ANG EBANGHELYO AYON KAY JUAN

KAPITULO 1

   SA pasimula ay ang Salita, at ang
Salita ay kasama ng Diyos, at ang
Salita ay Diyos.
2 Siya rin ay sa pasimula pa kasama ng
Diyos.
3 Lahat ng mga bagay ay ginawa sa
pamamagitan niya; at kung wala siya
ay walang anumang bagay na ginawa
ang nagawa.
4 Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay
ay ang liwanag ng mga tao.
5 At ang liwanag ay tumatanglaw sa
kadiliman; at ang kadiliman ay hindi
naunawaan ito.
6 Mayroong isang taong isinugo
mula sa Diyos, na ang pangalan ay
Juan.
7 Siya rin ay dumating para maging
isang saksi, upang patotohanan ang
Liwanag, upang ang lahat ng mga tao

Tingnan ang Pahina 7

1a
sa pamamagitan niya nawa ay
manampalataya.
8 Siya ay hindi ang Liwanag na iyon
kundi isinugo upang patotohanan ang
Liwanag na iyon.
9 Iyon ay ang tunay na Liwanag, na
lumiliwanag sa bawa't tao na
dumarating sa sanlibutan.
10 Siya ay nasa sanlibutan, at ang
sanlibutan ay ginawa sa pamamagitan
niya, at ang sanlibutan ay hindi siya
kinilala.
11 Siya ay dumating sa sariling kaniya,
at ang sariling kaniya ay hindi siya
tinanggap.
12 Datapuwa't gaya ng marami na
tumanggap sa kaniya, sa kanila ay
ibinigay niya ang kapangyarihan
upang maging mga lalaking anak ng
Diyos, samakatuwid sa kanila na
nananampalataya sa kaniyang
pangalan:
13 Na mga ipinanganak, hindi sa

1b
dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa
kalooban ng tao, kundi ng
Diyos.
14 At ang Salita ay naging laman,
at nanahan sa gitna natin, (at
aming namasdan ang kaniyang
kaluwalhatian, ang kaluwalhatian
gaya ng sa bugtong na isinilang
ng Ama,) puno ng biyaya at
katotohanan.
15 Si Juan ay nagpatotoo sa kaniya,
at sumigaw, na sinasabing, Ito siya
na tungkol sa kaniya ay aking sinabi,
Siya na dumarating pagkatapos ko
ay nangunguna bago pa man ako:
sapagka't siya ay nauna sa akin.
16 At sa kaniyang kapunuan tayong
lahat ay nakatanggap, at biyaya para
sa biyaya.
17 Sapagka't ang batas ay ibinigay
sa pamamagitan ni Moises,
datapuwa't ang biyaya at katotohanan
ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-
Cristo.
18 Walang taong nakakita sa Diyos
sa alinmang panahon; ang bugtong
na isinilang na Anak, na nasa dibdib
ng Ama, ay kaniyang naipahayag
siya.
19 At ito ang patotoo ni Juan, nang
ang mga Judio ay nagsugo ng mga
saserdote at mga Levita mula sa Jeru-
salem upang tanungin siya, Sino ka
ba?
20 At siya ay nagpahayag, at hindi
nagkaila; kundi nagpahayag, Ako ay
hindi ang Cristo.
21 At kanilang tinanong siya, Ano
ba kung gayon? Ikaw ba ay si Elias?
At kaniyang sinabi, Hindi ako. Ikaw
ba yaong propeta? At siya ay
sumagot, Hindi.
22 Pagkatapos ay sinabi nila sa
kaniya, Sino ka ba? upang kami
nawa ay makapagbigay ng kasagutan
sa kanila na nagsugo sa amin. Ano
ba ang sinasabi mo tungkol sa iyong
sarili?
23 Kaniyang sinabi, Ako ang tinig
ng isang sumisigaw sa ilang, Gawing
matuwid ang daan ng Panginoon,
gaya ng sinabi ng propetang si Isaias.
24 At sila na mga isinugo ay mula sa
mga Fariseo.
25 At kanilang tinanong siya, at
sinabi sa kaniya, Bakit ba
nagbabautismo ka kung gayon, kung
ikaw ay hindi ang Cristo, ni si Elias,
ni hindi yaong propeta?
26 Si Juan ay sumagot sa kanila,
sinasabing, Ako ay nagbabautismo
sa tubig: datapuwa't may nakatayong
isa sa gitna ninyo, na hindi ninyo
nakikilala;
27 Siya ay ito, na dumarating
pagkatapos ko ay nangunguna bago
pa man ako, na sa kaniyang tali ng
panyapak ako ay hindi karapat-dapat
na magkalag.
28 Ang mga bagay na ito ay nangyari
sa Betabara sa kabila ng Jordan,
kung saan si Juan ay nagbabautismo.
29 Nang sumunod na araw ay
nakita ni Juan si Jesus na lumalapit
sa kaniya, at sinabing, Masdan ang
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng
kasalanan ng sanlibutan.
30 Ito siya na sa kaniya ay aking
sinabi, Pagkatapos ko ay dumarating
ang isang lalaki na nangunguna bago
pa man ako: sapagka't siya ay nauna
sa akin.
31 At akin siyang hindi nakilala:
datapuwa't upang siya ay dapat
maipahayag sa Israel, samakatuwid
ako ay dumating na nagbabautismo
sa tubig.
32 At si Juan ay nagpatotoo,
sinasabing, Aking nakita ang
Espiritu na bumababa mula sa langit
tulad ng isang kalapati, at ito ay
nanahan sa kaniya.
33 At akin siyang hindi nakilala:
datapuwa't siya na nagsugo sa akin
upang magbautismo sa tubig, siya rin
ang nagsabi sa akin, Kung kanino
mo makikita ang Espiritu na
bumababa, at nananatili sa kaniya,
siya rin ang siyang nagbabautismo
ng Espiritung Banal.
34 At aking nakita, at pinatotohanan
na ito ay ang Anak ng Diyos.
35 Muli nang sumunod na araw
pagkatapos na si Juan ay tumayo, at
dalawa sa kaniyang mga disipulo;
36 At tumitingin kay Jesus habang
siya ay naglalakad, ay kaniyang
sinabi, Masdan ang Kordero ng
Diyos!
37 At ang dalawang mga disipulo ay
narinig siyang nagsalita, at sila ay
sumunod kay Jesus.
38 At si Jesus ay lumingon, at nakita
silang sumusunod, at sinabi sa kanila,
Ano ba ang hinahanap ninyo?
Kanilang sinabi sa kaniya, Rabbi,
(na ang ibig sabihin, kung
ipakahulugan ay, Guro,) saan ka
tumitira?
39 Kaniyang sinabi sa kanila,
Halikayo at tingnan. Sila ay
pumaroon at nakita kung saan siya
nakatira, at nanatiling kasama niya
nang araw na iyon: sapagka't noon
ay mag-iikasampu na ang oras.
40 Isa sa dalawa na nakarinig kay
Juan na nagsalita, at sumunod sa
kaniya, ay si Andres, na kapatid ni
Simon Pedro.
41 Kaniya munang hinanap ang
kaniyang sariling kapatid na si
Simon, at sinabi sa kaniya,
Aming nasumpungan ang Mesias,
na ito ay, kung ipakahulugan, ang
Cristo.
42 At kaniyang dinala siya kay
Jesus. At nang namasdan siya ni
Jesus, ay kaniyang sinabi, Ikaw ay si
Simon na anak ni Jona: ikaw ay
matatawag na Cefas, na ito sa
pamamagitan ng pakahulugan ay,
Isang bato.
43 Nang araw na sumunod si Jesus
ay nagnais pumunta sa Galilea, at
nasumpungan si Felipe, at sinabi sa
kaniya, Sumunod ka sa akin.
44 Ngayon si Felipe ay mula sa
Betsaida, ang lungsod ni Andres at
Pedro.
45 Si Felipe ay nasumpungan si
Natanael, at sinabi sa kaniya, Aming
nasumpungan siya, na sa kaniya si
Moises sa batas, at sa mga propeta,
ay nagsulat, si Jesus ng Nazaret, ang
anak ni Jose.
46 At si Natanael ay nagsabi sa
kaniya, Maaari bang magkaroon ng
anumang mabuting bagay na
magmumula sa Nazaret? Si Felipe
ay nagsabi sa kaniya, Halika at
tingnan.
47 Si Jesus ay nakita si Natanael na
papunta sa kaniya, at sinabi tungkol
sa kaniya, Masdan ang isang
Israelitang tunay, na sa kaniya ay
walang panlilinlang.
48 Si Natanael ay nagsabi sa kaniya,
Saan mo ako nakilala? Si Jesus ay
sumagot at sinabi sa kaniya, Bago ka
tinawag ni Felipe, nang ikaw ay nasa
ilalim ng puno ng igos, ay aking
nakita ka.
49 Si Natanael ay sumagot at nagsabi
sa kaniya, Rabbi, ikaw nga ang Anak
ng Diyos; ikaw nga ang Hari ng
Israel.
50 Si Jesus ay sumagot at sinabi
sa kaniya, Dahil ako ay nagsabi sa
iyo, Aking nakita ka sa ilalim ng
puno ng igos, ay sumasampalataya
ka ba? ikaw ay makakakita ng mas
dakilang mga bagay kaysa sa mga
ito.
51 At kaniyang sinabi sa kaniya,
Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa iyo, Mula ngayon
ay inyong makikita ang langit na
bubukas, at ang mga anghel ng
Diyos na umaakyat at bumababa sa
Anak ng tao.
KAPITULO 2

        AT nang ikatlong araw ay
nagkaroon ng isang kasalan sa Cana
ng Galilea; at ang ina ni Jesus ay
naroon:
2 At maging si Jesus ay tinawag, at
ang kaniyang mga disipulo, sa
kasalan.
3 At nang sila ay nangailangan ng
alak, ang ina ni Jesus ay nagsabi sa
kaniya, Sila ay wala ng alak.
4 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Babae, ano ba ang aking kinalaman
sa iyo? ang aking oras ay hindi pa
dumating.
5 Ang kaniyang ina ay nagsabi sa
mga lingkod, Anuman ang kaniyang
sabihin sa inyo, gawin ito.
6 At mayroong inilagay doon na
anim na mga tapayang bato, ayon sa
paraan ng paglilinis ng mga Judio,
na naglalaman ng dalawa o tatlong
mga bangang tubig bawa't isa.
7 Si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Punuin ang mga tapayan ng tubig.
At kanilang pinuno ang mga ito
hanggang sa labi.
8 At kaniyang sinabi sa kanila,
Sumalok ngayon, at dalhin sa
tagapamahala ng piging. At kanilang
dinala ito.
9 Nang ang pinuno ng piging ay
natikman ang tubig na ginawang
alak, at hindi alam kung saan ito
galing: (nguni't ang mga lingkod na
sumalok sa tubig ay alam;) ang

tagapamahala ng piging ay tinawag
ang kasintahang-lalaki,
10 At sinabi sa kaniya, Bawa't tao sa
pasimula ay inilalagay nang una ang
mabuting alak; at kapag ang mga tao
ay nakainom nang mabuti, ay saka
na yaong mas masama: datapuwa't
iyong napanatili ang mabuting alak
hanggang ngayon.
11 Itong pasimula ng mga himala ay
ginawa ni Jesus sa Cana ng Galilea,
at ipinahayag ang kaniyang
kaluwalhatian; at ang kaniyang mga
disipulo ay sumampalataya sa kaniya.
12 Pagkatapos nito siya ay bumaba
sa Capernaum, siya, at ang kaniyang
ina, at ang kaniyang mga kapatid, at
ang kaniyang mga disipulo: at sila
ay nanatili roon ng hindi maraming
mga araw.
13 At ang paglampas ng mga Judio
ay malapit na, at si Jesus ay umakyat
sa Jerusalem,
14 At nasumpungan sa templo yaong
mga nagbibili ng mga baka at mga
tupa at mga kalapati, at ang mga
namamalit ng salapi na nakaupo:
15 At nang siya ay nakagawa ng
isang panghampas na yari sa maliliit
na mga lubid, kaniyang itinaboy
silang lahat palabas mula sa templo,
at ang mga tupa, at ang mga baka; at
ibinuhos ang salapi ng mga
namamalit, at itinaob ang mga
dulang;
16 At sinabi sa kanila na nagbibili ng
mga kalapati, Kunin ang mga bagay
na ito rito; huwag gawin ang bahay
ng aking Ama na isang bahay ng
kalakal.
17 At ang kaniyang mga disipulo ay
nagunita na ito ay nasusulat, Ang
sigasig ng iyong bahay ay nakain
ako.
18 Pagkatapos ay sumagot ang mga
Judio at sinabi sa kaniya, Anong
tanda ang maipapakita mo sa amin,
nakikitang iyong ginagawa ang mga
bagay na ito?
19 Si Jesus ay sumagot at nagsabi sa
kanila, Gibain ang templong ito, at
sa tatlong araw ay aking itatayo ito.
20 Pagkatapos ay sinabi ng mga
Judio, Apatnapu at anim na taon
ang templong ito sa pagtatayo, at
iyong itatayo ito sa tatlong araw?
21 Datapuwa't kaniyang sinabi ang
tungkol sa templo ng kaniyang
katawan.
22 Nang samakatuwid siya ay
binuhay mula sa mga patay, ang
kaniyang mga disipulo ay nagunita
na kaniyang nasabi ito sa kanila; at
kanilang sinampalatayanan ang
kasulatan, at ang salita na nasabi ni
Jesus.
23 Ngayon nang siya ay nasa
Jerusalem sa paglampas, sa araw ng
kapistahan, marami ang
sumampalataya sa kaniyang
pangalan, nang kanilang nakita ang
mga himala na kaniyang ginawa.
24 Datapuwa't si Jesus ay hindi
ipinagkatiwala ang kaniyang sarili
sa kanila, dahil kaniyang nakikilala
ang lahat ng mga tao,
25 At hindi nangangailangan na
sinuman ay dapat magpatotoo sa tao:
sapagka't kaniyang nalalaman kung
ano ang nasa loob ng tao.

KAPITULO 3

   MAY isang lalaki sa mga Fariseo,
na nagngangalang Nicodemo, isang
pinuno ng mga Judio:
2 Siya rin ay pumunta kay Jesus nang
gabi, at sinabi sa kaniya, Rabbi,
aming nalalaman na ikaw ay isang
tagapagturong nagbuhat mula sa
Diyos: sapagka't walang taong
maaaring gumawa ng mga himalang
ito na iyong ginagawa, maliban na
ang Diyos ay sumasakaniya.
3 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kaniya, Katotohanang, katotohanan,
na aking sinasabi sa iyo, Maliban na
ang isang tao ay maipanganak na
muli, siya ay hindi makakakita sa
kaharian ng Diyos.
4 Si Nicodemo ay nagsabi sa kaniya,
Paano ba ang isang tao ay
maipanganak kung siya ay matanda
na? maaari ba siyang pumasok sa
ikalawang pagkakataon sa
sinapupunan ng kaniyang ina, at
maipanganak?
5 Si Jesus ay sumagot, Katotohanang,
katotohanan, na aking sinasabi sa
iyo, Maliban na ang isang tao ay
maipanganak sa tubig at sa Espiritu,
siya ay hindi makapapasok sa
kaharian ng Diyos.

6 Yaong ipinanganak sa laman ay
laman; at yaong ipinanganak sa
Espiritu ay espiritu.
7 Huwag mamangha na aking sinabi
sa iyo, Kayo ay dapat maipanganak
na muli.
8 Ang hangin ay umiihip kung saan
nito nais, at iyong naririnig ang
ugong nito, nguni't hindi masasabi
kung saan ito nanggagaling, at kung
saan ito naparoroon: gayon ang
bawa't isa na ipinanganak sa
Espiritu.
9 Si Nicodemo ay sumagot at sinabi
sa kaniya, Paano ba mangyayari ang
mga bagay na ito?
10 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kaniya, Ikaw ay isang guro ng Israel,
at hindi nalalaman ang mga bagay
na ito?
11 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa iyo, Aming
sinasalita yaong nalalaman namin,
at pinatotohanan yaong aming
nakita; at inyong hindi tinanggap
ang aming patotoo.
12 Kung aking nasabihan kayo ng
makalupang mga bagay, at kayo ay
hindi sumampalataya, paano ba kayo
sasampalataya, kung aking sasabihin
sa inyo ang makalangit na mga
bagay?
13 At walang tao na nakaakyat sa
langit, kundi siya na bumaba mula sa
langit, samakatuwid ang Anak ng
tao na nasa langit.
14 At gaya ni Moises itinaas ang
ahas sa ilang, gayon din dapat ang
Anak ng tao ay maitaas:
15 Upang ang sinumang
sumampalataya sa kaniya ay hindi
dapat mapahamak, kundi magkaroon
ng walang-hanggang buhay.
*16 Sapagka't ang Diyos ay gayon
inibig ang sanlibutan, na
ipinagkaloob niya ang kaniyang
bugtong na isinilang na Anak, upang
ang sinumang sumampalataya sa
kaniya ay hindi dapat mapahamak,
kundi magkaroon ng walang-
hanggang buhay.
*17 Sapagka't ang Diyos ay hindi
isinugo ang kaniyang Anak sa
sanlibutan upang hatulan ang
sanlibutan; kundi upang ang
sanlibutan sa pamamagitan niya nawa
ay maligtas.
18 Siya na sumasampalataya sa
kaniya ay hindi hinatulan:
datapuwa't siya na hindi
sumasampalataya ay hinatulan na,
dahil siya ay hindi nanampalataya sa
pangalan ng bugtong na isinilang na
Anak ng Diyos.
19 At ito ang kahatulan, na ang
liwanag ay dumating sa sanlibutan,
at ang mga tao ay inibig ang
kadiliman sa halip na ang liwanag,
dahil ang kanilang mga gawain ay
masasama.
20 Sapagka't ang bawa't isa na
gumagawa ng masama ay namumuhi
sa liwanag, ni hindi lumalapit sa
liwanag, na baka ang kaniyang mga
gawain ay dapat masaway.
21 Datapuwa't siya na gumagawa ng

Tingnan ang Pahina 13

7a
katotohanan ay lumalapit sa liwanag,
upang ang kaniyang mga gawain
nawa ay magawang hayag, na ang
mga ito ay ginawa sa Diyos.
22 At pagkatapos ng mga bagay na
ito ay nagpunta si Jesus at ang
kaniyang mga disipulo sa lupain ng
Judea; at doon siya ay nanatiling
kasama nila, at nagbautismo.
23 At si Juan din ay nagbabautismo
sa Enon malapit sa Salim, dahil may
maraming tubig doon: at sila ay
pumaroon, at nabautismuhan.
24 Sapagka't si Juan ay hindi pa
itinatapon sa bilangguan.
25 Sa gayon ay may lumitaw na
katanungan sa pagitan ng ilan sa
mga disipulo ni Juan at ng mga Judio
tungkol sa paglilinis.
26 At sila ay lumapit kay Juan, at
sinabi sa kaniya, Rabbi, siya na
nakasama ninyo sa kabila ng Jordan,
na sa kaniya ikaw ay nagpatotoo,
masdan, siya rin ay nagbabautismo,
at lahat ng mga tao ay lumalapit sa
kaniya.
27 Si Juan ay sumagot at sinabing,
Ang isang tao ay maaaring
tumanggap ng walang anuman,
maliban na ito ay maibigay sa kaniya
mula sa langit.
28 Kayo mismo ay nagpapatotoo sa
akin, na aking sinabi, Ako ay hindi
ang Cristo, kundi na ako ay isinugo
nang una sa kaniya.
29 Siya na taglay ang kasintahang-
babae ay ang kasintahang-lalaki:
datapuwa't ang kaibigan ng

7b
kasintahang-lalaki, na nakatayo at
nakikinig sa kaniya, ay nagagalak
nang lubha dahil sa tinig ng
kasintahang-lalaki: itong aking
kagalakan samakatuwid ay natupad.
30 Siya ay dapat maitaas, datapuwa't
ako ay dapat maibaba.
31 Siya na nagbubuhat mula sa itaas
ay higit sa lahat: siya na galing sa
lupa ay makalupa, at nagsasalita ukol
sa lupa: siya na nagbubuhat mula sa
langit ay higit sa lahat.
32 At kung ano ang kaniyang nakita
at narinig, iyon ang kaniyang
pinatotohanan; at walang taong
tumatanggap sa kaniyang patotoo.
33 Siya na nakatanggap ng kaniyang
patotoo ay naglagay sa kaniyang
tatak na ang Diyos ay totoo.
34 Sapagka't siya na naisugo ng
Diyos ay nagsasalita ng mga salita
ng Diyos: sapagka't ang Dios ay
hindi ibinibigay ang Espiritu sa
pamamagitan ng sukat sa kaniya.
35 Ang Ama ay iniibig ang Anak, at
naibigay ang lahat ng mga bagay sa
kaniyang kamay.
36 Siya na sumasampalataya sa Anak
ay may walang-hanggang buhay: at
siya na hindi sumasampalataya sa
Anak ay hindi makikita ang buhay;
kundi ang poot ng Diyos ang
nananahan sa kaniya.

