro, na aking mga kamag-anak,
ay nagpupugay sa inyo.
22 Akong si Tercio, na sumulat ng
sulat na ito, ay nagpupugay sa inyo sa
Panginoon.
23 Si Gayo na aking tinutuluyan, at
ng buong iglesya, ay nagpupugay sa
inyo. Si Erasto na tagapamahala ng
lungsod ay nagpupugay sa inyo, at si
Cuarto na isang kapatid.
24 Ang biyaya ng ating Panginoong
Jesu-Cristo ay sumainyong lahat.
Amen.
25 Ngayon sa kaniya na
makapangyarihan upang patatagin
kayo ayon sa aking ebanghelyo, at
ang pangangaral kay Jesu-Cristo, ayon
sa kapahayagan ng misteryo, na
inilihim mula nang ang sanlibutan ay
nagsimula,
26 Datapuwa't ngayon ay ginawang
hayag, at sa pamamagitan ng mga
kasulatan ng mga propeta, ayon sa
kautusan ng walang-hanggang Diyos,
ay ipinakilala sa lahat ng mga
bansa para sa pagtalima sa
pananampalataya:
27 Sa Diyos na kaisa-isang marunong,
ang kaluwalhatian sa pamamagitan
ni Jesu-Cristo magpakailan man.
Amen.