KAPITULO 4

         NANG samakatuwid ang
Panginoon ay nalaman kung paanong

ang mga Fariseo ay narinig na si
Jesus ay gumawa at nagbautismo ng
mas maraming mga disipulo kaysa
kay Juan,
2 (Bagaman si Jesus mismo ay hindi
nagbautismo, kundi ang kaniyang
mga disipulo,)
3 Kaniyang nilisan ang Judea, at
nagpuntang muli sa Galilea.
4 At siya ay kinakailangang dumaan
sa Samaria.
5 Sa gayon ay nakarating siya sa
isang lungsod ng Samaria, na
tinatawag na Sicar, malapit sa bahagi
ng lupa na ibinigay ni Jacob sa
kaniyang anak na si Jose.
6 Ngayon ang balon ni Jacob ay
naroon. Si Jesus samakatuwid,
palibhasa ay napagod sa kaniyang
paglalakbay, ay umupo nang gayon
sa tabi ng balon: at noon ay mag-
iikaanim ang oras.
7 Doon ay dumating ang isang babae
ng Samaria upang umigib ng tubig:
si Jesus ay nagsabi sa kaniya, Bigyan
mo ako ng maiinom.
8 (Sapagka't ang kaniyang mga
disipulo ay nagpunta sa lungsod
upang bumili ng pagkain.)
9 Sa gayon ay sinabi ng babae ng
Samaria sa kaniya, Paano ba ito na
ikaw, na isang Judio, ay humihingi
ng maiinom sa akin, na isang babae
ng Samaria? sapagka't ang mga Judio
ay walang mga pakikitungo sa mga
Samaritano.
10 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kaniya, Kung iyong nalalaman ang
kaloob ng Diyos, at kung sino ito na
nagsasabi sa iyo na, Bigyan mo ako
ng maiinom; iyong ninais sanang
humingi sa kaniya, at kaniyang
bibigyan ka ng buhay na tubig.
11 Ang babae ay nagsabi sa kaniya,
Ginoo, ikaw ay walang mapag-
iigiban, at ang balon ay malalim:
mula saan kung gayon nagkaroon ka
ng buhay na tubig na iyon?
12 Ikaw ba ay mas dakila kaysa aming
ninunong si Jacob, na nagbigay sa
amin ng balon, at uminom dito
mismo, at ang kaniyang mga anak,
at ang kaniyang mga hayop?
13 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kaniya, Sinuman ang iinom ng tubig
na ito ay mauuhaw muli:
14 Nguni't sinuman ang iinom ng
tubig na aking ibibigay sa kaniya ay
hindi na kailanman mauuhaw;
datapuwa't ang tubig na aking
ibibigay sa kaniya ay magiging sa
kaniya na isang balon ng tubig na
bumubukal sa walang-hanggang
buhay.
15 Ang babae ay nagsabi sa kaniya,
Ginoo, ibigay mo sa akin ang tubig
na ito, upang ako ay hindi mauhaw,
ni hindi na pupunta dito upang
umigib.
16 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Humayo ka, tawagin ang iyong
asawa, at pumunta rito.
17 Ang babae ay sumagot at sinabing,
Ako ay walang asawa. Si Jesus ay
nagsabi sa kaniya, Iyong nasabing
mabuti na, Ako ay walang asawa:
18 Sapagka't ikaw ay nagkaroon na
ng limang asawa; at siya na iyo
ngayong kasama ay hindi ang iyong
asawa: dito ay sinabi mo ang totoo.
19 Ang babae ay nagsabi sa kaniya,
Ginoo, aking nahihiwatigan na ikaw
ay isang propeta.
20 Ang aming mga ninuno ay
nagsisamba sa bundok na ito; at
inyong sinasabi, na sa Jerusalem ay
ang dako kung saan ang mga tao ay
nararapat na sumamba.
21 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Babae, sumampalataya ka sa akin,
ang oras ay dumarating, na kayo ay
hindi sa bundok na ito, ni kahit sa
Jerusalem, sasamba sa Ama.
22 Inyong sinasamba ang hindi ninyo
nakikilala kung ano: aming
nalalaman kung ano ang aming
sinasamba: sapagka't ang kaligtasan
ay sa mga Judio.
23 Datapuwa't ang oras ay
dumarating, at ngayon na nga, na
ang tunay na mga mananamba ay
sasambahin ang Ama sa espiritu at
sa katotohanan: sapagka't ang Ama
ay hinahanap ang gayon upang
sambahin siya.
24 Ang Diyos ay isang Espiritu: at
sila na sumasamba sa kaniya ay
dapat sambahin siya sa espiritu at sa
katotohanan.
25 Ang babae ay nagsabi sa kaniya,
Aking nalalaman na ang Mesias ay
darating, na tinatawag na Cristo:
kapag siya ay dumating, ay kaniyang
ipahahayag sa amin ang lahat ng
mga bagay.
26 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Ako na nagsasalita sa iyo ay siya
nga.
27 At sa ganito ay nagsidating ang
kaniyang mga disipulo, at namangha
na siya ay nakipag-usap sa babae:
gayon man ay walang taong
nagsabing, Ano ba ang hinahanap
mo? o, Bakit ka ba nakikipag-usap
sa kaniya?
28 Ang babae sa gayon ay iniwan
ang kaniyang tapayan, at humayo
patungo sa lungsod, at sinabi sa mga
tao,
29 Halikayo, tingnan ang isang tao,
na nagsabi sa akin ng lahat ng mga
bagay na aking ginawa: hindi ba ito
ang Cristo?
30 Sa gayon sila ay lumabas ng
lungsod, at lumapit sa kaniya.
31 Samantala ang kaniyang mga
disipulo ay namanhik sa kaniya,
sinasabing, Guro, kumain ka.
32 Datapuwa't kaniyang sinabi sa
kanila, Ako ay may pagkaing
kakainin na hindi ninyo nalalaman.
33 Samakatuwid sinabi ng mga
disipulo sa isa't isa, Mayroon bang
sinuman na nagdala sa kaniya ng
anumang makakain?
34 Si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Ang aking pagkain ay ang gawin
ang kalooban niya na nagsugo sa
akin, at upang ganapin ang kaniyang
gawa.
35 Hindi ba ninyo sinasabing,
Mayroon pang apat na buwan, at
saka darating ang pag-aani? masdan,
aking sinasabi sa inyo, Itanaw ang
inyong mga mata, at tumingin sa
mga bukid; sapagka't ang mga ito ay
mapuputi na upang anihin.
36 At siya na umaani ay
tumatanggap ng kabayaran, at
nagtitipon ng bunga sa buhay na
walang-hanggan: upang kapuwa
siya na naghahasik at siya na
umaani nawa ay magalak na
magkasama.
37 At dito yaong pananalita ay
totoo, Isa ang naghahasik, at iba ang
umaani.
38 Aking isinugo kayo upang umani
kung saan kayo ay nagkaloob ng
walang pagpapagal: ang ibang mga
tao ay nagpagal, at kayo ay
nagsipasok sa kanilang mga
pagpapagal.
39 At marami sa mga Samaritano
ng lungsod na iyon ang
nanampalataya sa kaniya dahil sa
pananalita ng babae, na
nagpatotoong, Kaniyang sinabi sa
akin ang lahat ng aking ginawa.
40 Kaya nang ang mga Samaritano
ay lumapit sa kaniya, ay kanilang
ipinamanhik sa kaniya na siya ay
manatili sa kanila: at siya ay nanatili
doon ng dalawang araw.
41 At marami pa ang nanampalataya
dahil sa kaniyang sariling salita;
42 At sinabi sa babae, Ngayon kami
ay nananampalataya, hindi dahil sa
iyong pananalita: sapagka't aming
narinig siya sa aming mga sarili, at
nakikilalang ito nga ay ang Cristo,
ang Tagapagligtas ng sanlibutan.
43 Ngayon pagkatapos ng
dalawang araw siya ay lumisan mula
roon, at nagpunta sa Galilea.
44 Sapagka't si Jesus mismo ay
nagpatotoo, na ang isang propeta ay
walang karangalan sa kaniyang
sariling bayan.
45 Sa gayon nang siya ay makarating
sa Galilea, ang mga taga-Galilea ay
tinanggap siya, na nakitang lahat
ang mga bagay na kaniyang ginawa
sa Jerusalem sa kapistahan: sapagka't
sila rin ay nagpunta sa kapistahan.
46 Kaya si Jesus ay nagpuntang muli
sa Cana ng Galilea, kung saan ay
kaniyang ginawa ang tubig na alak.
At mayroong isang di- kilalang
maharlikang tao, na ang kaniyang
lalaking anak ay maysakit sa
Capernaum.
47 Nang kaniyang narinig na si
Jesus ay dumating mula sa Judea
patungo sa Galilea, siya ay nagpunta
sa kaniya, at namanhik sa kaniya na
siya ay bumaba, at pagalingin ang
kaniyang lalaking anak: sapagka't
siya ay nasa bingit ng kamatayan.
48 Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa
kaniya, Maliban na kayo ay makakita
ng mga tanda at mga kababalaghan,
kayo ay hindi mananampalataya.
49 Ang maharlikang tao ay nagsabi
sa kaniya, Ginoo, bumaba ka bago
ang aking anak ay mamatay.
50 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Humayo ka sa iyong daan; ang iyong
lalaking anak ay buhay. At ang lalaki
ay sinampalatayanan ang salita na
nasabi sa kaniya ni Jesus, at siya ay
humayo sa kaniyang daan.
51 At habang siya ngayon ay pababa,
ang kaniyang mga lingkod ay
sinalubong siya, at ibinalita sa kaniya,
sinasabing, Ang iyong lalaking anak
ay buhay.
52 Sa gayon ay nagtanong siya sa
kanila ng oras nang siya ay
nagsimulang gumaling. At kanilang
sinabi sa kaniya, Kahapon nang ika-
pitong oras ang lagnat ay inibsan
siya.
53 Kaya ang ama ay nalaman na ito
ay sa ganoon ding oras, na kung
kailan si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Ang iyong lalaking anak ay buhay:
at siya mismo ay nanampalataya, at
ang kaniyang buong bahay.
54 Ito muli ang ikalawang himala
na ginawa ni Jesus, nang siya ay
lumabas mula sa Judea patungo sa
Galilea.

KAPITULO 5

    PAGKATAPOS nito ay nagkaroon
ng isang kapistahan ng mga Judio;
at si Jesus ay umakyat sa Jerusalem.
2 Ngayon ay mayroon sa Jerusalem
sa tabi ng pamilihan ng tupa ng
isang tipunang-tubig, na tinatawag
sa wikang Hebreo na Bethesda, na
may limang portiko.
3 Sa mga ito ay nakahandusay ang

lubhang marami sa mga may-
kapansanang mga tao, mga bulag,
mga pilay, mga natutuyo, na
naghihintay para sa paggalaw ng
tubig.
4 Sapagka't isang anghel ang
lumulusong sa isang takdang
panahon sa tipunang-tubig, at
kinakalawkaw ang tubig: sinuman
kung gayon ang unang makalusong
pagkatapos ng pagkalawkaw ng tubig
ay gumagaling sa anumang sakit
siya nagkaroon.
5 At isang di-kilalang tao ang
naroon, na may karamdaman nang
tatlumpo at walong taon.
6 Nang si Jesus ay nakita siyang
nakahimlay, at nalaman na siya
ngayon ay malaon nang nasa ganoong
kalagayan, ay sinabi niya sa kaniya,
Ibig mo bang gumaling?
7 Ang maysakit na tao ay sumagot
sa kaniya, Ginoo, ako ay walang
kasamang tao, na kapag ang tubig ay
kinakalawkaw, upang ilusong ako
sa tipunang-tubig: datapuwa't
habang ako ay lumalapit, ang iba ay
nakalusong na bago ako.
8 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Tumindig ka, buhatin ang iyong
higaan, at lumakad.
9 At pagdaka ang tao ay gumaling,
at binuhat ang kaniyang higaan, at
lumakad: at sa araw ding iyon ay ang
sabbath.
10 Ang mga Judio samakatuwid ay
nagsabi sa kaniya na pinagaling, Ito
ay ang araw ng sabbath: ito ay hindi
legal para sa iyo na buhatin ang
iyong higaan.
11 Siya ay sumagot sa kanila, Siya
na nagpagaling sa akin, siya rin ang
nagsabi sa akin, Buhatin ang iyong
higaan, at lumakad.
12 Sa gayon ay tinanong nila siya,
Anong tao yaong nagsabi sa iyo,
Buhatin ang iyong higaan, at
lumakad?
13 At siya na gumaling ay hindi
nakilala kung sino ito: sapagka't si
Jesus ay naihiwalay ang kaniyang
sarili palayo, isang karamihan ang
nasa dakong yaon.
14 Pagkatapos noon ay nasumpungan
siya ni Jesus sa templo, at sinabi sa
kaniya, Masdan, ikaw ay pinagaling:
huwag nang magkasala pa, baka
isang mas masamang bagay ang
dumating sa iyo.
15 Ang tao ay umalis, at sinabi sa
mga Judio na ito ay si Jesus, na sa
kaniya ay nagpagaling.
16 At samakatuwid ang mga Judio
ay inusig si Jesus, at sinikap na
patayin siya, dahil kaniyang nagawa
ang mga bagay na ito sa araw ng
sabbath.
17 Nguni't si Jesus ay sinagot sila,
Ang aking Ama ay gumagawa
hanggang ngayon, at ako ay
gumagawa.
18 Samakatuwid ang mga Judio ay
sinikap pang lalo na patayin siya,
dahil siya ay hindi lamang nakalabag
sa sabbath, kundi sinabi rin na ang
Diyos ay ang kaniyang Ama, ginawa
ang kaniyang sarili na kapantay ng
Diyos.
19 Sa gayon ay sumagot si Jesus
at sinabi sa kanila, Katotohanang,
katotohanan, na aking sinasabi sa
inyo, Ang Anak ay walang magagawa
sa kaniyang sarili, kundi kung ano
ang kaniyang nakikitang ginagawa
ng Ama: sapagka't anumang mga
bagay na kaniyang ginagawa, ang
mga ito rin ay ginagawa ng Anak sa
gayon ding paraan.
20 Sapagka't ang Ama ay iniibig
ang Anak, at ipinapakita sa kaniya
ang lahat ng mga bagay na kaniyang
sariling ginagawa: at siya ay
magpapakita sa kaniya ng lalong
dakilang mga gawa kaysa sa mga ito,
upang kayo nawa ay mamangha.
21 Sapagka't gaya ng Ama na
ibinabangon ang mga patay, at
binubuhay sila; gayon din ang Anak
ay binubuhay kung sino ang kaniyang
nais.
22 Sapagka't ang Ama ay hindi
hinahatulan ang sinumang tao, kundi
naipagkatiwala ang lahat ng paghatol
sa Anak:
23 Upang ang lahat ng mga tao ay
dapat parangalan ang Anak, gaya ng
kanilang pagpaparangal sa Ama. Siya
na hindi nagpaparangal sa Anak ay
hindi nagpaparangal sa Ama na
nagsugo sa kaniya.
*24 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Siya na
nakikinig ng aking salita, at
nananampalataya sa kaniya na

Tingnan ang Pahina 30

13a
nagsugo sa akin, ay may walang-
hanggang buhay, at hindi
makararating sa kahatulan; kundi
inilipat na mula sa kamatayan tungo
sa buhay.
25 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Ang oras ay
dumarating, at ngayon na nga, na
ang mga patay ay maririnig ang
tinig ng Anak ng Diyos: at sila na
makaririnig ay mabubuhay.
26 Sapagka't kung paanong ang
Ama ay may buhay sa kaniyang sarili;
gayon din ay kaniyang ipinagkaloob
sa Anak na magkaroon ng buhay sa
kaniyang sarili;
27 At nabigyan siya ng awtoridad
upang magbigay ng paghuhukom
din, dahil siya ay ang Anak ng tao.
28 Huwag mamangha dito: sapagka't
ang oras ay dumarating, na kung
kailan ang lahat ng nasa mga libingan
ay maririnig ang kaniyang tinig,
29 At magsisilabas; sila na nakagawa
ng mabuti, sa pagkabuhay na muli sa
buhay; at sila na nakagawa ng
masama, sa pagkabuhay na muli sa
paghatol.
30 Ako sa aking sarili ay hindi
makagagawa ng anuman: sa aking
naririnig, ako ay humahatol: at ang
aking paghatol ay matuwid; dahil
hindi ko hinahanap ang aking
sariling kalooban, kundi ang
kalooban ng Ama na nagsugo sa
akin.
31 Kung ako ay nagpapatotoo sa
aking sarili, ang aking patotoo

13b
ay hindi totoo.
32 Mayroong iba na nagpapatotoo
sa akin; at aking nalalaman na ang
patotoo na kaniyang pinatotohanan
sa akin ay totoo.
33 Kayo ay nagpasugo kay Juan,
at siya ay nagpatotoo sa katotohanan.
34 Datapuwa't ako ay hindi
tumatanggap ng patotoo mula sa tao:
kundi ang mga bagay na ito na aking
sinasabi, upang kayo nawa ay
maligtas.
35 Siya ay isang nagniningas at isang
nagliliwanag na ilaw: at kayo ay
nagnais sa sandaling panahon na
magalak sa kaniyang liwanag.
36 Datapuwa't ako ay may lalong
dakilang patotoo kaysa kay Juan:
sapagka't ang mga gawa na ibinigay
sa akin ng Ama upang ganapin, ang
gayon ding mga gawa na aking
ginagawa, ay nagpapatotoo sa akin,
na ang Ama ang nagsugo sa akin.
37 At ang Ama mismo, na nagsugo
sa akin, ay nagpatotoo sa akin. Kayo
ay hindi pa nakarinig sa kaniyang
tinig sa alinmang panahon, ni hindi
pa nakita ang kaniyang hugis.
38 At hindi ninyo taglay ang kaniyang
salita na nananatilisa inyo: sapagka't
kung sino ang kaniyang naisugo, siya
ay inyong hindi sinampalatayanan.
39 Saliksikin ang mga kasulatan;
sapagka't sa mga ito ay inyong iniisip
na mayroon kayong walang-
hanggang buhay: at sila ay ang mga
ito na nagpapatotoo sa akin.
40 At kayo ay hindi lalapit sa akin,
upang kayo nawa ay magkaroon ng
buhay.
41 Ako ay hindi tumatanggap ng
karangalan mula sa mga tao.
42 Nguni't aking nakikilala kayo, na
hindi ninyo taglay ang pag-ibig ng
Diyos sa inyo.
43 Ako ay dumating sa pangalan ng
aking Ama, at hindi ninyo ako
tinanggap: kung may ibang darating
sa kaniyang sariling pangalan, siya
ang inyong tatanggapin.
44 Paano ba kayo sasampalataya,
na tumatanggap ng karangalan sa
isa't isa, at hindi hinahanap ang
karangalan na nagmumula sa Diyos
lamang?
45 Huwag iisipin na aking
pararatangan kayo sa Ama: mayroong
isa na nagpaparatang sa inyo,
samakatuwid ay si Moises, na siya
ninyong pinagkakatiwalaan.
46 Sapagka't kung inyong
sinampalatayanan si Moises, ay
inyong sinampalatayanan ako:
sapagka't siya ay sumulat tungkol sa
akin.
47 Datapuwa't kung kayo ay hindi
sumasampalataya sa kaniyang mga
sinulat, paano ba ninyo
sasampalatayanan ang aking mga
salita?

KAPITULO 6

     PAGKATAPOS ng mga bagay na
ito si Jesus ay nagpunta sa dgat ng

Galilea, na ito ay ang dagat ng
Tiberias.
2 At isang lubhang karamihan ang
sumunod sa kaniya, dahil kanilang
nakita ang kaniyang mga himala na
kaniyang ginawa sa kanila na mga
maysakit.
3 At si Jesus ay umakyat sa isang
bundok, at doon siya ay naupong
kasama ng kaniyang mga disipulo.
4 At ang paglampas, na isang
kapistahan ng mga Judio, ay malapit
na.
5 Nang si Jesus nga ay itinanaw ang
kaniyang mga mata, at nakita ang
isang malaking pangkat na lumalapit
sa kaniya, ay kaniyang sinabi kay
Felipe, Saan ba tayo makabibili ng
tinapay, upang ang mga ito nawa ay
makakain?
6 At ito ay kaniyang sinabi upang
subukin siya: sapagka't siya mismo
ay nalalaman kung ano ang kaniyang
gagawin.
7 Si Felipe ay sumagot sa kaniya,
Dalawang daang denaryo ng tinapay
ay hindi magkakasiya para sa kanila,
upang ang bawa't isa sa kanila nawa
ay makakakain ng kaunti.
8 Isa sa kaniyang mga disipulo, si
Andres, na kapatid ni Simon Pedro,
ay nagsabi sa kaniya,
9 Mayroong isang lalaking bata rito,
na may limang buong tinapay na
sebada, at dalawang maliliit na isda:
nguni't gaano ba ang mga ito sa
gitna ng napakarami?
10 At si Jesus ay nagsabi, Paupuin
ang mga tao. Ngayon may maraming
damo sa dakong iyon. Kaya ang mga
lalaki ay nagsiupo, sa bilang ay
halos mga limang libo.
11 At si Jesus ay kinuha ang mga
buong tinapay; at nang siya ay
nakapagbigay ng pasalamat,
kaniyang ipinamahagi sa mga
disipulo, at ang mga disipulo sa kanila
na mga nakaupo; at sa gayon ding
paraan sa mga isda hanggang sa
kanilang nais.
12 Nang sila ay mabusog, ay sinabi
niya sa kaniyang mga disipulo,
Tipunin ang mga pira-piraso na
naiwan, upang walang- anumang
masayang.
13 Samakatuwid ay kanilang tinipon
ang mga ito nang sama-sama, at
napuno ang labindalawang bakol ng
mga pira-piraso ng limang buong
tinapay na sebada, na naiwang labis
at higit sa kanila na nakakain.
14 Sa gayon ang mga taong yaon,
nang kanilang nakita ang himala na
ginawa ni Jesus, ay nagsabi, Ito ay sa
katotohanan yaong propeta na dapat
darating sa sanlibutan.
15 Nang si Jesus samakatuwid ay
nahiwatigan na sila ay lalapit at
aagawin siya nang sapilitan, upang
gawin siyang isang hari, siya ay
nagpuntang muli sa isang bundok na
mismong nag-iisa.
16 At nang ang gabi ay dumating na,
ang kaniyang mga disipulo ay
lumusong sa dagat,
17 At lumulan sa isang bapor, at
pumalaot sa dagat patungong
Capernaum. At noon ay madilim na,
at si Jesus ay hindi dumarating sa
kanila.
18 At ang dagat ay nagngangalit
nang dahil sa isang malakas na
hangin na umihip.
19 Kaya nang sila ay nakagaod na ng
halos lima at dalawampu o
tatlumpong mga estadio, kanilang
nakita si Jesus na lumalakad sa
ibabaw ng dagat, at lumalapit sa
bapor: at sila ay natakot.
20 Nguni't kaniyang sinabi sa kanila,
Ito ay ako; huwag matakot.
21 Sa gayon ay kanilang malugod na
tinanggap siya sa bapor: at pagdaka
ang bapor ay dumating sa lupa na
kung saan sila papunta.
22 Sa araw na sumunod, nang ang
mga tao na nakatayo sa kabilang
ibayo ng dagat ay nakita na walang
ibang basnig doon, maliban doon sa
isa na kung saan ang kaniyang mga
disipulo ay lumulan, at si Jesus nga
ay hindi lumulang kasama ng
kaniyang mga disipulo sa basnig,
kundi ang kaniyang mga disipulo
ang umalis lamang;
23 (Gayunman may dumating na
ibang mga basnig mula sa Tiberias
na malapit sa lugar na kung saan sila
nagsikain ng tinapay, pagkatapos na
ang Panginoon ay nakapagbigay ng
pasalamat:)
24 Nang ang mga tao samakatuwid
ay nakita na si Jesus ay wala roon, ni
ang kaniyang mga disipulo, sila rin
ay nagsilulan sa mga basnig, at
dumating sa Capernaum, na
naghahanap kay Jesus.
25 At nang kanilang nasumpungan
siya sa kabilang ibayo ng dagat,
kanilang sinabi sa kaniya, Rabbi,
kailan ka dumating dito?
26 Si Jesus ay sumagot sa kanila
at sinabing, Katotohanang,
katotohanan, na aking sinasabi sa
inyo, Inyong hinahanap ako, hindi
dahil sa inyong nakita ang mga
himala, kundi dahil sa kayo ay
kumain ng mga buong tinapay, at
nabusog.
27 Huwag magpagal para sa pagkain
na nasisira, kundi para doon sa
pagkain na tumatagal sa walang-
hanggang buhay, na ang Anak ng
tao ay ibibigay sa inyo: sapagka't
siya ay tinatakan ng Diyos na Ama.
28 Sa gayon sinabi nila sa kaniya,
Ano ba ang aming gagawin, upang
amin nawang magawa ang mga gawa
ng Diyos?
29 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kanila, Ito ay ang gawa ng Diyos, na
kayo ay sumampalataya sa kaniya na
kaniyang naisugo.
30 Kanilang sinabi samakatuwid sa
kaniya, Ano bang tanda ang ipapakita
mo kung gayon, upang amin nawang
makita, at sampalatayanan ka? ano
ba ang iyong ginagawa?
31 Ang aming mga ninuno ay kumain
ng mana sa ilang; gaya ng ito ay
nasusulat, Siya ay nagbigay sa kanila
ng tinapay mula sa langit upang
makain.
32 Sa gayon si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Katotohanang, katotohanan,
na aking sinasabi sa inyo, Hindi si
Moises ang nagbigay sa inyo ng
tinapay na iyon na mula sa langit;
datapuwa't ang aking Ama ay
nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay
na mula sa langit.
33 Sapagka't ang tinapay ng Diyos
ay siya na bumaba mula sa langit, at
nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.
34 Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya,
Panginoon, palagiang ibigay sa amin
ang tinapay na ito.
35 At si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Ako ay ang tinapay ng buhay: siya
na lumalapit sa akin ay hindi
kailanman magugutom; at siya na
nananampalataya sa akin ay hindi
kailanman mauuhaw.
36 Datapuwa't aking sinasabi sa
inyo, Na inyo ring nakita ako, at
hindi nanampalataya.
37 Lahat ng ibinibigay ng Ama sa
akin ay lalapit sa akin; at siya na
lumalapit sa akin ay hindi ko kailan
man itataboy.
38 Sapagka't ako ay bumaba mula sa
langit, hindi upang gawin ang aking
sariling kalooban, kundi ang
kalooban niya na nagsugo sa akin.
39 At ito ang kalooban ng Ama na
nagsugo sa akin, na sa lahat ng
kaniyang naibigay sa akin ay hindi
ko dapat maiwala ang sinuman,
kundi dapat ibangon itong muli sa
huling araw.
40 At ito ang kalooban niya na
nagsugo sa akin, na ang bawa't isa
na nakakakita sa Anak, at
sumasampalataya sa kaniya, nawa
ay magkaroon ng walang-hanggang
buhay: at aking ibabangon siya sa
huling araw.
41 Ang mga Judio sa gayon ay
nagbulung-bulungan tungkol sa
kaniya, dahil kaniyang sinabi, Ako
ay ang tinapay na bumaba mula sa
langit.
42 At kanilang sinabi, Hindi ba ito
si Jesus, ang anak ni Jose, na ang
kaniyang ama at ina ay ating
nakikilala? paano ba ito kung gayon
na kaniyang sinabi, Ako ay bumaba
mula sa langit?
43 Si Jesus samakatuwid ay sumagot
at sinabi sa kanila, Huwag
magbulung-bulungan sa inyong mga
sarili.
44 Walang tao na makalalapit sa
akin, maliban na ang Ama na
nagsugo sa akin ay dalhin siya: at
aking ibabangon siya sa huling araw.
45 Ito ay nasusulat sa mga propeta,
At silang lahat ay matuturuan ng
Diyos. Bawa't tao samakatuwid na
nakarinig, at natuto mula sa Ama, ay
lumalapit sa akin.
46 Hindi sa ang sinumang tao ay
nakakita sa Ama, maliban siya na
mula sa Diyos, kaniyang nakita na
ang Ama.
47 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Siya na
nananampalataya sa akin ay may
walang-hanggang buhay.
48 Ako yaong tinapay ng buhay.
49 Ang inyong mga ninuno ay
kumain ng mana sa ilang, at mga
namatay.
50 Ito ay ang tinapay na bumaba
mula sa langit, upang ang tao nawaay
makakain nito, at huwag mamatay.
51 Ako ay ang buhay na tinapay na
bumaba mula sa langit: kung ang
sinumang tao ang kumain ng tinapay
na ito, siya ay mabubuhay
magpakailan man: at ang tinapay na
aking ibibigay ay ang aking laman,
na aking ibibigay para sa ikabubuhay
ng sanlibutan.
52 Ang mga Judio samakatuwid ay
nagtalo sa kanilang mga sarili,
sinasabing, Paano kaya maibibigay
ng taong ito sa atin ang kaniyang
laman upang makain?
53 Sa gayon si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Katotohanang, katotohanan,
na aking sinasabi sa inyo, Maliban
na inyong kainin ang laman ng
Anak ng tao, at inumin ang kaniyang
dugo, kayo ay walang buhay sa inyo.
54 Sinuman ang kumakain ng aking
laman, at umiinom ng aking dugo,
ay may walang-hanggang buhay; at
aking ibabangon siya sa huling araw.
55 Sapagka't ang aking laman ay
pagkaing tunay, at ang aking dugo
ay inuming tunay.
56 Siya na kumakain ng aking laman,
at umiinom ng aking dugo, ay
nananahan sa akin, at ako ay sa
kaniya.
57 Gaya ng ang buhay na Ama ay
naisugo ako, at ako ay nabubuhay sa
pamamagitan ng Ama: gayon siya na
kumakain sa akin, samakatuwid siya
ay mabubuhay sa pamamagitan ko.
58 Ito ay iyong tinapay na bumaba
mula sa langit: hindi gaya ng inyong
mga ninuno na kumain ng mana, at
mga namatay: siya na kumakain ng
tinapay na ito ay mabubuhay
magpakailan man.
59 Ang mga bagay na ito ay sinabi
niya sa sinagoga, habang siya ay
nagtuturo sa Capernaum.
60 Marami samakatuwid sa kaniyang
mga disipulo, nang kanilang narinig
ito, ang nagsabing, Ito ay isang
mabigat na pananalita; sino ba ang
makaririnig nito?
61 Nang si Jesus ay nalaman sa
kaniyang sarili na ang kaniyang
mga disipulo ay nagbulung-bulungan
tungkol dito, kaniyang sinabi sa
kanila, Ito ba ay nakatitisod sa inyo?
62 Ano at kung inyong makikita ang
Anak ng tao na aakyat kung saan
siya nang una?
63 Ito ay ang espiritu na bumubuhay;
ang laman ay walang- anumang
pakinabang: ang mga salita na aking
sinasalita sa inyo, ang mga ito ay
espiritu, at ang mga ito ay buhay.
64 Datapuwa't mayroong ilan sa
inyo na hindi sumasampalataya.
Sapagka't si Jesus ay alam mula sa
pasimula kung sino sila na hindi
nanampalataya, at kung sino ang
dapat magkakanulo sa kaniya.
65 At kaniyang sinabi, Samakatuwid
sinabi ko sa inyo, na walang tao ang
makalalapit sa akin, maliban na ito
ay ibinigay sa kaniya ng aking Ama.
66 Mula sa panahong iyon ay
marami sa kaniyang mga disipulo
ang lumayo, at hindi na lumakad na
kasama niya.
67 Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa
labindalawa, Kayo rin ba ay lalayo?
68 Sa gayon si Simon Pedro ay
sinagot siya, Panginoon, kanino kami
magpupunta? iyong taglay ang mga
salita ng walang-hanggang buhay.
69 At kami ay nananampalataya at
nakatitiyak na ikaw ay ang Cristo,
ang Anak ng buhay na Diyos.
70 Si Jesus ay sinagot sila, Hindi ba
aking pinili kayong labindalawa, at
isa sa inyo ay isang diyablo?
71 Kaniyang tinukoy si Judas
Iscariote ang anak ni Simon:
sapagka't siya ito na dapat
magkakanulo sa kaniya, na isa sa
labindalawa.

KAPITULO 7

  PAGKATAPOS ng mga bagay na ito
si Jesus ay naglakad sa Galilea:
sapagka't siya ay hindi nagnais
lumakad sa Judea, dahil ang mga
Judio ay sinikap siyang patayin.
2 Ngayon ang kapistahan ng mga
Judio sa mga tabernakulo ay malapit
na.
3 Ang kaniyang mga kapatid

samakatuwid ay sinabi sa kaniya,
Umalis ka mula rito, at pumunta sa
Judea, upang ang iyong mga disipulo
rin nawa ay makita ang mga gawa na
iyong ginagawa.
4 Sapagka't walang tao na gumagawa
ng anumang bagay sa lihim, at siya
mismo ay naghahanap upang
makilala nang hayagan. Kung iyong
ginagawa ang mga bagay na ito,
ipakita ang iyong sarili sa sanlibutan.
5 Sapagka't pati ang kaniyang mga
kapatid ay hindi nanampalataya sa
kaniya.
6 Sa gayon si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Ang aking panahon ay hindi
pa dumarating: nguni't ang inyong
panahon ay laging handa.
7 Ang sanlibutan ay hindi maaaring
mamuhi sa inyo; datapuwa't ako ay
kinamumuhian nito, dahil ako ay
nagpapatotoo tungkol dito, na ang
mga gawa nito ay masasama.
8 Umakyat kayo sa kapistahang ito:
Ako ay hindi muna aakyat sa
kapistahang ito; sapagka't ang aking
panahon ay hindi pa lubos na
dumarating.
9 Nang kaniyang nasabi ang mga
salitang ito sa kanila, siya ay nanatili
pa sa Galilea.
10 Datapuwa't nang ang kaniyang
mga kapatid ay umakyat na, sa gayon
siya rin ay umakyat sa kapistahan,
hindi nang hayagan, kundi gaya ng
ito ay sa lihim.
11 Sa gayon ang mga Judio ay
hinanap siya sa kapistahan, at sinabi,
Nasaan ba siya?
12 At nagkaroon ng maraming
bulung-bulungan sa gitna ng mga
tao patungkol sa kaniya: sapagka't
ang ilan ay nagsabi, Siya ay isang
mabuting tao: ang mga iba ay nagsabi,
Hindi; kundi siya ay nanlilinlang ng
mga tao.
13 Gayunman ay walang tao na
nagsalita nang hayagan tungkol sa
kaniya dahil sa takot sa mga Judio.
14 Ngayon nang nasa kalagitnaan
ng kapistahan si Jesus ay umakyat sa
templo, at nagturo.
15 At ang mga Judio ay namangha,
sinasabing, Papaanong nalalaman
ng taong ito ang mga sulat, na hindi
kailanman nag-aral?
16 Si Jesus ay sumagot sa kanila, at
nagsabi, Ang aking doktrina ay hindi
akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa
akin.
17 Kung ang sinumang tao ay
gagawin ang kaniyang kalooban,
kaniyang malalaman ang doktrina,
kung ito ay sa Diyos, o kung ako ay
nagsasalita sa aking sarili.
18 Siya na nagsasalita sa kaniyang
sarili ay naghahanap ng kaniyang
sariling kaluwalhatian: datapuwa't
siya na naghahanap ng
kaluwalhatian niya na nagsugo sa
kaniya, siya rin ay totoo, at walang
di-pagkamatuwid na nasa sa kaniya.
19 Hindi ba si Moises ang nagbigay
sa inyo ng batas, at gayunman ay
wala sa inyong tumutupad sa batas?
Bakit ba kayo nagsisikap upang
patayin ako?
20 Ang mga tao ay sumagot at
nagsabi, Ikaw ay may diyablo: sino
ba ang nagsisikap upang patayin ka?
21 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kanila, Ako ay nakagawa ng isang
gawa, at kayong lahat ay namangha.
22 Si Moises samakatuwid ay
ibinigay sa inyo ang pagtutuli;
(hindi dahil ito ay kay Moises, kundi
sa mga ninuno;) at kayo sa araw ng
sabbath ay tinutuli ang isang lalaki.
23 Kung ang isang tao sa araw ng
sabbath ay tumatanggap ng pagtutuli,
upang ang batas ni Moises ay hindi
dapat malabag; kayo ba ay nagagalit
sa akin, dahil aking nagawa ang
isang tao na lubos na magaling sa
araw ng sabbath?
24 Huwag humatol ayon sa hitsura,
kundi humatol ng matuwid na
paghatol.
25 Sa gayon ay sinabi ng ilan sa
kanila sa Jerusalem, Hindi ba ito
siya, na kanilang hinahanap upang
patayin?
26 Nguni't, narito, siya ay nagsasalita
nang may katapangan, at sila ay
nagsasalita ng walang-anuman sa
kaniya. Ang mga pinuno ba ay
nalalamang tunay na ito ay ang
mismong Cristo?
27 Gayunman ay aming kilala ang
taong ito kung taga saan siya:
datapuwa't kapag ang Cristo ay
dumating, walang tao na makaaalam
kung taga saan siya.
28 Sa gayon ay sumigaw si Jesus sa
templo habang siya ay nagtuturo,
sinasabi, Kayo ay kapuwa nakikilala
ako, at inyong nalalaman kung taga
saan ako: at ako ay hindi dumating sa
aking sarili, kundi siya na nagsugo
sa akin ay totoo, na inyong hindi
nakikilala.
29 Nguni't aking nakikilala siya:
sapagka't ako ay mula sa kaniya, at
siya ang nagsugo sa akin.
30 Sa gayon sila ay nagsikap na
hulihin siya: nguni't walang taong
sumunggab sa kaniya, dahil ang
kaniyang oras ay hindi pa
dumarating.
31 At marami sa mga tao ang
nanampalataya sa kaniya, at nagsabi,
Kapag ang Cristo ay dumating,
gagawa ba siya ng mas maraming
mga himala kaysa sa mga ito na ang
taong ito ay nagawa na?
32 Ang mga Fariseo ay narinig na
ang mga tao ay nagbulung-bulungan
ng gayong mga bagay patungkol sa
kaniya; at ang mga Fariseo at ang
punong mga saserdote ay nagpadala
ng mga tagapaglingkod upang
hulihin siya.
33 Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa
kanila, Sa kaunting panahon pa ako
ay makakasama ninyo, at pagkatapos
ako ay pupunta sa kaniya na nagsugo
sa akin.
34 Kayo ay maghahanap sa akin, at
hindi ako masusumpungan: at kung
nasaan ako, doon kayo ay hindi
makararating.
35 Sa gayon sinabi ng mga Judio sa
kanilang sarili, Saan ba siya pupunta,
upang tayo ay hindi makasusumpong
sa kaniya? pupunta ba siya sa mga
nakakalat sa gitna ng mga Gentil, at
tuturuan ang mga Gentil?
36 Anong paraan ng pananalita ito
na kaniyang sinabi, Kayo ay
maghahanap sa akin, at hindi
makasusumpong sa akin: at kung
saan ako naroroon, doon kayo ay
hindi makapupunta?
37 Sa huling araw, iyong dakilang
araw ng kapistahan, si Jesus ay
tumayo at sumigaw, nagsasabing,
Kung ang sinumang tao ay mauhaw,
hayaan siyang lumapit sa akin, at
uminom.
38 Siya na nananampalataya sa akin,
gaya ng ang kasulatan ay nagsabi,
mula sa kaniyang panloob na
pagkatao ay dadaloy ang mga ilog
ng buhay na tubig.
39 (Nguni't ito ay sinalita niya
tungkol sa Espiritu, na sila na
nananampalataya sa kaniya ay dapat
matanggap: sapagka't ang
Espiritung Banal ay hindi pa
naibibigay; dahil si Jesus ay hindi pa
naluluwalhati.)
40 Marami sa mga tao samakatuwid,
nang kanilang narinig ang
pananalitang ito, ay nagsabi, Sa
katotohanan ito ay ang Propeta.
41 Ang iba ay nagsabi, Ito ay ang
Cristo. Nguni't ang ilan ay
nagsabing, Ang Cristo ba ay
manggagaling mula sa Galilea?
42 Hindi ba ang kasulatan ang
nagsabi, Na ang Cristo ay
manggagaling sa binhi ni David, at
mula sa bayan ng Betlehem, kung
saan si David ay nagmula?
43 Kaya nagkaroon ng pagkakabaha-
bahagi sa gitna ng mga tao dahil sa
kaniya.
44 At ilan sa kanila ay hinuli na sana
siya; datapuwa't walang taong
sumunggab sa kaniya.
45 Sa gayon ay dumating ang mga
tagapaglingkod sa punong mga
saserdote at mga Fariseo; at sila ay
nagsabi sa kanila, Bakit ba hindi
ninyo siya nadala?
46 Ang mga tagapaglingkod ay
sumagot, Wala pang taong nagsalita
nakatulad ng taong ito.
47 Sa gayon ay sumagot sila na mga
Fariseo, Kayo rin ba ay nalinlang?
48 May sinuman ba sa mga pinuno
o sa mga Fariseo ang nanampalataya
sa kaniya?
49 Nguni't ang mga taong ito na
hindi nakaaalam sa batas ay
isinumpa.
50 Si Nicodemo ay nagsabi sa kanila,
(siya na lumapit kay Jesus nang gabi,
na isa sa kanila,)
51 Ang atin bang batas ay humahatol
sa sinumang tao, bago nito
mapakinggan siya, at malaman kung
ano ang kaniyang ginagawa?
52 Sila ay sumagot at sinabi sa
kaniya, Ikaw rin ba ay taga Galilea?
Magsaliksik, at tingnan: sapagka't
mula sa Galilea ay walang lumilitaw
na propeta.
53 At ang bawa't tao ay umuwi sa
kaniyang sariling bahay.

KAPITULO 8

    SI Jesus ay nagpunta sa bundok
ng mga Olivo.
2 At pagka bukang-liwayway siya ay
nagpuntang muli sa templo, at lahat
ng mga tao ay lumapit sa kaniya; at
siya ay naupo, at tinuruan sila.
3 At ang mga eskriba at mga Fariseo
ay nagdala sa kaniya ng isang
babaeng nahuli sa pangangalunya;
at nang kanilang nailagay siya sa
kalagitnaan,
4 Sila ay nagsabi sa kaniya, Guro,
ang babaeng ito ay nahuli sa
pangangalunya, sa mismong
pagsasagawa.
5 Ngayon si Moises sa batas ay nag-
utos sa amin, na ang ganito ay dapat
mabato: nguni't ano ba ang masasabi
mo?
6 Ito ay kanilang sinabi, na tinutukso
siya, upang sila nawa ay may
ipaparatang sa kaniya. Subali't si
Jesus ay tumungo, at sa pamamagitan
ng kaniyang daliri ay sumulat sa
lupa, na parang hindi niya sila
narinig.
7 Kaya nang sila ay nagpatuloy ng
pagtatanong sa kaniya, kaniyang
iniunat ang kaniyang sarili, at sinabi
sa kanila, Siya na walang kasalanan
sa inyo, hayaan siyang unang bumato
sa kaniya.

8 At muli siya ay tumungo, at sumulat
sa lupa.
9 At sila na nakarinig nito, na nausig
ng kanilang sariling budhi, ay
nagsilabas na isa-isa, nagsimula sa
pinakamatanda, maging hanggang
sa huli: at si Jesus ay naiwang mag-
isa, at ang babae na nakatayo sa
kalagitnaan.
10 Nang si Jesus ay naiunat ang
kaniyang sarili, at walang nakita
kundi ang babae, siya ay nagsabi sa
kaniya, Babae, nasaan ba sila na
iyong mga tagabintang? wala bang
taong humatol sa iyo?
11 Siya ay nagsabi, Walang sinuman,
Panginoon. At si Jesus ay nagsabi sa
kaniya, Ni hindi rin ako humahatol
sa iyo: humayo ka, at huwag nang
magkasala pa.
12 Sa gayon ay nagsalita si Jesus na
muli sa kanila, sinasabing, Ako ay
ang liwanag ng sanlibutan: siya na
sumusunod sa akin ay hindi lalakad
sa kadiliman, kundi magkakaroon
ng liwanag ng buhay.
13 Ang mga Fariseo samakatuwid ay
nagsabi sa kaniya, Ikaw ay
nagpapatotoo sa iyong sarili; ang
iyong patotoo ay hindi totoo.
14 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kanila, Bagama't ako ay
nagpapatotoo sa aking sarili,
gayunman ang aking patotoo ay totoo;
sapagka't aking nalalaman kung saan
ako nanggaling, at kung saan ako
pupunta; datapuwa't hindi ninyo
masasabi kung saan ako nanggaling,
at kung saan ako pupunta.
15 Kayo ay humahatol ayon sa laman;
ako ay hindi humahatol sa kanino
man.
16 At gayunman kung ako ay
humahatol, ang aking paghatol ay
totoo: sapagka't ako ay hindi nag-
iisa, kundi ako at ang Ama na
nagsugo sa akin.
17 Ito rin ay nasusulat sa inyong
batas, na ang patotoo ng dalawang
tao ay totoo.
18 Ako ay isa na nagpapatotoo sa
aking sarili, at ang Ama na nagsugo
sa akin ay nagpapatotoo sa akin.
19 Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya,
Nasaan ba ang iyong Ama? Si Jesus
ay sumagot, Hindi ninyo ako
nakikilala, ni ang aking Ama: kung
ako ay inyong nakilala, ay inyong
dapat nakilala ang aking Ama rin.
20 Ang mga salitang ito ay sinabi ni
Jesus sa ingatang-yaman, habang
siya ay nagtuturo sa templo: at walang
taong sumunggab sa kaniya;
sapagka't ang kaniyang oras ay hindi
pa dumarating.
21 Sa gayon ay sinabi ni Jesus na
muli sa kanila, Ako ay pupunta sa
aking daan, at hahanapin ninyo ako,
at mamamatay sa inyong mga
kasalanan: kung saan ako pupunta,
kayo ay hindi makapupunta.
22 Sa gayon ay sinabi ng mga Judio,
Papatayin ba niya ang kaniyang
sarili? dahil kaniyang sinabi, Kung
saan ako pupunta, kayo ay hindi
makapupunta.
23 At kaniyang sinabi sa kanila,
Kayo ay mula sa ibaba; ako ay mula
sa itaas: kayo ay sa sanlibutang ito;
ako ay hindi sa sanlibutang ito.
24 Aking sinabi samakatuwid sa inyo,
na kayo ay mamamatay sa inyong
mga kasalanan: sapagka't kung kayo
ay hindi sumasampalataya na ako ay
siya, kayo ay mamamatay sa inyong
mga kasalanan.
25 Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya,
Sino ka ba? At si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Maging siya rin na aking
sinabi sa inyo mula sa pasimula.
26 Ako ay may maraming mga bagay
na sasabihin at hahatulan sa inyo:
subali't siya na nagsugo sa akin ay
totoo; at ako ay nagsasalita sa
sanlibutan ng mga bagay na iyon na
aking narinig sa kaniya.
27 Hindi nila naunawaan na siya ay
nagsalita sa kanila tungkol sa Ama.
28 Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa
kanila, Kapag inyong naitaas na ang
Anak ng tao, sa gayon ay inyong
makikilala na ako ay siya, at na ako
ay gumagawa ng walang-anuman sa
aking sarili; kundi gaya ng naituro
ng aking Ama sa akin, ako ay
nagsasalita ng mga bagay na ito.
29 At siya na nagsugo sa akin ay
kasama ko: hindi ako iniwang nag-
iisa ng Ama, sapagka't aking
ginagawang palagi ang mga bagay
na iyon na nakalulugod sa kaniya.
30 Habang kaniyang sinasabi ang
mga salitang ito, marami ang
sumampalataya sa kaniya.
31 Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa mga
Judiong iyon na sumampalataya sa
kaniya, Kung kayo ay magpapatuloy
sa aking salita, kung gayon ay kayo
ang aking mga disipulo sa katunayan;
32 At inyong makikilala ang
katotohanan, at ang katotohanan ang
magpapalaya sa inyo.
33 Sila ay sumagot sa kaniya, Kami
ay binhi ni Abraham, at hindi
kailanman napaalipin sa sinumang
tao: paano bang sinasabi mo, Kayo
ay magiging malaya?
34 Si Jesus ay sumagot sa kanila,
Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Sinuman ang
gumagawa ng kasalanan ay lingkod
ng kasalanan.
35 At ang lingkod ay hindi nananatili
sa bahay magpakailan man: kundi
ang Anak ay nananatili magpakailan
man.
36 Kung ang Anak samakatuwid ang
magpapalaya sa inyo, kayo ay
magiging malayang tunay.
37 Aking nalalaman na kayo ay ang
mga binhi ni Abraham; nguni't
inyong sinisikap na patayin ako, dahil
ang aking salita ay walang lugar sa
inyo.
38 Aking sinasabi yaong aking nakita
sa aking Ama: at inyong ginagawa
yaong inyong nakita sa inyong ama.
39 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya,
Si Abraham ang aming ama. Si
Jesus ay nagsabi sa kanila, Kung
kayo nga ay ang mga anak ni
Abraham, inyong gagawin ang mga
gawa ni Abraham.
40 Datapuwa't ngayon ay inyong
sinisikap na patayin ako, isang tao
na nagsabi sa inyo ng katotohanan,
na aking narinig sa Diyos: ito ay
hindi ginawa ni Abraham.
41 Kayo ay gumagawa ng mga gawain
ng inyong ama. Sa gayon ay sinabi
nila sa kaniya, Kami ay hindi
ipinanganak sa pakikiapid; kami ay
may iisang Ama, samakatuwid ang
Diyos.
42 Si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Kung ang Diyos ang inyong Ama,
inyong iibigin ako: sapagka't ako ay
nagmula at nanggaling sa Diyos; ni
hindi ako dumating sa aking sarili,
kundi siya ang nagsugo sa akin.
43 Bakit ba hindi ninyo nauunawaan
ang aking pananalita? maging dahil
inyong hindi marinig ang aking salita.
44 Kayo ay sa inyong amang diyablo,
at ang mga pita ng inyong ama ay
inyong gagawin. Siya ay isang
mamamatay-tao mula sa pasimula,
at hindi nanatili sa katotohanan, dahil
walang katotohanan sa kaniya.
Kapag siya ay nagsasalita ng isang
kasinungalingan, siya ay nagsasalita
sa kaniyang sarili: sapagka't siya ay
isang sinungaling, at ang ama nito.
45 At dahil aking sinasabi sa inyo
ang katotohanan, kayo ay hindi
sumasampalataya sa akin.
46 Sino ba sa inyo ang makasusumbat
sa akin tungkol sa kasalanan? At
kung aking sinasabi ang katotohanan,
bakit ba kayo hindi sumasampalataya
sa akin?
47 Siya na sumasa Diyos ay nakikinig
sa mga salita ng Diyos: kayo
samakatuwid ay hindi nakikinig sa
mga ito, dahil kayo ay hindi sa
Diyos.
48 Sa gayon ay sumagot ang mga
Judio, at sinabi sa kaniya, Hindi ba
sinasabi naming mabuti na ikaw ay
isang Samaritano, at mayroong
diyablo?
49 Si Jesus ay sumagot, Ako ay
walang diyablo; kundi aking
pinararangalan ang aking Ama, at
inyo akong sinisiraang-puri.
50 At hindi ko hinahanap ang aking
sariling kaluwalhatian: mayroong
isa na humahanap at humahatol.
51 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Kung ang
isang tao ay tumutupad sa aking
pananalita, siya ay hindi kailanman
makakakita ng kamatayan.
52 Sa gayon ay sinabi ng mga Judio
sa kaniya, Ngayon ay aming
nalalaman na ikaw ay may diyablo.
Si Abraham ay patay na, at ang mga
propeta; at iyong sinasabi, Kung ang
isang tao ay tumutupad ng aking
pananalita, siya ay hindi kailanman
makakatikim ng kamatayan.
53 Ikaw ba ay higit na dakila kaysa sa
aming amang si Abraham, na patay
na? at ang mga propeta ay patay na:
sino ba ang ipinalalagay mo sa iyong
sarili?
54 Si Jesus ay sumagot, Kung aking
pinararangalan ang aking sarili,
ang aking karangalan ay walang-
anuman: ang aking Ama ang siyang
nagpaparangal sa akin; na sa kaniya
ay inyong sinasabi, na siya ay inyong
Diyos:
55 Gayunman kayo ay hindi
nakakilala sa kaniya; nguni't akin
siyang nakikilala: at kung aking
sasabihin, hindi ko siya nakikilala,
ako ay magiging isang sinungaling
na katulad ninyo: datapuwa't akin
siyang nakikilala, at tinutupad ang
kaniyang pananalita.
56 Ang inyong amang si Abraham ay
nagalak na makita ang aking araw:
at kaniyang nakita ito, at natuwa.
57 Sa gayon ay sinabi ng mga Judio
sa kaniya, Ikaw ay hindi pa
limampung taong gulang, at iyo na
bang nakita si Abraham?
58 Si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Bago pa si
Abraham ay, ako na nga.
59 Sa gayon ay dumampot sila ng
mga bato upang ihagis sa kaniya:
datapuwa't itinago ni Jesus ang
kaniyang sarili, at lumabas mula sa
templo, na nagdaan sa kalagitnaan
nila, at gayon nakalampas.

KAPITULO 9

   At habang si Jesus ay dumadaan,
siya ay nakakita ng isang taong bulag
mula sa kaniyang pagkasilang.
2 At ang kaniyang mga disipulo ay

tinanong siya, sinasabing, Guro,
sino ba ang nagkasala, ang taong ito,
o ang kaniyang mga magulang,
upang siya ay ipanganak na bulag?
3 Si Jesus ay sumagot, Ni hindi ang
taong ito ang nagkasala, ni ang
kaniyang mga magulang: kundi
upang ang mga gawa ng Diyos ay
dapat maging hayag sa kaniya.
4 Aking dapat gawin ang mga gawa
niya na nagsugo sa akin, samantalang
araw: ang gabi ay dumarating, kapag
walang taong makagagawa.
5 Samantalang ako ay nasa
sanlibutan, ako ay ang liwanag ng
sanlibutan.
6 Nang kaniyang nasabi ang gayon,
siya ay dumura sa lupa, at gumawa
ng luwad sa pinagduraan, at kaniyang
pinahiran ng luwad ang mga mata
ng taong bulag,
7 At sinabi sa kaniya, Humayo ka,
maghugas sa tipunang-tubig ng
Siloe, (na sa pamamagitan ng
pagpapakahulugan ay, Isinugo.) Siya
ay humayo sa kaniyang daan
samakatuwid, at naghugas, at
nagbalik na nakakakita.
8 Ang mga kapitbahay
samakatuwid, at sila na nang una ay
nakakita sa kaniya na siya ay bulag,
ay nagsabing, Hindi ba ito siya na
nauupo at nagpapalimos?
9 Ang ilan ay nagsabing, Ito nga
siya: ang iba ay nagsabing, Siya ay
kamukha niya: nguni't kaniyang
sinabi, Ako nga siya.
10 Samakatuwid ay sinabi nila sa
kaniya, Paano bang ang iyong mga
mata ay naidilat?
11 Siya ay sumagot at nagsabing,
Isang taong tinatawag na Jesus ang
gumawa ng luwad, at pinahiran ang
iking mga mata, at sinabi sa akin,
Humayo ka sa tipunang-tubig ng
Siloe, at maghugas: at ako ay humayo
at naghugas, at ako ay tumanggap ng
paningin.
12 Sa gayon ay sinabi nila sa kaniya,
Nasaan ba siya? Kaniyang sinabi,
Hindi ko alam.
13 Kanilang dinala sa mga Fariseo
siya na noong una ay bulag.
14 At ito ay ang araw ng sabbath
nang ginawa ni Jesus ang luwad, at
pinadilat ang kaniyang mga mata.
15 Sa gayon muli ang mga Fariseo
rin ay tinanong siya kung paano niya
natanggap ang kaniyang paningin.
Siya ay nagsabi sa kanila, Siya ay
naglagay ng luwad sa aking mga
mata, at ako ay naghugas, at nakakita.
16 Samakatuwid ay sinabi ng ilan sa
mga Fariseo, Ang taong ito ay hindi
sa Diyos, dahil hindi niya tinutupad
ang araw ng sabbath. Ang iba ay
nagsabi, Paano ba na ang isang taong
makasalanan ay makagagawa ng
gayong mga himala? At nagkaroon
ng pagkakabaha-bahagi sa gitna nila.
17 Kanilang sinabi sa taong bulag na
muli, Ano ba ang masasabi mo
tungkol sa kaniya, na siyang
nagpadilat ng iyong mga mata?
Kaniyang sinabi, Siya ay isang
propeta.
18 Datapuwa't ang mga Judio ay
hindi naniwala patungkol sa kaniya,
na siya ay naging bulag, at tinanggap
ang kaniyang paningin, hanggang
kanilang tinawag ang mga magulang
niya na nakatanggap ng kaniyang
paningin.
19 At kanilang tinanong sila,
sinasabing, Ito ba ang inyong
lalaking anak, na inyong sinasabing
isinilang na bulag? paano nga ba na
siya ngayon ay nakakakita?
20 Ang kaniyang mga magulang ay
sumagot sa kanila at sinabing, Aming
nalalaman na ito ay aming lalaking
anak, at na siya ay isinilang na
bulag:
21 Nguni't sa pamamagitan ng kung
anong paraan siya ngayon ay
nakakakita, ay hindi namin
nalalaman; o kung sino ang
nagpadilat ng kaniyang mga mata,
ay hindi namin nalalaman: siya ay
nasa hustong gulang na; tanungin
siya: siya ang magsasalita para sa
kaniyang sarili.
22 Ang mga salitang ito ay sinabi ng
kaniyang mga magulang, dahil
kanilang kinatatakutan ang mga
Judio: sapagka't ang mga Judio ay
nagkaisa na, na kung sinumang tao
ang magpahayag na siya ay ang
Cristo, siya ay dapat mapalayas mula
sa sinagoga.
23 Samakatuwid ay sinabi ng
kaniyang mga magulang, Siya ay
nasa hustong gulang na; tanungin
siya.
24 Sa gayon ay muling tinawag nila
ang taong naging bulag, at sinabi sa
kaniya, Ibigay sa Diyos ang
kapurihan: aming nalalaman na ang
taong ito ay isang makasalanan.
25 Siya ay sumagot at nagsabing,
Maging siya man ay isang
makasalanan o hindi, hindi ko
nalalaman: iisang bagay ang aking
nalalaman, na, yamang ako ay
nabulag, ngayon ako ay nakakakita.
26 Sa gayon ay sinabi nila sa kaniyang
muli, Ano ba ang ginawa niya sa iyo?
paano ba niya pinadilat ang iyong
mga mata?
27 Siya ay sumagot sa kanila, Aking
nasabi na sa inyo, at kayo ay hindi
nakinig: sa anong dahilan ba nais
ninyong marinig itong muli? kayo
rinba ay magiging kaniyang mga
disipulo?
28 Sa gayon ay kanilang inalipusta
siya, at sinabi, Ikaw ay kaniyang
disipulo; datapuwa't kami ay mga
disipulo ni Moises.
29 Aming nalalaman na ang Diyos
ay nagsalita kay Moises: samantalang
sa taong ito, ay hindi namin
nalalaman kung mula saan siya
galing.
30 Ang tao ay sumagot at sinabi sa
kanila, Bakit naririto ang isang
kagila-gilalas na bagay, na hindi
ninyo nalalaman kung mula saan
siya galing, at gayunman ay kaniyang
pinadilat ang aking mga mata.
31 Ngayon ay ating nalalaman na
ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga
makasalanan: datapuwa't kung ang
sinumang tao ay isang mananamba
ng Diyos, at ginagawa ang kaniyang
kalooban, siya ay kaniyang
pinakikinggan.
32 Mula nang ang sanlibutan ay
nagsimula ay hindi pa narinig na
ang sinumang tao ay nagpadilat ng
mga mata ng isa na isinilang na
bulag.
33 Kung ang taong ito ay hindi sa
Diyos, siya ay walang-anumang
magagawa.
34 Sila ay sumagot at sinabi sa kaniya,
Ikaw ay lubos na isinilang sa mga
kasalanan, at iyo bang tinuturuan
kami? At siya ay kanilang pinalayas.
35 Si Jesus ay narinig na siya ay
kanilang napalayas; at nang
kaniyang nasumpungan siya, ay
kaniyang sinabi sa kaniya, Ikaw ba
ay nananampalataya sa Anak ng
Diyos?
36 Siya ay sumagot at nagsabing,
Sino ba siya, Panginoon, upang ako
nawa ay manampalataya sa kaniya?
37 At si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Iyong kapuwa nakita na siya, at siya
itong nakikipag-usap sa iyo.
38 At kaniyang sinabi, Panginoon,
ako ay nananampalataya. At siya ay
kaniyang sinamba.
39 At si Jesus ay nagsabi, Sapagka't
sa paghatol ako ay dumating dito sa
sanlibutan, upang sila na hindi
nakakakita nawa ay makakita; at
upang sila na nakakakita nawa ay
maging mga bulag.
40 At ilan sa mga Fariseo na kasama
niya ay narinig ang mga salitang ito,
at sinabi sa kaniya, Kami ba ay mga
bulag din?
41 Si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Kung kayo ay mga bulag, kayo ay
dapat walang kasalanan: datapuwa't
ngayon ay inyong sinasabi, Kami ay
nakakakita; samakatuwid ang inyong
kasalanan ay nananatili.

KAPITULO 10

     KATOTOHANANG, katotohanan,
na aking sinasabi sa inyo, Siya na
hindi pumapasok sa pamamagitan
ng pintuan tungo sa kulungan ng
tupa, kundi umaakyat sa ibang
daanan, siya rin ay isang magnanakaw
at isang tulisan.
2 Datapuwa't siya na pumapasok sa
pamamagitan ng pintuan ay ang
pastol ng mga tupa.
3 Sa kaniya ang bantay-pinto ay
nagbubukas; at ang mga tupa ay
pinakikinggan ang kaniyang tinig:
at kaniyang tinatawag ang kaniyang
sariling mga tupa sa pangalan, at
inaakay sila sa labas.
4 At kapag kaniyang nailabas na ang
kaniyang sariling mga tupa, ay
kaniyang pinangungunahan sila, at
ang mga tupa ay sumusunod sa
kaniya: sapagka't kanilang nakikilala
ang kaniyang tinig.
5 At ang isang dayuhan ay hindi nila
susundin, kundi tatakas mula sa

kaniya: sapagka't hindi nila
nakikilala ang tinig ng mga dayuhan.
6 Ang parabolang ito ay sinalita ni
Jesus sa kanila: nguni't hindi nila
naunawaan kung anong mga bagay
ang mga ito na kaniyang sinalita sa
kanila.
7 Sa gayon ay sinabing muli ni Jesus
sa kanila, Katotohanang,
katotohanan, na aking sinasabi sa
inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa.
8 Lahat ng dumating na nauna sa
akin ay mga magnanakaw at mga
tulisan: datapuwa't ang mga tupa ay
hindi sila pinakinggan.
9 Ako ang pintuan: sa pamamagitan
ko kung ang sinumang tao ay
papasok, siya ay maliligtas, at
makapapasok at makalalabas, at
makasusumpong ng pastulan.
10 Ang magnanakaw ay hindi
dumarating, kundi upang
magnakaw, at pumatay, at
magwasak: ako ay dumating upang
sila nawa ay magkaroon ng buhay, at
upang kanila nawang makamtan ito
nang lalong masagana.
11 Ako ang mabuting pastol: ang
mabuting pastol ay ibinibigay ang
kaniyang buhay para sa mga tupa.
12 Datapuwa't siya na isang upahan,
at hindi ang pastol, na hindi pag-
aari ang mga tupa, ay nakikita ang
lobo na dumarating, at iniiwan ang
mga tupa, at tumatakas: at ang lobo
ay sinusunggaban sila, at akinakalat
ang mga tupa.
13 Ang upahan ay tumatakas, dahil
siya ay isang upahan, at hindi
nagmamalasakit para sa mga tupa.
14 Ako ang mabuting pastol, at
nakikilala ang aking mga tupa, at
nakikilala ng mga akin.
15 Kung paanong ang Ama ay
nakikilala ako, maging gayon din ay
nakikilala ko ang Ama: at aking
iniaalay ang aking buhay para sa
mga tupa.
16 At ibang mga tupa ay mayroon
ako, na hindi sa kulungang ito: sila
rin ay aking dapat dalhin, at sila ay
makikinig sa aking tinig; at
magkakaroon ng iisang kawan, at
iisang pastol.
17 Samakatuwid ang aking Ama ay
iniibig ako, dahil aking iniaalay ang
aking buhay, upang akin nawang
kunin itong muli.
18 Walang taong kumukuha nito
mula sa akin, kundi ako ang nag-
aalay nito mismo. Ako ay may
kapangyarihan upang ialay ito, at ako
ay may kapangyarihan upang kunin
itong muli. Ang kautusang ito ay
aking natanggap mula sa aking Ama.
19 Nagkaroon muli ng
pagkakabaha-bahagi samakatuwid sa
gitna ng mga Judio dahil sa mga
pananalitang ito.
20 At marami sa kanila ang
nagsabing, Siya ay mayroong
diyablo, at nauulol; bakit ba ninyo
siya pinakikinggan?
21 Ang mga iba ay nagsabing, Ang
mga ito ay hindi mga salita niya na
mayroong diyablo. Maaari ba na ang

Tingnan ang Pahina 58

30a
isang diyablo ay magpadilat ng mga
mata ng bulag?
22 At noon sa Jerusalem ay ang
kapistahan ng pagtatalaga, at noon
ay tagginaw.
23 At si Jesus ay naglakad sa templo
sa portiko ni Solomon.
24 Sa gayon ay dumating ang mga
Judio na pumalibot sa kaniya, at
nagsabi sa kaniya, Gaano katagal mo
pa ba kami pag-aalinlanganin? Kung
ikaw ang Cristo, sabihin sa amin
nang maliwanag.
25 Si Jesus ay sumagot sa kanila,
Aking sinabi na sa inyo, at kayo ay
hindi sumampalataya: ang mga gawa
na aking ginagawa sa pangalan ng
aking Ama, ang mga ito ay
nagpapatotoo sa akin.
26 Datapuwa't kayo ay hindi
sumasampalataya, dahil kayo ay
hindi sa aking mga tupa, gaya ng
aking sinabi sa inyo.
*27 Ang aking mga tupa ay nakikinig
sa aking tinig, at akin silang
nakikilala, at sila ay sumusunod sa
akin:
*28 At ako ay nagbibigay sa kanila
ng walang-hanggang buhay; at sila
ay hindi kailanman mapapahamak,
ni ang sinumang tao ay maaagaw
sila mula sa aking kamay.
*29 Ang aking Ama, na nagbigay sa
kanila sa akin, ay lalong dakila
kaysa sa lahat; at walang taong
makakayang agawin sila mula sa
kamay ng aking Ama.
*30 Ako at ang aking Ama ay iisa.

30b
31 Sa gayon ang mga Judio ay
kumuhang muli ng mga bato upang
batuhin siya.
32 Si Jesus ay sumagot sa kanila,
Maraming mabubuting mga gawa
ang aking naipakita sa inyo mula sa
aking Ama; dahil sa alin ba sa
mga gawang iyon ninyo binabato
ako?
33 Ang mga Judio ay sumagot sa
kaniya, na sinasabing, Hindi ka
namin binabato dahil sa isang
mabuting gawa; kundi dahil sa
paglapastangan; at dahil sa ikaw,
bilang isang tao, ay ginagawa ang
iyong sarili na Diyos.
34 Si Jesus ay sumagot sa kanila,
Hindi ba ito nasusulat sa inyong
batas, Aking sinabi, Kayo ay mga
diyos?
35 Kung kaniyang tinawag silang
mga diyos, na sa kanila ang salita ng
Diyos ay dumating, at ang kasulatan
ay hindi maaaring masira;
36 Sinasabi ba ninyo sa kaniya, na
ang Ama ay napaging-banal, at
isinugo sa sanlibutan, Ikaw ay
lumalapastangan; dahil aking
sinabing, Ako ang Anak ng Diyos?
37 Kung hindi ko ginagawa ang mga
gawa ng aking Ama, ay huwag akong
sampalatayanan.
38 Datapuwa't kung aking ginagawa,
bagama't kayo ay hindi
sumasampalataya sa akin, ay
sampalatayanan ang mga gawa:
upang inyo nawang malaman, at
sampalatayanan, na ang Ama ay nasa
akin, at ako ay nasa kaniya.
39 Samakatuwid ay kanilang
pinagsikapang muli na hulihin siya:
datapuwa't siya ay nakatakas mula
sa kanilang kamay,
40 At humayong muli sa kabila ng
Jordan sa lugar kung saan si Juan ay
unang nagbautismo; at doon siya ay
tumira.
41 At marami ang dumulog sa
kaniya, at nagsabing, Si Juan ay
hindi gumawa ng himala: datapuwa't
ang lahat ng mga bagay na sinabi ni
Juan sa taong ito ay totoo.
42 At marami ang sumampalataya
sa kaniya roon.

KAPITULO 11

  NGAYON isang di-kilalang tao ang
may-sakit, na nagngangalang
Lazaro, ng Betania, ang bayan ni
Maria at ng kaniyang kapatid na si
Marta.
2 (Siya ay yaong Maria na nagpahid
sa Panginoon ng ungguwento, at
nagpunas sa kaniyang mga paa ng
kaniyang buhok, na ang kaniyang
kapatid na si Lazaro ay may-sakit.)
3 Samakatuwid ang kaniyang mga
babaeng kapatid ay nagpasugo sa
kaniya, sinasabing, Panginoon,
masdan, siya na iyong iniibig ay
may-sakit.
4 Nang si Jesus ay narinig iyon, ay
kaniyang sinabi, Ang sakit na ito ay
hindi sa ikamamatay, kundi para sa

kaluwalhatian ng Diyos, upang ang
Anak ng Diyos nawa ay maluwalhati
sa pamamagitan nito.
5 Ngayon si Jesus ay inibig si Marta,
at ang kaniyang babaeng kapatid, at
si Lazaro.
6 Nang kaniyang narinig
samakatuwid na siya ay may-sakit,
siya ay tumigil ng dalawang araw pa
sa gayon ding lugar kung saan siya
naroon.
7 Sa gayon pagkatapos noon ay
sinabi niya sa kaniyang mga disipulo,
Tayo nang magpuntang muli sa
Judea.
8 Ang kaniyang mga disipulo ay
nagsabi sa kaniya, Guro, ang mga
Judio nitong huli ay nagsumikap na
batuhin ka; at pupunta ka ba doong
muli?
9 Si Jesus ay sumagot, Hindi ba
mayroong labindalawang oras sa
isang araw? Kung ang sinumang tao
ay lumalakad sa araw, siya ay hindi
napapatid, dahil kaniyang nakikita
ang liwanag ng sanlibutang ito.
10 Datapuwa't kung ang isang tao ay
lumalakad sa gabi, siya ay napapatid,
dahil walang liwanag sa kaniya.
11 Ang mga bagay na ito ay sinabi
niya: at pagkatapos noon ay kaniyang
sinabi sa kanila, Ang ating kaibigang
si Lazaro ay natutulog; datapuwa't
ako ay aalis, upang siya ay aking
magising mula sa pagtulog.
12 Sa gayon ay sinabi ng kaniyang
mga disipulo, Panginoon, kung siya
ay natutulog, siya ay gagaling.
13 Datapuwa't si Jesus ay nagsalita
tungkol sa kaniyang kamatayan:
nguni't sila ay nag-akala na siya ay
nagsalita tungkol sa pamamahinga
sa pagtulog.
14 Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa
kanila nang maliwanag, Si Lazaro
ay patay na.
15 At ako ay natutuwa alang-alang
sa inyo na ako ay wala roon, sa
dahilang upang kayo nawa ay
manampalataya; gayon pa man tayo
ay magpunta sa kaniya.
16 Sa gayon ay sinabi ni Tomas, na
tinatawag na Didimo, sa kaniyang
mga kapuwa-disipulo, Tayo rin ay
magpunta, upang tayo nawa ay
mamatay na kasama niya.
17 Sa gayon nang si Jesus ay
dumating, ay kaniyang
nasumpungan na siya ay naihimlay
na sa libingan ng apat na araw na.
18 Ngayon ang Betania ay malapit sa
Jerusalem, halos labinlimang estadio
ang layo:
19 At marami sa mga Judio ang
lumapit kay Marta at Maria, upang
aliwan sila patungkol sa kanilang
lalaking kapatid.
20 Sa gayon si Marta, sa sandaling
kaniyang narinig na si Jesus ay
dumarating, ay humayo at sinalubong
siya: datapuwa't si Maria ay nakaupo
pa sa bahay.
21 Sa gayon ay sinabi ni Marta kay
Jesus, Panginoon, kung ikaw ay
narito sana, ang aking lalaking
kapatid ay hindi namatay.
22 Nguni't aking nalalaman, na
maging ngayon, anuman ang iyong
hihingin sa Diyos, ang Diyos ay
ipagkakaloob ito sa iyo.
23 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya, Ang
iyong lalaking kapatid ay babangong
muli.
24 Si Marta ay nagsabi sa kaniya,
Aking nalalaman na siya ay
babangong muli sa pagkabuhay na
muli sa huling araw.
25 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya, Ako
ang pagkabuhay na muli, at ang
buhay: siya na nananampalataya sa
akin, bagama't siya ay patay na,
gayunman siya ay mabubuhay:
26 At sinuman ang nabubuhay at
nananampalataya sa akin ay hindi
kailanman mamamatay.
Sinasampalatayanan mo ba ito?
27 Siya ay nagsabi sa kaniya, Oo,
Panginoon: ako ay sumasampalataya
na ikaw ay ang Cristo, ang Anak ng
Diyos, na dapat darating sa
sanlibutan.
28 At nang siya ay nakapagsabi ng
gayon, siya ay humayo sa kaniyang
daan, at tinawag si Maria na kaniyang
kapatid nang palihim, na sinasabing,
Ang Guro ay dumating, at tumatawag
sa iyo.
29 Sa sandaling kaniyang narinig
iyon, siya ay tumindig nang mabilis,
at lumapit sa kaniya.
30 Ngayon si Jesus ay hindi pa
nakararating sa bayan, kundi nasa
lugar na iyon kung saan si Marta ay
sumalubong sa kaniya.
31 Ang mga Judio sa gayon na
kasama niya sa bahay, at umaliw sa
kaniya, nang kanilang nakita si
Maria, na siya ay mabilis na tumindig
at lumabas, ay sinundan siya, na
sinasabing, Siya ay pupunta sa
libingan upang manangis doon.
32 Sa gayon nang si Maria ay
dumating kung saan si Jesus ay
naroon, at nakita siya, siya ay
nagpatirapa sa kaniyang paanan, na
sinasabi sa kaniya, Panginoon, kung
ikaw sana ay narito, ang aking
lalaking kapatid ay hindi namatay.
33 Nang samakatuwid ay nakita siya
ni Jesus na nananangis, at ang mga
Judio rin ay nananangis na dumating
na kasama niya, siya ay dumaing sa
espiritu, at nabagabag,
34 At sinabing, Saan ba ninyo siya
naihimlay? Kanilang sinabi sa
kaniya, Panginoon, halika at tingnan.
35 Si Jesus ay nanangis.
36 Sa gayon ay sinabi ng mga Judio,
Masdan kung gaano niya inibig
siya!
37 At ang ilan sa kanila ay nagsabing,
Hindi ba ang taong ito, na nagpadilat
ng mga mata ng bulag, ay magagawa
na maging ang lalaking ito ay hindi
dapat namatay?
38 Si Jesus samakatuwid sa muling
pagdaing sa kaniyang sarili ay
lumapit sa libingan. Ito ay isang
yungib, at isang bato ang nakalagay
sa ibabaw nito.
39 Si Jesus ay nagsabi, Alisin ninyo
ang bato. Si Marta, na kapatid
niyaong namatay, ay nagsabi sa
kaniya, Panginoon, sa panahong ito
siya ay nangangamoy na: sapagka't
siya ay namatay na nang apat na
araw.
40 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Hindi ba sinabi ko sa iyo, na, kung
ikaw ay mananampalataya, ay iyong
dapat makikita ang kaluwalhatian
ng Diyos?
41 Sa gayon ay kanilang inalis ang
bato mula sa lugar na kung saan ang
patay ay inihimlay. At itiningin ni
Jesus sa itaas ang kaniyang mga
mata, at nagsabi, Ama, aking
pinasasalamatan ka na ikaw ay
duminig sa akin.
42 At aking nalaman na iyong
pinakikinggan akong palagi:
datapuwa't dahil sa mga tao na
nakatayong palibot ay aking sinabi
ito, upang sila nawa ay
manampalataya na iyong naisugo
ako.
43 At nang siya ay gayong
nakapagsalita, siya ay sumigaw ng
may malakas na tinig, Lazaro,
lumabas ka.
44 At siya na namatay ay lumabas,
na natatalian ang kamay at paa ng
mga damit-panglibing: at ang
kaniyang mukha ay nababalot ng
isang panyo. Si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Kalagan siya, at hayaan
siyang umalis.
45 Sa gayon marami sa mga Judio na
lumapit kay Maria, at nakita ang
mga bagay na ginawa ni Jesus, ay
nanampalataya sa kaniya.
46 Datapuwa't ang ilan sa kanila ay
humayo sa kanilang mga daan tungo
sa mga Fariseo, at sinabi sa kanila
kung anong mga bagay ang nagawa
ni Jesus.
47 Sa gayon ay nagpulong ang mga
punong saserdote at mga Fariseo ng
isang sanggunian, at sinabing, Ano
ba ang ginagawa natin? sapagka't
ang taong ito ay gumagawa ng
maraming mga himala.
48 Kung ating hahayaan siya nang
gayon na mag-isa, lahat ng mga tao
ay mananampalataya sa kaniya: at
ang mga taga-Roma ay darating at
kukuning kapuwa ang ating lugar at
bansa.
49 At isa sa kanila, na nagngangalang
Caifas, bilang mataas na saserdote
nang taon ding iyon, ay nagsabi sa
kanila, Kayo ay walang-anumang
nalalaman,
50 Ni hindi isinasaalang-alang na ito
ay kapaki-pakinabang para sa atin,
na isang tao ay dapat mamatay para
sa mga tao, at upang ang buong
bansa ay hindi mapahamak.
51 At ito ay sinalita niya hindi para
sa kaniyang sarili: kundi bilang
mataas na saserdote nang taong iyon,
ay kaniyang hinulaan na si Jesus ay
dapat mamatay para sa bansang iyon;
52 At hindi para sa bansang iyon
lamang, kundi upang kaniya ring
dapat matipong sama-sama na iisa
ang mga anak ng Diyos na nakakalat
sa ibayo.
53 Sa gayon mula sa araw na iyon
sila ay nagsangguniang sama- sama
upang siya ay ipapatay.
54 Si Jesus samakatuwid ay hindi na
lumakad pa nang hayag sa gitna ng
mga Judio; kundi nagpunta doon sa
isang bayang malapit sa ilang, sa
isang lungsod na tinatawag na
Efraim, at doon ay nanatiling kasama
ang kaniyang mga disipulo.
55 At ang paglampas ng mga Judio
ay malapit na: at marami ang lumabas
ng bayan paakyat sa Jerusalem bago
ang paglampas, upang linisin ang
kanilang sarili.
56 Sa gayon ay naghanap sila kay
Jesus, at nag-usap sa gitna ng
kanilang sarili, habang sila ay
nakatayo sa templo, Ano ba ang
iniisip ninyo; na siya ay hindi darating
sa kapistahan?
57 Ngayon ay kapuwa ang punong
mga saserdote at ang mga Fariseo
ang nagbigay ng isang kautusan, na,
kung ang sinumang tao ang
nakaalam kung saan siya naroon, ay
kaniyang dapat ipakita ito, upang
kanila nawang hulihin siya.

KAPITULO 12

    SA gayon si Jesus anim na araw
bago ang paglampas ay dumating sa
Betania, kung saan si Lazaro ay
naroon na namatay, na siyang
kaniyang ibinangon mula sa mga
patay.

2 Doon ay kanilang iginawa siya ng
isang hapunan; at si Marta ay
naglingkod: datapuwa't si Lazaro ay
isa sa kanila na nakaupo sa pagkain
na kasalo niya.
3 Sa gayon ay kumuha si Maria ng
isang libra ng ungguwento ng nardo,
na lubhang mamahalin, at pinahiran
ang mga paa ni Jesus, at pinunasan
ang kaniyang mga paa ng kaniyang
buhok: at ang bahay ay napuno ng
amoy ng ungguwento.
4 Sa gayon ay sinabi ng isa sa
kaniyang mga disipulo, si Judas
Iscariote, na anak ni Simon, na siyang
dapat magkanulo sa kaniya,
5 Bakit ba ang ungguwentong ito ay
hindi ipinagbili sa tatlong daang
denario, at ibinigay sa mga
mahihirap?
6 Ito ay kaniyang sinabi, hindi dahil
sa siya ay nagmamalasakit para sa
mga mahihirap; kundi dahil sa siya
ay isang magnanakaw, at taglay ang
supot, at kinukuha kung ano ang
nailagay doon.
7 Sa gayon ay sinabi ni Jesus, Hayaan
siyang mag-isa: hanggang sa araw
ng aking paglilibing ay kaniyang
nailaan ito.
8 Sapagka't ang mga mahihirap ay
palaging nakakasama ninyo;
datapuwa't ako ay inyong hindi
makakasamang palagi.
9 Maraming mga tao sa mga Judio
samakatuwid ay nalaman na siya ay
naroon: at sila ay dumating hindi
alang-alang para kay Jesus lamang,
kundi upang kanila nawang makita
si Lazaro rin, na siyang kaniyang
naibangon mula sa mga patay.
10 Datapuwa't ang punong mga
saserdote ay nagsanggunian upang
kanila nawang maipapatay din si
Lazaro;
11 Sapagka't dahil sa kaniya ay
marami sa mga Judio ang umalis, at
nanampalataya kay Jesus.
12 Nang sumunod na araw ay
maraming mga tao ang dumating sa
kapistahan, nang kanilang narinig
na si Jesus ay dumarating sa Jerusa-
lem,
13 Ay kumuha ng mga sanga ng mga
puno ng palma, at lumabas upang
salubungin siya, at sumigaw ng,
Hosanna: Mapalad ang Hari ng Is-
rael na dumarating sa pangalan ng
Panginoon.
14 At si Jesus, nang kaniyang
nasumpungan ang isang batang asno,
ay sumakay dito; gaya ng ito ay
nasusulat,
15 Huwag matakot, babaeng anak
ng Sion: masdan, ang iyong Hari ay
dumarating, na nakasakay sa isang
bisiro ng asno.
16 Ang mga bagay na ito ay hindi
naunawaan ng kaniyang mga
disipulo nang una: datapuwa't nang
si Jesus ay naluwalhati, sa gayon ay
naalala nila na ang mga bagay na ito
ay isinulat tungkol sa kaniya, at kaya
kanilang nagawa ang mga bagay na
ito sa kaniya.
17 Ang mga tao samakatuwid na
kasama niya nang kaniyang tawagin
si Lazaro palabas sa kaniyang
libingan, at ibinangon siya mula sa
mga patay, ang nagpatotoo.
18 Sapagka't sa kadahilanang ito
ang mga tao rin ay sumalubong sa
kaniya, dahil sa kanilang narinig na
kaniyang nagawa ang himalang ito.
19 Ang mga Fariseo samakatuwid
ay nagsabi sa gitna ng kanilang mga
sarili, Nakikita ba ninyo kung
paanong kayo ay walang-anumang
ikapanaig? masdan, ang sanlibutan
ay sumunod sa kaniya.
20 At mayroong ilang mga Griyego
sa gitna nila na umakyat upang
sumamba sa kapistahan:
21 Sila rin samakatuwid ay lumapit
kay Felipe, na mula sa Betsaida ng
Galilea, at namanhik sa kaniya, na
sinasabing, Ginoo, aming nais na
makita si Jesus.
22 Si Felipe ay lumapit at nagsabi
kay Andres: at muli si Andres at si
Felipe ay nagsabi kay Jesus.
23 At si Jesus ay sumagot sa kanila,
na sinasabing, Ang oras ay dumating,
na ang Anak ng tao ay dapat
maluwalhati.
24 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Maliban na
ang isang butil ng trigo ay mahulog
sa lupa at mamatay, ito ay
nananatiling mag-isa: datapuwa't
kung ito ay mamatay, ito ay
nagbubunga ng maraming bunga.
25 Siya na umiibig sa kaniyang
buhay ay maiwawala ito; at siya na
namumuhi sa kaniyang buhay sa
sanlibutang ito ay maiingatan ito sa
buhay na walang-hanggan.
26 Kung ang sinumang tao ay
maglingkod sa akin, hayaan siyang
sumunod sa akin; at kung nasaan
ako, ay doon din paroroon ang aking
lingkod: kung ang sinumang tao ay
maglingkod sa akin, siya ay
pararangalan ng aking Ama.
27 Ngayon ang aking kaluluwa ay
nababagabag; at ano ba ang aking
sasabihin? Ama, iligtas ako mula sa
oras na ito: datapuwa't para sa
kadahilanang ito ay dumating ako sa
oras na ito.
28 Ama, luwalhatiin ang iyong
pangalan. Sa gayon ay dumating
doon ang isang tinig mula sa langit,
na nagsasabing, Aking kapuwa
naluwalhati ito, at luluwalhatiin itong
muli.
29 Ang mga tao samakatuwid, na
nakatayo, at nakarinig nito, ay
nagsabi na kumulog: ang mga iba ay
nagsabing, Isang anghel ang nakipag-
usap sa kaniya.
30 Si Jesus ay sumagot at nagsabing,
Ang tinig na ito ay dumating hindi
dahil sa akin, kundi alang-alang sa
inyo.
31 Ngayon ay ang paghatol sa
sanlibutang ito: ngayon ang prinsipe
ng sanlibutang ito ay mapalalayas.
32 At ako, kung ako ay maitaas mula
sa lupa, ay palalapitin ang lahat ng
mga tao sa akin.
33 Ito ay kaniyang sinabi, na
ipinahihiwatig kung anong
kamatayan ang kaniyang dapat
ikamatay.
34 Ang mga tao ay sumagot sa
kaniya, Aming narinig na mula sa
batas na ang Cristo ay mananatili
magpakailan man: at paano bang
sinasabi mo na, Ang Anak ng tao ay
dapat maitaas? sino ba itong Anak
ng tao?
35 Sa gayon si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Kaunting panahon pa na ang
liwanag ay makakasama ninyo.
Lumakad habang inyong taglay ang
liwanag, baka ang kadiliman ay
dumating sa inyo: sapagka't siya na
lumalakad sa kadiliman ay hindi
nalalaman kung saan siya
pumupunta.
36 Habang inyong taglay ang
liwanag, manampalataya sa liwanag,
upang kayo nawa ay maging mga
anak ng liwanag. Ang mga bagay na
ito ay sinalita ni Jesus, at lumisan, at
itinago ang kaniyang sarili mula sa
kanila.
37 Datapuwa't bagaman siya ay
nakagawa ng gayon karaming mga
himala sa harap nila, gayunman sila
ay hindi nanampalataya sa kaniya:
38 Upang ang pananalita ni Isaias
na propeta nawa ay matupad, na
kaniyang sinalita, Panginoon, sino
ba ang nanampalataya sa aming
ulat? at kanino ba nahayag ang bisig
ng Panginoon?
39 Samakatuwid sila ay hindi
makapanampalataya, dahil sa si
Isaias ay nagsabing muli,
40 Kaniyang nabulag ang kanilang
mga mata, at napatigas ang kanilang
puso; upang sila ay hindi dapat
makakita sa kanilang mga mata, ni
makaunawa sa kanilang puso, at
magpanumbalik, at aking dapat
pagalingin sila.
41 Ang mga bagay na ito ay sinabi ni
Isaias, nang kaniyang nakita ang
kaniyang kaluwalhatian, at nakipag-
usap sa kaniya.
42 Gayunman sa gitna ng
pangunahing mga pinuno rin ay
marami ang nanampalataya sa
kaniya; datapuwa't dahil sa mga
Fariseo ay hindi nila siya ipinahayag,
baka sila ay dapat mapalayas mula sa
sinagoga:
43 Sapagka't kanilang inibig ang
papuri ng mga tao nang higit kaysa
sa papuri ng Diyos.
44 Si Jesus ay sumigaw at sinabing,
Siya na nananampalataya sa akin, ay
hindi nananampalataya sa akin, kundi
sa kaniya na nagsugo sa akin.
45 At siya na nakakakita sa akin ay
nakakakita sa kaniya na nagsugo sa
akin.
46 Ako ay dumating na isang liwanag
sa sanlibutan, upang sinuman ang
manampalataya sa akin ay hindi dapat
manatili sa kadiliman.
47 At kung ang sinumang tao ay
marinig ang aking mga salita, at
hindi manampalataya, ay hindi ko
siya hinahatulan: sapagka't ako ay
dumating hindi upang hatulan ang
sanlibutan, kundi upang iligtas ang
sanlibutan.
48 Siya na nagtatakuwil sa akin, at
hindi tinatanggap ang aking mga
salita, ay may isa na humahatol sa
kaniya: ang salita na aking nasabi,
ito rin ang hahatol sa kaniya sa
huling araw.
49 Sapagka't ako ay hindi nagsalita
sa aking sarili; kundi ang Ama na
nagsugo sa akin, siya ang nagbigay
sa akin ng isang kautusan, kung ano
ang aking dapat sabihin, at kung ano
ang aking dapat salitain.
50 At aking nalalaman na ang
kaniyang kautusan ay buhay na
walang-hanggan: anuman ang aking
salitain samakatuwid, maging gaya
ng sinabi ng Ama sa akin, ay gayon
ko sinasalita.

KAPITULO 13

   NGAYON bago ang kapistahan ng
paglampas, nang nalaman ni Jesus
na ang kaniyang oras ay dumating na
upang siya ay dapat lumisan mula sa
sanlibutang ito tungo sa Ama, na
inibig ang sariling kaniya na mga
nasa sanlibutan, ay kaniyang inibig
sila hanggang sa katapusan.
2 At sa hapunan na patapos na, ang
diyablo na ngayon ay nailagay sa
puso ni Judas Iscariote, na anak ni
Simon, na ipagkanulo siya;
3 Si Jesus ay nalalaman na ang Ama
ay naibigay ang lahat ng mga bagay

sa kaniyang mga kamay, at gayong
siya ay nagbuhat mula sa Diyos, at
nagpunta sa Diyos;
4 Siya ay tumindig mula sa hapunan,
at inilagay sa tabi ang kaniyang mga
kasuutan; at kumuha ng isang
tuwalya, at binigkis ang kaniyang
sarili.
5 Pagkatapos noon siya ay nagbuhos
ng tubig sa isang palanggana, at
nagsimulang hugasan ang mga paa
ng mga disipulo, at punasan ang
mga ito ng tuwalya na kaniyang
ibinigkis.
6 Sa gayon ay lumapit siya kay Simon
Pedro: at si Pedro ay nagsabi sa
kaniya, Panginoon, iyo bang
huhugasan ang aking mga paa?
7 Si Jesus ay sumagot at nagsabi sa
kaniya, Kung ano ang aking ginagawa
ay hindi mo nauunawaan ngayon;
datapuwa't iyong malalaman
pagkatapos nito.
8 Si Pedro ay nagsabi sa kaniya,
Hindi mo kailan man huhugasan
ang aking mga paa. Si Jesus ay
sumagot sa kaniya, Kung hindi kita
huhugasan, ikaw ay walang bahagi
sa akin.
9 Si Simon Pedro ay nagsabi sa kaniya,
Panginoon, huwag ang aking mga
paa lamang, kundi gayon din ang
aking mga kamay at aking ulo.
10 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya, Siya
na napaliguan ay hindi na kailangan
maliban upang hugasan ang kaniyang
mga paa, dahil malinis na ang bawa't
bahagi: at kayo ay malilinis, nguni't
hindi lahat.
11 Sapagka't kaniyang nalaman kung
sino ang dapat magkanulo sa kaniya;
samakatuwid sinabi niya, Kayo ay
hindi lahat malinis.
12 Kaya pagkatapos na kaniyang
nahugasan ang kanilang mga paa, at
nakuha ang kaniyang mga kasuutan,
at naupong muli, ay kaniyang sinabi
sa kanila, Nalalaman ba ninyo kung
ano ang aking ginawa sa inyo?
13 Inyo akong tinatawag na Guro at
Panginoon: at kayo ay nagsasabi
nang mabuti; sapagka't gayon nga
ako.
14 Kung ako samakatuwid, na inyong
Panginoon at Guro, ay nahugasan
ang inyong mga paa; kayo rin ay
nararapat na hugasan ang mga paa
ng isa't isa.
15 Sapagka't nabigyan ko kayo ng
isang halimbawa, na inyong dapat
gawin gaya ng aking nagawa sa inyo.
16 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Ang lingkod
ay hindi higit na dakila kaysa sa
kaniyang panginoon; ni hindi siya
na isinugo ay higit na dakila kaysa sa
kaniya na nagsugo sa kaniya.
17 Kung inyong nalalaman ang mga
bagay na ito, mapalad kayo kung
inyong ginagawa ang mga ito.
18 Ako ay hindi nagsasalita sa
inyong lahat: nalalaman ko kung
sino ang aking napili: datapuwa't
upang ang kasulatan nawa ay
matupad, Siya na kumakain ng
tinapay na kasalo ko ay nagtaas ng
kaniyang sakong laban sa akin.
19 Ngayon ay aking sinasabi sa inyo
bago ito dumating, upang, kapag ito
ay nangyari na, kayo nawa ay
mananampalataya na ako nga siya.
20 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Siya na
tumatanggap sa sinumang aking
isugo ay tumatanggap sa akin; at
siya na tumatanggap sa akin ay
tumatanggap sa kaniya na nagsugo
sa akin.
21 Nang si Jesus ay nasabi ang gayon,
siya ay nabagabag sa espiritu, at
nagpatotoo, at nagsabing,
Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, na isa sa inyo
ang magkakanulo sa akin.
22 Sa gayon ang mga disipulo ay
nagtinginan sa isa't isa, na nag-
aalinlangan kung sino ang kaniyang
tinutukoy.
23 Ngayon ay nagkaroon ng paghilig
sa dibdib ni Jesus ang isa sa kaniyang
mga disipulo, na siyang inibig ni
Jesus.
24 Si Simon Pedro samakatuwid ay
humudyat sa kaniya, upang kaniyang
dapat itanong kung sino ba ito na
siyang kaniyang tinutukoy.
25 Siya kung gayon na nakahilig sa
dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Panginoon, sino ba siya?
26 Si Jesus ay sumagot, Siya ay ito,
na siyang aking bibigyan ng isang
tinapay na isinawsaw, kapag aking
naisawsaw ito. At nang kaniyang
naisawsaw ang tinapay, ay kaniyang
ibinigay ito kay Judas Iscariote, na
anak ni Simon.
27 At pagkatapos ng tinapay na
isinawsaw si Satanas ay pumasok sa
kaniya. Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa
kaniya, Yaong iyong ginagawa, ay
gawin nang madali.
28 Ngayon walang tao sa dulang ang
nakaalam para sa kung anong layunin
niya sinalita ito sa kaniya.
29 Sapagka't ang ilan sa kanila ay
nag-isip na, dahil si Judas ay taglay
ang supot, kaya si Jesus ay nasabi sa
kaniya, Bilhin yaong mga bagay na
ating kakailanganin hanggang sa
kapistahan; o, upang siya ay dapat
magbigay ng kaunting bagay sa mga
mahihirap.
30 Siya kung gayon na nakatanggap
sa tinapay na isinawsaw ay lumisan
agad-agad: at noon ay gabi na.
31 Samakatuwid, nang siya ay
nakaalis na, si Jesus ay nagsabi,
Ngayon ang Anak ng tao ay
maluluwalhati, at ang Diyos ay
naluluwalhati sa kaniya.
32 Kung ang Diyos ay maluluwalhati
sa kaniya, ang Diyos din ay
luluwalhatiin siya sa kaniyang sarili,
at pagdaka ay luluwalhatiin siya.
33 Maliliit na mga anak, kaunting
panahon pa akong makakasama
ninyo. Inyong hahanapin ako: at gaya
ng aking sinabi sa mga Judio, Kung
saan ako pupunta, kayo ay hindi
makararating; kaya ngayon ay aking
sinasabi sa inyo.
34 Isang bagong kautusan ang aking
ibinibigay sa inyo, Na inyong ibigin
ang isa't isa; kung paanong inibig ko
kayo, ay gayon din ninyo ibigin ang
isa't isa.
35 Sa pamamagitan nito ang lahat ng
mga tao ay makikilala na kayo ay
aking mga disipulo, kung kayo ay
may pag-ibig sa isa't isa.
36 Si Simon Pedro ay nagsabi sa
kaniya, Panginoon, saan ka ba
pupunta? Si Jesus ay sumagot sa
kaniya, Kung saan ako pupunta, ikaw
ay hindi maaaring sumunod sa akin
ngayon; subali't ikaw ay susunod sa
akin pagkatapos.
37 Si Pedro ay nagsabi sa kaniya,
Panginoon, bakit ba hindi ako
maaaring sumunod sa iyo ngayon?
Aking iaalay ang aking buhay alang-
alang sa iyo.
38 Si Jesus ay sumagot sa kaniya, Iyo
bang iaalay ang iyong buhay alang-
alang sa akin? Katotohanang,
katotohanan, na aking sinasabi sa
iyo, Ang tandang ay hindi titilaok,
hanggang naitatuwa mo ako nang
tatlong ulit.

KAPITULO 14

   HUWAG hayaan ang inyong puso
na mabagabag: kayo ay
manampalataya sa Diyos,
manampalataya rin sa akin.
2 Sa tahanan ng aking Ama ay
maraming mga mansion: kung ito ay
hindi gayon, ay aking nasabi na sana

sa inyo. Ako ay paroroon upang
maghanda ng isang lugar para sa
inyo.
3 At kung ako ay pumaroon at
makapaghanda ng isang lugar para
sa inyo, ako ay babalik na muli, at
tatanggapin kayo sa aking sarili;
upang kung saan ako naroroon, ay
dumoon din nawa kayo.
4 At kung saan ako paroroon ay
inyong alam, at ang daan ay inyong
alam.
5 Si Tomas ay nagsabi sa kaniya,
Panginoon, hindi namin nalalaman
kung saan ka paroroon; at paano ba
namin malalaman ang daan?
6 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya, Ako
ang daan, ang katotohanan, at ang
buhay: walang taong makalalapit sa
Ama, kundi sa pamamagitan ko.
7 Kung kayo ay nakakilala sa akin,
ay inyong dapat nakilala ang aking
Ama rin: at mula ngayon ay
inyong nakikilala siya, at nakita na
siya.
8 Si Felipe ay nagsabi sa kaniya,
Panginoon, ipakita sa amin ang
Ama, at ito ay sapat na sa amin.
9 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Hindi ba ako ay matagal nang
panahong kasama ninyo, at
gayunman ay hindi mo pa ako
nakilala, Felipe? siya na nakakita sa
akin ay nakakita na sa Ama; at
paanong sinasabi mo kung gayon,
Ipakita sa amin ang Ama?
10 Hindi mo ba sinasampalatayanan
na ako ay nasa Ama, at ang Ama ay
nasa akin? ang mga salita na aking
sinalita sa iyo ay hindi ko sinalita sa
aking sarili: kundi ang Ama na
nananahan sa akin, siya ang
gumagawa ng mga gawa.
11 Sumampalataya sa akin na ako ay
nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin:
o kung hindi ay sumampalataya sa
akin alang-alang sa mismong mga
gawa.
12 Katotohanang, katotohanan,
na aking sinasabi sa iyo, Siya na
sumasampalataya sa akin, ang mga
gawa na aking ginagawa ay
kaniyang gagawin din; at higit na
dakilang mga gawa kaysa sa mga
ito ang kaniyang gagawin; dahil
ako ay paroroon sa aking Ama.
13 At anuman ang inyong hihingin
sa aking pangalan, iyon ay aking
gagawin, upang ang Ama nawa ay
maluwalhati sa Anak.
14 Kung kayo ay hihingi ng anumang
bagay sa aking pangalan, ay aking
gagawin ito.
15 Kung kayo ay umiibig sa akin,
ay tuparin ang aking mga kautusan.
16 At ako ay mananalangin sa Ama,
at kaniyang ibibigay sa inyo ang
ibang Mang-aaliw, upang siya nawa
ay mananatiling kasama ninyo
magpakailan man;
17 Maging ang Espiritu ng
katotohanan; na ang sanlibutan ay
hindi matatanggap, dahil ito ay hindi
siya nakikita, ni nakikilala siya:
datapuwa't inyong nakikilala siya;
sapagka't siya ay nananahan sa inyo,
at sasainyo.
18 Hindi ko kayo iiwanang walang-
kaaliwan: ako ay darating sa inyo.
19 Gayunman kaunti pang panahon,
at ang sanlibutan ay hindi na ako
makikita; nguni't inyong nakikita
ako: dahil ako ay nabubuhay, kayo
ay mabubuhay din.
20 At sa araw na iyon kayo ay
makakikilala na ako ay nasa aking
Ama, at kayo ay nasa akin, at ako ay
nasa inyo.
21 Siya na taglay ang aking mga
kautusan, at tinutupad ang mga ito,
ay siya ito na umiibig sa akin: at siya
na umiibig sa akin ay iibigin ng
aking Ama, at aking iibigin siya, at
ipahahayag ang aking sarili sa
kaniya.
22 Si Judas ay nagsabi sa kaniya,
hindi si Iscariote, Panginoon, paano
ba ito na ikaw ay magpahahayag ng
iyong sarili sa amin, at hindi sa
sanlibutan?
23 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa
kaniya, Kung ang isang tao ay umiibig
sa akin, ay kaniyang tutuparin ang
aking mga salita: at ang aking Ama
ay iibigin siya, at kami ay darating sa
kaniya, at gagawa kami ng aming
tirahan sa kaniya.
24 Siya na hindi umiibig sa akin ay
hindi tumutupad sa aking mga
pananalita: at ang salita na inyong
naririnig ay hindi sa akin, kundi sa
Ama na nagsugo sa akin.
25 Ang mga bagay na ito ay aking
nasabi sa inyo, samantalang kapiling
pa ninyo.
26 Datapuwa't ang Mang-aaliw, na
siya ay ang Espiritung Banal, na ang
Ama ay isusugo sa aking pangalan,
siya ang magtuturo sa inyo ng lahat
ng mga bagay, at magdadala ng
lahat ng mga bagay sa inyong
gunita, anuman ang aking nasabi sa
inyo.
27 Kapayapaan ang aking iiwan sa
inyo, ang aking kapayapaan ay aking
ibinibigay sa inyo: hindi gaya ng
ibinibigay ng sanlibutan, ang
ibinibigay ko sa inyo. Huwag hayaan
ang inyong puso ay mabagabag, ni
hayaang ito ay matakot.
28 Inyong narinig kung paanong
aking sinabi sa inyo, Ako ay aalis, at
darating muli sa inyo. Kung
inyong inibig ako, kayo ay
magagalak, dahil aking sinabi, Ako
ay paroroon sa Ama: sapagka't ang
aking Ama ay higit na dakila kaysa
sa akin.
29 At ngayon ay aking nasabi sa inyo
bago ito mangyari, upang, kapag ito
ay nangyari na, kayo nawa ay
mananampalataya.
30 Pagkatapos nito ako ay hindi na
magsasalita pa nang labis sa inyo:
sapagka't ang prinsipe ng sanlibutang
ito ay dumarating, at siya ay walang
anuman sa akin.
31 Datapuwa't upang ang sanlibutan
nawa ay malaman na aking iniibig
ang Ama; at kung paanong ang Ama
ay nagbigay sa akin ng kautusan, ay
maging gayon din ang aking
ginagawa. Tumindig, tayo ay umalis
mula rito.

KAPITULO 15

  AKO ang tunay na puno ng ubas, at
ang aking Ama ay ang magsasaka.
2 Bawa't sanga sa akin na hindi
nagbubunga ay kaniyang inaalis: at
bawa't sanga na nagbubunga, ay
kaniyang nililinis ito, upang ito
nawa ay magbunga ng mas maraming
bunga.
3 Ngayon kayo ay malinis sa
pamamagitan ng salita na aking
nasabi sa inyo.
4 Manatili sa akin, at ako sa inyo.
Kung paanong ang sanga ay hindi
maaaring magbunga sa kaniyang
sarili, maliban na ito ay manatili sa
puno ng ubas; ay hindi rin kayo
maaari, maliban na kayo ay manatili
sa akin.
5 Ako ang puno ng ubas, kayo ay ang
mga sanga: Siya na nananatili sa
akin, at ako sa kaniya, ay siya rin ang
nagbubunga ng maraming bunga:
sapagka't kung hiwalay sa akin kayo
ay walang- anumang magagawa.
6 Kung ang isang tao ay hindi
nananatili sa akin, siya ay itinatapon
gaya ng isang sanga, at nalalanta; at
ang mga tao ay tinitipon ang mga
ito, at itinatapon ang mga ito sa apoy,
at ang mga ito ay sinusunog.
7 Kung kayo ay nananatili sa akin,
at ang aking mga salita ay nananatili
sa inyo, kayo ay hihingi ng anumang

inyong nais, at ito ay mangyayari sa
inyo.
8 Sa ganito ang aking Ama ay
naluluwalhati, na kayo ay magbunga
ng maraming bunga; sa gayon kayo
ay magiging aking mga disipulo.
9 Gaya ng Ama na umibig sa akin,
sa gayon ay aking inibig kayo:
magpatuloy kayo sa aking pag-ibig.
10 Kung inyong tutuparin ang aking
mga kautusan, kayo ay mananatili sa
aking pag-ibig; maging kung
paanong aking natupad ang mga
kautusan ng aking Ama, at nananatili
sa kaniyang pag-big.
11 Ang mga bagay na ito ay aking
nasabi sa inyo, upang ang aking
kagalakan nawa ay manatili sa inyo,
at upang ang inyong kagalakan nawa
ay malubos.
12 Ito ang aking kautusan, Na kayo
ay mag-ibigan sa isa't isa, kung
paanong ako ay umibig sa inyo.
13 Walang may higit na dakilang
pag-ibig na tao kaysa rito na ang
isang tao ay mag-alay ng kaniyang
buhay para sa kaniyang mga
kaibigan.
14 Kayo ay aking mga kaibigan,
kung inyong gawin ang anumang
aking iniuutos sa inyo.
15 Mula ngayon ay hindi ko na kayo
tatawaging mga lingkod; sapagka't
ang lingkod ay hindi nalalaman kung
ano ang ginagawa ng kaniyang
panginoon: nguni't aking natawag
kayong mga kaibigan; sapagka't
lahat ng mga bagay na aking narinig
sa aking Ama ay aking naipaalam sa
inyo.
16 Kayo ay hindi pumili sa akin,
nguni't ako ang pumili sa inyo, at
itinalaga kayo, upang kayo ay dapat
humayo at magbunga, at upang ang
inyong bunga ay dapat manatili:
upang anuman ang inyong hihingin
sa Ama sa aking pangalan, ay kaniya
nawang ibibigay ito sa inyo.
17 Ang mga bagay na ito ay aking
iniuutos sa inyo, upang kayo ay mag-
ibigan sa isa't isa.
18 Kung ang sanlibutan ay
kinamumuhian kayo, ay inyong
nalalaman na ito ay kinamuhian ako
bago pa nito kinamuhian kayo.
19 Kung kayo ay sa sanlibutan, ang
sanlibutan ay iibigin ang sariling
kaniya: nguni't dahil kayo ay hindi
sa sanlibutan, kundi aking napili
kayo mula sa sanlibutan,
samakatuwid ang sanlibutan ay
kinamumuhian kayo.
20 Alalahanin ang salita na aking
sinabi sa inyo, Ang lingkod ay hindi
mas dakila kaysa sa kaniyang
panginoon. Kung sila ay pinag-usig
ako, sila rin ay pag-uusigin kayo;
kung kanilang natupad ang aking
pananalita, ay kanilang tutuparin ang
inyo rin.
21 Datapuwa't ang lahat ng mga
bagay na ito ay kanilang gagawin sa
inyo alang-alang sa aking pangalan,
dahil kanilang hindi nakikilala siya
na nagsugo sa akin.
22 Kung ako ay hindi naparito at
nagsalita sa kanila, sila ay hindi
nagkaroon ng kasalanan: datapuwa't
ngayon sila ay walang balabal para
sa kanilang kasalanan.
23 Siya na namumuhi sa akin ay
namumuhi sa aking Ama rin.
24 Kung aking hindi nagawa sa
gitna nila ang mga gawa na walang
ibang tao ang nakagawa, sila ay hindi
nagkaroon ng kasalanan: datapuwa't
ngayon ay kanilang kapuwa nakita at
kinamuhian kapuwa ako at ang aking
Ama.
25 Subali't ito ay mangyayari, upang
ang salita nawa ay matupad na
nasusulat sa kanilang batas, Sila ay
namuhi sa akin nang walang
kadahilanan.
26 Datapuwa't kapag ang Mang-
aaliw ay dumating, na aking isusugo
sa inyo mula sa Ama, maging ang
Espiritu ng katotohanan, siya ay
magpapatotoo sa akin:
27 At kayo rin ay magpapatotoo,
dahil kayo ay nakasama ko mula sa
pasimula.

KAPITULO 16

    ANG mga bagay na ito ay aking
nasabi sa inyo, upang kayo ay hindi
dapat matisod.
2 Kanilang palalayasin kayo mula sa
mga sinagoga: oo, ang panahon ay
dumarating, na sinuman ang pumatay
sa inyo ay mag-iisip na siya ang
gumagawa sa Diyos ng paglilingkod.

3 At ang mga bagay na ito ay
kanilang gagawin sa inyo, dahil hindi
nila nakikilala ang Ama, ni ako.
4 Datapuwa't ang mga bagay na ito
ay nasabi ko sa inyo, upang kapag
ang panahon ay dumating, ay inyo
nawang magunita na sinabi ko sa
inyo ang tungkol sa mga ito. At ang
mga bagay na ito ay hindi ko sinabi
sa inyo sa pasimula, dahil ako ay
kasama ninyo.
5 Datapuwa't ngayon ay hahayo ako
sa aking daan sa kaniya na nagsugo
sa akin; at walang sinuman sa inyo
ang nagtatanong sa akin, Saan ka ba
pupunta?
6 Nguni't dahil nasabi ko ang mga
bagay na ito sa inyo, ay napuno ng
kalumbayan ang inyong puso.
7 Gayon pa man ay sinasabi ko sa
inyo ang katotohanan; Ito ay kapaki-
pakinabang para sa inyo na ako ay
aalis: sapagka't kung ako ay hindi
aalis, ang Mang-aaliw ay hindi
darating sa inyo; nguni't kung ako ay
aalis, ay aking isusugo siya sa inyo.
8 At kapag siya ay dumating, ay
kaniyang sasawayin ang sanlibutan
tungkol sa kasalanan, at tungkol sa
katuwiran, at tungkol sa paghatol:
9 Tungkol sa kasalanan, dahil sila
ay hindi nanampalataya sa akin;
10 Tungkol sa katuwiran, dahil ako
ay pupunta sa aking Ama, at hindi
na ninyo ako makikita;
11 Tungkol sa paghatol, dahil ang
prinsipe ng sanlibutang ito ay
hinatulan na.
12 Ako ay may maraming mga
bagay pang sasabihin sa inyo, nguni't
hindi ninyo mauunawaan ang mga
ito sa ngayon.
13 Subali't kapag siya, ang Espiritu
ng katotohanan, ay dumating, ay
kaniyang papatnubayan kayo sa lahat
ng katotohanan: sapagka't siya ay
hindi magsasalita mula sa kaniyang
sarili; kundi anuman ang kaniyang
maririnig, ay iyon ang kaniyang
sasalitain: at kaniyang ipakikita sa
inyo ang mga bagay na darating.
14 Siya ay luluwalhati sa akin:
sapagka't siya ay tatanggap mula sa
akin, at ipakikita ito sa inyo.
15 Lahat ng mga bagay na taglay ng
Ama ay akin: samakatuwid ay sinabi
ko, na siya ay kukuha mula sa akin,
at ipakikita ito sa inyo.
16 Kaunting panahon pa, at hindi na
ninyo ako makikita: at muli, kaunting
panahon pa, at makikita ninyo ako,
dahil ako ay pupunta sa Ama.
17 Sa gayon ay sinabi ng ilan sa
kaniyang mga disipulo sa kanilang
sarili, Ano ba ito na sinasabi niya sa
atin, Kaunting panahon pa, at hindi
na ninyo ako makikita: at muli,
kaunting panahon pa, at makikita
ninyo ako: at, Dahil ako ay pupunta
sa Ama?
18 Sinabi nila samakatuwid, Ano ba
ito na sinasabi niya, Kaunting
panahon pa? hindi natin nalalaman
kung ano ang sinasabi niya.
19 Ngayon ay nalaman ni Jesus na
sila ay nagnanais na magtanong sa
kaniya, at sinabi sa kanila, Kayo ba
at nagtatanong sa inyong sarili kung
ano ang aking sinabi, Kaunting
panahon pa, at hindi na ninyo ako
makikita: at muli, kaunting panahon
pa, at makikita ninyo ako?
20 Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Na kayo ay
mananangis at mananaghoy,
datapuwa't ang sanlibutan ay
magagalak: at kayo ay malulumbay,
datapuwa't ang inyong kalumbayan
ay magiging kagalakan.
21 Ang isang babae kapag siya ay
nasa panganganak ay may
kalumbayan, dahil ang kaniyang oras
ay dumating na: nguni't sa sandaling
naipanganak na niya ang bata, ay
hindi na niya naaalala ang
kapighatian, dahil sa kagalakan na
ang isang tao ay isinilang sa
sanlibutan.
22 At samakatuwid kayo ngayon ay
may kalumbayan: nguni't makikita
ko kayong muli, at ang inyong puso
ay magagalak, at sa inyong kagalakan
ay walang taong makakakuha mula
sa inyo.
23 At sa araw na iyon ay wala
kayong hihingin sa akin.
Katotohanang, katotohanan, na
aking sinasabi sa inyo, Anuman ang
inyong hihingin sa Ama sa aking
pangalan, ay kaniyang ibibigay ito
sa inyo.
24 Hanggang ngayon ay wala kayong
anumang nahingi sa aking pangalan:
humingi, at kayo ay makatatanggap,
upang ang inyong kagalakan nawa
ay malubos.
25 Ang mga bagay na ito ay aking
nasabi sa inyo sa mga kawikaan:
datapuwa't ang panahon ay
dumarating, na ako ay hindi na
magsasalita sa inyo sa mga kawikaan,
nguni't aking ipakikita sa inyo nang
maliwanag ang tungkol sa Ama.
26 At sa araw na iyon ay hihingi
kayo sa aking pangalan: at hindi ko
sinasabi sa inyo, na ako ay
mananalangin sa Ama para sa inyo:
27 Sapagka't ang Ama mismo ang
umiibig sa inyo, dahil kayo ay umibig
sa akin, at nanampalataya na ako ay
nagbuhat mula sa Diyos.
28 Ako ay nagbuhat mula sa Ama,
at dumating sa sanlibutan: muli, ay
aking iiwanan ang sanlibutan, at
pupunta sa Ama.
29 Ang kaniyang mga disipulo ay
nagsabi sa kaniya, Narito, ngayon ay
nagsasalita ka nang maliwanag, at
walang sinasalitang kawikaan.
30 Ngayon kami ay nakatitiyak na
ikaw ay nakaaalam ng lahat ng mga
bagay, at hindi na kailangan na ang
sinumang tao ay dapat magtanong sa
iyo: sa pamamagitan nito kami ay
nananampalataya na ikaw ay
nagbuhat mula sa Diyos.
31 Si Jesus ay sumagot sa kanila,
Kayo ba ngayon ay nananampalataya
na?
32 Masdan, ang oras ay dumarating,
oo, ngayon ay dumating na, na kayo
ay makakalat, ang bawa't tao sa
sariling kaniya, at iiwanan akong
mag-isa: at gayunman ako ay hindi
nag-iisa, dahil ang Ama ay kasama
ko.
33 Ang mga bagay na ito ay aking
nasabi sa inyo, upang sa akin nawa
ay magkaroon kayo ng kapayapaan.
Sa sanlibutan kayo ay magkakaroon
ng kapighatian: nguni't maging
malakas ang loob; nadaig ko na ang
sanlibutan.

KAPITULO 17

   ANG mga salitang ito ay sinabi ni
Jesus, at itiningala ang kaniyang
mga mata sa langit, at sinabi, Ama,
ang oras ay dumating; luwalhatiin
ang iyong Anak, upang ang iyong
Anak din nawa ay luwalhatiin ka:
2 Kung paanong ikaw ang nagbigay
sa kaniya ng kapangyarihan sa lahat
ng laman, upang siya ay dapat
magkaloob ng walang- hanggang
buhay sa gaya ng marami na iyong
naibigay sa kaniya.
3 At ito ang buhay na walang-
hanggan, na kanila nawang makilala
ka na kaisa-isang tunay na Diyos, at
si Jesu-Cristo, na siyang iyong
naisugo.
4 Aking naluwalhati ka sa lupa:
natapos ko ang gawa na iyong
ibinigay sa akin upang gawin.
5 At ngayon, O Ama, ay luwalhatiin
mo akong kasama ng iyong sarili sa
kaluwalhatian na aking taglay na

kasama mo bago pa nga ang
sanlibutan.
6 Aking naipahayag ang iyong
pangalan sa mga tao na iyong
ibinigay sa akin mula sa sanlibutan:
sa iyo sila, at iyong ibinigay sila sa
akin; at kanilang natupad ang iyong
salita.
7 Ngayon ay kanilang nalaman na
ang lahat ng mga bagay na anumang
iyong naibigay sa akin ay mula sa
iyo.
8 Sapagka't aking naibigay sa kanila
ang mga salita na iyong ibinigay sa
akin; at kanilang natanggap ang mga
ito, at nalaman nang tiyak na ako ay
nagbuhat mula sa iyo, at kanilang
nasampalatayanan na ikaw ang
nagsugo sa akin.
9 Ako ay nananalangin para sa
kanila: ako ay hindi nananalangin
para sa sanlibutan, kundi para sa
kanila na iyong naibigay sa akin;
sapagka't sila ay sa iyo.
10 At ang lahat ng sa akin ay sa iyo,
at ang sa iyo ay sa akin; at ako ay
naluwalhati sa kanila.
11 At ngayon ay wala na ako sa
sanlibutan, datapuwa't ang mga ito
ay nasa sanlibutan, at ako ay darating
sa iyo. Banal na Ama, ingatan sa
pamamagitan ng iyong sariling
pangalan yaong mga naibigay mo sa
akin, upang sila nawa ay maging isa,
na gaya natin.
12 Samantalang ako ay kasama nila
sa sanlibutan, ay aking iningatan
sila sa iyong pangalan: yaong mga
ibinigay mo sa akin ay naingatan ko,
at walang sinuman sa kanila ang
napahamak, kundi ang lalaking anak
ng kapahamakan; upang ang
kasulatan nawa ay matupad.
13 At ngayon ay darating ako sa iyo;
at ang mga bagay na ito ay sinasabi
ko sa sanlibutan, upang kanila
nawang makamit ang aking
kagalakang ganap sa kanilang mga
sarili.
14 Aking naibigay sa kanila ang
iyong salita; at ang sanlibutan ay
namuhi sa kanila, dahil sila ay hindi
mula sa sanlibutan, maging kung
paanong ako ay hindi muli sa
sanlibutan.
15 Ako ay hindi nananalangin na
dapat mong alisin sila mula sa
sanlibutan, kundi upang dapat mong
ingatan sila mula sa masama.
16 Sila ay hindi mula sa sanlibutan,
maging kung paanong ako ay hindi
muli sa sanlibutan.
17 Pabanalin sila sa pamamagitan
ng iyong katotohanan: ang iyong
salita ay katotohanan.
18 Kung paanong naisugo mo ako
sa sanlibutan, maging gayon din ay
naisugo ko sila sa sanlibutan.
19 At alang-alang sa kanila ay
pinabanal ko ang aking sarili,
upang sila rin nawa ay
mapabanal sa pamamagitan ng
katotohanan.
20 Ni hindi ako nananalangin para
sa mga ito lamang, kundi para sa
kanila rin na mananampalataya sa
akin sa pamamagitan ng kanilang
salita;
21 Upang silang lahat nawa ay
maging isa; gaya mo, Ama, ay nasa
akin, at ako ay nasa iyo, upang sila
rin nawa ay maging isa sa atin:
upang ang sanlibutan nawa ay
manampalataya na ikaw ang nagsugo
sa akin.
22 At ang kaluwalhatian na ibinigay
mo sa akin ay aking naibigay sa
kanila; upang sila nawa ay
maging isa, maging gaya natin na
iisa:
23 Ako sa kanila, at ikaw sa akin,
upang sila nawa ay maging sakdal sa
iisa; at upang ang sanlibutan nawa ay
malaman na ikaw ang nagsugo sa
akin, at inibig sila, gaya mo na umibig
sa akin.
24 Ama, ninanais ko na sila rin, na
iyong naibigay sa akin, ay makasama
ko kung saan ako naroroon; upang
kanila nawang mamasdan ang aking
kaluwalhatian, na iyong naibigay sa
akin: sapagka't iniibig mo ako
bago pa ang pagtatatag ng
sanlibutan.
25 O matuwid na Ama, ang
sanlibutan ay hindi ka nakilala:
datapuwa't aking nakilala ka, at ang
mga ito ay nakilala na ikaw ang
nagsugo sa akin.
26 At naipahayag ko sa kanila ang
iyong pangalan, at ipahahayag ito:
upang ang pag-ibig na inibig mo sa
akin ay mapasa kanila, at ako sa
kanila.
KAPITULO 18

    NANG nasabi ni Jesus ang mga
salitang ito, siya ay nagpuntang
kasama ng kaniyang mga disipulo sa
kabila ng batis ng Cedron, na kung
saan ay may isang hardin, na
kaniyang pinasok, at ng kaniyang
mga disipulo.
2 At si Judas din, na nagkanulo sa
kaniya, ay alam ang lugar: sapagka't
si Jesus ay madalas magpunta roon
na kasama ang kaniyang mga
disipulo.
3 Si Judas sa gayon, nang
makatanggap ng isang pangkat ng
mga tao at mga tagapaglingkod na
mula sa punong mga saserdote at
mga Fariseo, ay dumating doon na
may mga ilawan at mga sulo at mga
sandata.
4 Si Jesus samakatuwid, na
nalalaman ang lahat ng mga bagay
na dapat dumating sa kaniya, ay
lumabas, at nagsabi sa kanila, Sino
ba ang hinahanap ninyo?
5 Sila ay sumagot sa kaniya, Si Jesus
ng Nazaret. Si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Ako nga siya. At si Judas din,
na nagkanulo sa kaniya, ay
nakatayong kasama nila.
6 Sa sandaling iyon na kaniyang
nasabi sa kanila, Ako nga siya, sila
ay napaurong, at natumba sa lupa.
7 Sa gayon ay tinanong niya silang
muli, Sino ba ang hinahanap ninyo?
At kanilang sinabi, Si Jesus ng

Nazaret.
8 Si Jesus ay sumagot, Aking nasabi
sa inyo na ako nga siya: kung kayo
samakatuwid ay naghahanap sa akin,
ay hayaan ang mga ito na humayo sa
kanilang daan:
9 Upang ang pananalita nawa ay
matupad, na kaniyang sinabi, Sa
kanila na iyong ibinigay sa akin ay
hindi ko naiwala ang sinuman.
10 Sa gayon si Simon Pedro na
mayroong isang tabak ay nagbunot
nito, at tinaga ang lingkod ng mataas
na saserdote, at pinutol ang kaniyang
kanang tainga. Ang pangalan ng
lingkod ay Malco.
11 Sa gayon ay sinabi ni Jesus kay
Pedro, Ilagay mo ang iyong tabak sa
kaluban: ang saro na naibigay ng
aking Ama sa akin, ay hindi ko ba
iinumin ito?
12 Sa gayon ang pangkat at ang
kapitan at ang mga tagapaglingkod
ng mga Judio ay hinuli si Jesus, at
iginapos siya,
13 At dinala siya kay Anas muna,
sapagka't siya ay biyenan ni Caifas,
na siyang mataas na saserdote nang
taon ding iyon.
14 Ngayon si Caifas ay siya, na
nagbigay ng payo sa mga Judio, na
ito ay kapaki-pakinabang na ang
isang tao ay dapat mamatay para sa
bayan.
15 At si Simon Pedro ay sumunod
kay Jesus, at gayon din ang isa pang
disipulo: ang disipulong iyon ay kilala
ng mataas na saserdote, at pumasok
na kasama ni Jesus sa loob ng palasyo
ng mataas na saserdote.
16 Nguni't si Pedro ay nakatayo sa
labas ng pintuan. Sa gayon ay
lumabas iyong isa pang disipulo, na
kilala ng mataas na saserdote, at
nakipag-usap sa kaniya na
nagbabantay ng pintuan, at ipinasok
si Pedro.
17 Sa gayon ay sinabi ng dalaga na
nagbabantay ng pintuan kay Pedro,
Hindi ba ikaw rin ay isa sa mga
disipulo ng taong ito? Siya ay
nagsabi, Ako ay hindi.
18 At ang mga lingkod at mga
tagapaglingkod ay nakatayo roon,
na nagpabaga ng mga uling;
sapagka't noon ay maginaw: at sila
ay nagpainit ng kanilang mga sarili:
at si Pedro ay nakatayong kasama
nila at nagpainit ng kaniyang sarili.
19 Ang mataas na saserdote sa
gayon ay tinanong si Jesus tungkol
sa kaniyang mga disipulo, at tungkol
sa kaniyang doktrina.
20 Si Jesus ay sumagot sa kaniya,
Ako ay nagsalita nang hayagan sa
sanlibutan; ako ay laging nagtuturo
sa sinagoga, at sa templo, na kung
saan ang mga Judio ay palaging
nagtitipon; at sa lihim ay aking
nasabi ang walang-anuman.
21 Bakit ba tinatanong mo ako?
tanungin sila na nakarinig sa akin,
kung ano ang aking nasabi sa kanila:
masdan, kanilang nalalaman kung
ano ang aking sinabi.
22 At nang siya ay nakapagsalita ng
gayon, isa sa mga tagapaglingkod na
nakatayo ay pinatamaan si Jesus sa
palad ng kaniyang kamay, na
sinasabing, Sinasagot mo ba ang
mataas na saserdote ng gayon?
23 Si Jesus ay sumagot sa kaniya,
Kung ako ay nakapagsalita ng
masama, ay patotohanan ang
masama: datapuwa't kung mabuti,
ay bakit ba sinasampal mo ako?
24 Ngayon si Anas ay naipadala
siyang nakagapos kay Caifas na
mataas na saserdote.
25 At si Simon Pedro ay nakatayo at
nagpainit ng kaniyang sarili. Sila
samakatuwid ay nagsabi sa kaniya,
Hindi ba ikaw ay isa rin sa kaniyang
mga disipulo? Kaniyang ikinaila ito
at sinabi, Ako ay hindi.
26 Isa sa mga lingkod ng mataas na
saserdote, bilang kamag- anak
niyaong ang tainga ay pinutol ni
Pedro, ay nagsabi, Hindi ba ikaw ay
nakita ko sa hardin na kasama niya?
27 Si Pedro sa gayon ay nagkailang
muli: at pagdaka ang tandang ay
tumilaok.
28 Sa gayon ay dinala nila si Jesus
mula kay Caifas hanggang sa
bulwagan ng hukuman: at noon ay
maaga pa; at sila mismo ay hindi
pumasok sa bulwagan ng hukuman,
baka sila ay madungisan; kundi
upang sila nawa ay makakain sa
paglampas.
29 Si Pilato sa gayon ay lumabas sa
kanila, at nagsabi, Ano bang paratang
ang dala ninyo laban sa taong ito?
30 Sila ay sumagot at nagsabi sa
kaniya, Kung siya ay hindi isang
salarin, ay hindi na namin dinala
siya sa iyo.
31 Sa gayon ay sinabi ni Pilato sa
kanila, Kunin ninyo siya, at hatulan
siya ayon sa inyong batas. Ang mga
Judio samakatuwid ay nagsabi sa
kaniya, Ito ay hindi legal para sa
amin upang ang sinumang tao ay
ipapapatay:
32 Upang ang pananalita ni Jesus ay
matupad nawa, na kaniyang sinabi,
na ipinahihiwatig kung anong
kamatayan ang kaniyang dapat
ikamatay.
33 Sa gayon si Pilato ay pumasok sa
bulwagan ng hukuman muli, at
tinawag si Jesus, at sinabi sa kaniya,
Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?
34 Si Jesus ay sumagot sa kaniya,
Sinasabi mo ba ang bagay na ito
mula sa iyong sarili, o ang mga iba
ang nagsabi nito sa iyo tungkol sa
akin?
35 Si Pilato ay sumagot, Ako ba ay
isang Judio? Ang iyong sariling
bayan at ang punong mga saserdote
ay dinala ka sa akin: ano ba ang
iyong nagawa?
36 Si Jesus ay sumagot, Ang aking
kaharian ay hindi sa sanlibutang ito:
kung ang aking kaharian ay sa
sanlibutang ito, sa gayon ang aking
mga lingkod ay lalaban, upang ako
ay hindi dapat madala sa mga Judio:
nguni't ngayon ang aking kaharian
ay hindi mula rito.
37 Si Pilato samakatuwid ay nagsabi
sa kaniya, Ikaw ba ay isang hari
kung gayon? Si Jesus ay sumagot,
Ikaw ang nagsasabi na ako ay
isang hari. Sa ganitong dahilan
ako ay isinilang, at para sa
dahilang ito ako ay dumating sa
sanlibutan, upang ako ay dapat
magpatotoo sa katotohanan. Ang
bawa't isa na nasa katotohanan
ay nakikinig sa aking tinig.
38 Si Pilato ay nagsabi sa kaniya,
Ano ba ang katotohanan? At nang
kaniyang nasabi ito, siya ay
lumabas muli sa mga Judio, at
nagsabi sa kanila, Ako ay walang
nasumpungan sa kaniya na
anumang kasalanan.
39 Datapuwa't kayo ay mayroong
isang kaugalian, na aking dapat
palayain sa inyo ang isa sa
paglampas: nais ba ninyo
samakatuwid na aking palayain
sa inyo ang Hari ng mga Judio?
40 Sa gayon ay sumigaw silang
lahat muli, na nagsasabing,
Huwag ang taong ito, kundi si
Barabas. Ngayon si Barabas ay
isang magnanakaw.

KAPITULO 19

            SA gayon si Pilato
samakatuwid ay dinala si Jesus,
at hinagupit siya.
2 At ang mga kawal ay
nagtirintas ng isang korona ng

mga tinik, at inilagay ito sa
kaniyang ulo, at kanilang
sinuutan siya ng isang
muradongbalabal,
3 At sinabi, Magalak, Hari ng
mga Judio! at kanilang sinampal
siya sa kanilang mga kamay.
4 Si Pilato samakatuwid ay
lumabas muli, at sinabi sa kanila,
Masdan, aking dinala siya sa
inyo, upang inyo nawang
malaman na ako ay walang
masumpungang kamalian sa
kaniya.
5 Sa gayon ay lumabas si Jesus,
na suot ang korona ng mga tinik,
at ang muradong balabal. At si
Pilato ay nagsabi sa kanila,
Masdan ang tao!
6 Nang ang punong mga
saserdote samakatuwid at ang
mga tagapaglingkod ay nakita
siya, sila ay sumigaw, na
nagsasabing, Ipako siya sa krus,
ipako siya sa krus. Si Pilato ay
nagsabi sa kanila, Kunin ninyo
siya, at ipako siya sa krus:
sapagka't ako ay walang
masumpungang kamalian sa
kaniya.
7 Ang mga Judio ay sumagot sa
kaniya, Kami ay may isang batas,
at sa pamamagitan ng aming
batas siya ay nararapat mamatay,
dahil kaniyang ginawaang
kaniyang sarili na Anak ng Diyos.
8 Nang si Pilato samakatuwid
ay narinig ang pananalitang iyon,
siya ay lalo pang natakot;
9 At nagtungong muli sa loob ng
bulwagan ng hukuman, at sinabi
kay Jesus, Taga saan ka ba?
Nguni't si Jesus ay hindi
nagbigay sa kaniya ng kasagutan.
10 Sa gayon ay sinabi ni Pilato sa
kaniya, Hindi ka ba makikipag-
usap sa akin? hindi mo ba
nalalaman na ako ay may
kapangyarihan upang ipako ka
sa krus, at may kapangyarihan
upang palayain ka?
11 Si Jesus ay sumagot, Ikaw ay
hindi magkakaroon ng anumang
kapangyarihan laban sa akin,
malibang ito ay ibinigay sa iyo
mula sa itaas: samakatuwid siya
na naghatid sa akin sa iyo ay may
lalong malaking kasalanan.
12 At mula noon si Pilato ay
nagsumikap upang palayain siya:
datapuwa't ang mga Judio ay
sumigaw, na nagsasabing, Kung
iyong hahayaan ang taong ito na
makalaya, ikaw ay hindi kaibigan
ni Cesar: sinumang gumagawa
sa kaniyang sarili na isang hari
ay nagsasalita nang laban kay
Cesar.
13 Nang si Pilato samakatuwid
ay narinig ang pananalitang iyon,
ay kaniyang dinala si Jesus, at
umupo sa luklukan ng hukuman
sa isang lugar na tinatawag na
Pabimento. Nguni't sa Hebreo,
ay Gabbatha.
14 At noon ay paghahanda ng
paglampas, at halos ika-anim na
oras na: at kaniyang sinabi sa
mga Judio, Masdan ang inyong
Hari!
15 Subali't sila ay sumigaw,
Alisin siya, alisin siya, ipako siya
sa krus. Si Pilato ay nagsabi sa
kanila, Ipapako ko ba sa krus
ang inyong Hari? Ang punong
mga saserdote ay sumagot, Kami
ay walang hari kundi si Cesar.
16 Sa gayon ay ibinigay niya
siya samakatuwid sa kanila
upang maipako sa krus. At
kanilang kinuha si Jesus, at
inakay siyang papalayo.
17 At siya na pasan ang kaniyang
krus ay humayo sa isang lugar
na tinatawag na lugar ng isang
bungo, na ito ay tinatawag sa
Hebreo na Golgotha:
18 Na kung saan ay kanilang
ipinako siya sa krus, at dalawang
iba pang kasama niya, sa
magkabilang tagiliran ang isa,
at si Jesus ay nasa gitna.
19 At si Pilato ay sumulat ng
isang pamagat, at inilagay ito sa
ibabaw ng krus. At ang nasusulat
ay, JESUS NG NAZARET ANG
HARI NG MGA JUDIO.
20 Ang pamagat na ito sa gayon
ay nabasa ng marami sa mga
Judio: sapagka't ang lugar na
kung saan si Jesus ay ipinako ay
malapit sa lungsod: at ito ay
nasusulat sa Hebreo, at Griyego,
at Latin.
21 Sa gayon ay nagsabi ang
punong mga saserdote ng mga
Judio kay Pilato, Huwag isulat,
Ang Hari ng mga Judio; kundi
iyong kaniyang sinabi na, Ako
ay Hari ng mga Judio.
22 Si Pilato ay sumagot, Kung
ano ang aking naisulat ay aking
naisulat na.
23 Sa gayon ang mga kawal,
nang kanilang naipako na si Je-
sus, ay kinuha ang kaniyang
mga kasuutan, at gumawa ng apat
na mga bahagi, sa bawa't kawal
ay isang bahagi; at gayon din ang
kaniyang tunika: ngayon ang
tunika ay walang tahi, na hinabi
mula sa itaas hanggang sa lahat
ng bahagi.
24 Sila ay nagsabi samakatuwid
sa gitna ng kanilang mga sarili,
Huwag nating punitin ito, kundi
magsapalaran tayo para dito,
kung kanino ito mapupunta:
upang ang kasulatan nawa ay
matupad, na nagsasabi, Kanilang
pinaghati-hatian ang aking
kasuutan sa gitna nila, at para sa
aking pananamit sila ay
nagsapalaran. Ang mga bagay na
ito samakatuwid ay ginawa ng
mga kawal.
25 Ngayon ay nakatayo roon na
malapit sa krus ni Jesus ang
kaniyang ina, at ang kapatid ng
kaniyang ina, na si Maria na
asawa ni Cleofas, at si Maria
Magdalena.
26 Nang si Jesus samakatuwid
ay nakita ang kaniyang ina, at
ang disipulo na nakatayong
malapit, na siyang kaniyang
inibig, siya ay nagsabi sa
kaniyang ina, Babae, masdan ang
iyong anak!
27 Sa gayon ay sinabi niya sa
disipulo, Masdan ang iyong ina!
At mula sa oras na iyon ang
disipulong iyon ay dinala siya sa
kaniyang sariling tahanan.
28 Pagkatapos nito, si Jesus na
nakaaalam na ang lahat ng mga
bagay ngayon ay natapos na,
upang ang kasulatan nawa ay
matupad, ay nagsabing, Ako ay
nauuhaw.
29 Ngayon ay mayroong
nakahandang isang sisidlang
puno ng suka: at kanilang pinuno
ang isang espongha ng suka, at
inilagay ito sa ibabaw ng isopo,
at inilagay ito sa kaniyang bibig.
30 Nang si Jesus samakatuwid
ay natanggap ang suka, ay
kaniyang sinabi, Ito ay natapos
na: at kaniyang iniyuko ang
kaniyang ulo, at ibinigay ang
espiritu.
31 Ang mga Judio samakatuwid,
dahil noon ay paghahanda na,
upang ang mga katawan ay hindi
dapat manatili sa krus sa araw ng
sabbath, (sapagka't ang araw ng
sabbath na iyon ay isang dakilang
araw,) ay pinakiusapan si Pilato
na ang kanilang mga binti nawa
ay mabali, at upang sila nawa ay
maialis.
32 Sa gayon ay dumating ang
mga kawal, at binali ang mga
binti ng una, at ng isa pa na
napako sa krus na kasama niya.
33 Nguni't nang sila ay dumating
kay Jesus, at nakita na siya ay
patay na, ay kanilang hindi na
binali ang kaniyang mga binti:
34 Datapuwa't isa sa mga kawal
na may sibat ay inulos ang
kaniyang tagiliran, at pagdaka
ay lumabas doon ang dugo at
tubig.
35 At siya na nakakita nito ay
nagpatotoo, at ang kaniyang
patotoo ay totoo: at siya ay
nakaaalam na ang kaniyang
sinasabi ay totoo, upang kayo
nawa ay manampalataya.
36 Sapagka't ang mga bagay na
ito ay nangyari, upang ang
kasulatan ay dapat matupad, Isa
man sa buto niya ay hindi
mababali.
37 At muli isa pang kasulatan
ang nagsasabi, Sila ay titingin sa
kaniya na kanilang inulos.
38 At pagkatapos nito si Jose na
taga-Arimatea, bilang isang
disipulo ni Jesus, datapuwa't
palihim dahil sa takot sa mga
Judio, ay pinakiusapan si Pilato
upang kaniya nawang makuha
ang katawan ni Jesus: at si Pilato
ay binigyan siya ng pahintulot.
Siya ay nagpunta samakatuwid,
at kinuha ang katawan ni Jesus.
39 At doon ay dumating din si
Nicodemo, na noong una ay
pumunta kay Jesus nang gabi, at
nagdala ng pinaghalong mira at
mga aloe, na halos isang daang
libra ang timbang.
40 Sa gayon ay kinuha nila ang
katawan ni Jesus, at ibinalot ito
sa linong mga tela na may mga
pampabango, gaya ng kaugalian
ng mga Judio sa paglilibing.
41 Ngayon sa lugar na kung saan
siya ipinako sa krus ay mayroong
isang hardin; at sa hardin ay
mayroong isang bagong
libingan, na kung saan ay wala
pang taong naihimlay.
42 Doon ay inihimlay nila si
Jesus samakatuwid dahil sa araw
ng paghahanda ng mga Judio;
sapagka't ang libingan ay nasa
malapit.

KAPITULO 20

    NANG unang araw ng linggo
ay pumunta sa Maria Magdalena
nang maaga, habang noon ay
madilim pa, doon sa libingan, at
nakita ang bato na naalis mula
sa libingan.
2 Sa gayon siya ay tumakbo, at
pumunta kay Simon Pedro, at sa
isa pang disipulo, na siyang
iniibig ni Jesus, at sinabi sa
kanila, Kanilang kinuha ang

Panginoon mula sa libingan, at
hindi namin nalalaman kung
saan nila siya inihimlay.
3 Samakatuwid si Pedro ay
humayo, at iyong isa pang
disipulo, at dumating sa libingan.
4 Kaya sila ay kapuwa tumakbong
magkasama: at ang isang
disipulo ay naunahan si Pedro, at
dumating na una sa libingan.
5 At siya na yumuko, at tumingin
sa loob, ay nakita ang linong
mga tela na nakalatag; gayon man
siya ay hindi pumasok.
6 Sa gayon ay dumating si Simon
Pedro na sumusunod sa kaniya,
at pumasok sa libingan, at nakita
ang linong mga tela na nakalatag,
7 At ang panyo, na ibinalot sa
kaniyang ulo, ay hindi nakalatag
na kasama ng linong mga tela,
kundi nakatiklop na sama- sama
sa isang lugar sa kaniyang sarili.
8 Sa gayon ay pumasok din iyong
isa pang disipulo, na dumating
na una sa libingan, at kaniyang
nakita, at nanampalataya.
9 Sapagka't gayon man ay
kanilang hindi pa naunawaan ang
kasulatan, na siya ay dapat na
bumangon muli mula sa mga
patay.
10 Sa gayon ang mga disipulo ay
umuwing muli sa kanilang sariling
tahanan.
11 Nguni't si Maria ay nakatayo sa
labas ng libingan na tumatangis: at
habang siya ay tumatangis, siya ay
yumuko, at tumingin sa loob ng
libingan,
12 At nakita ang dalawang
nakaputing mga anghel na nakaupo,
ang isa ay sa ulunan, at ang isa pa ay
sa paanan, kung saan ang katawan
ni Jesus ay naihimlay.
13 At kanilang sinabi sa kaniya,
Babae, bakit ka ba tumatangis? Siya
ay nagsabi sa kanila, Dahil kanilang
kinuha ang aking Panginoon, at
hindi ko nalalaman kung saan nila
siya naihimlay.
14 At nang kaniyang nasabi ang
gayon, siya ay tumalikod mismo, at
nakita si Jesus na nakatayo, at hindi
nalaman na ito ay si Jesus.
15 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Babae, bakit ka ba tumatangis? sino
ba ang iyong hinahanap? Siya, na
inakalang siya ay ang hardinero, ay
nagsabi sa kaniya, Ginoo, kung iyong
kinuha siya mula rito, ay sabihin sa
akin kung saan mo siya naihimlay, at
akin siyang kukunin.
16 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Maria. Siya ay tumalikod mismo, at
sinabi sa kaniya, Raboni; na ang ibig
sabihin ay, Guro.
17 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Huwag mo akong hawakan;
sapagka't ako ay hindi pa nakaakyat
sa aking Ama: datapuwa't pumunta
sa aking mga kapatid, at sabihin sa
kanila, Ako ay aakyat sa aking Ama,
at inyong Ama; at sa aking Diyos, at
inyong Diyos.
18 Si Maria Magdalena ay dumating
at sinabi sa mga disipulo na kaniyang
nakita ang Panginoon, at na kaniyang
nasabi ang mga bagay na ito sa
kaniya.
19 Sa gayon sa araw ding iyon nang
kinagabihan, bilang unang araw ng
linggo, nang ang mga pintuan ay
nakasara na kung saan ang mga
disipulo ay nagtitipon dahil sa takot
sa mga Judio, ay dumating si Jesus at
tumayo sa kalagitnaan, at sinabi sa
kanila, Kapayapaan ang sumainyo.
20 At nang kaniyang nasabi ang
gayon, kaniyang ipinakita sa kanila
ang kaniyang mga kamay at ang
kaniyang tagiliran. Sa gayon ang
mga disipulo ay natuwa, nang
kanilang nakita ang Panginoon.
21 Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa
kanilang muli, Kapayapaan ang
sumainyo: kung paanong ang aking
Ama ay nagsugo sa akin, maging
gayon din ay isinusugo ko kayo.
22 At nang kaniyang nasabi ang
ganito, kaniyang hiningahan sila, at
sinabi sa kanila, Tanggapin ninyo
ang Espiritu Banal:
23 Kaninumang mga kasalanan ang
inyong itakuwil, ang mga iyon ay
itinakuwil sa kanila; at kaninumang
mga kasalanan ang inyong
panatilihin, ang mga iyon ay
pinanatili.
24 Nguni't si Tomas, isa sa mga
labindalawa, na tinatawag na
Didimo, ay hindi nila kasama nang si
Jesus ay dumating.
25 Ang ibang mga disipulo
samakatuwid ay nagsabi sa kaniya,
Aming nakita ang Panginoon.
Nguni't kaniyang sinabi sa kanila,
Maliban na makikita ko sa kaniyang
mga kamay ang pinagpakuan ng mga
pako, at maisuot ang daliri ko sa
pinagpakuan ng mga pako, at
maipasok ang kamay ko sa kaniyang
tagiliran, ay hindi ako
mananampalataya.
26 At pagkatapos ng walong mga
araw muli ang kaniyang mga
disipulo ay nasa loob, at si Tomas ay
kasama nila: sa gayon ay dumating
si Jesus, ang mga pintuan ay
nakasara, at tumayo sa kalagitnaan,
at nagsabi, Kapayapaan ang
sumainyo.
27 Sa gayon ay sinabi niya kay
Tomas, Iabot dito ang iyong daliri,
at masdan ang aking mga kamay; at
iabot dito ang iyong kamay, at ipasok
ito sa aking tagiliran: at huwag
maging walang- pananampalataya,
kundi nananampalataya.
28 At si Tomas ay sumagot at nagsabi
sa kaniya, Aking Panginoon at aking
Diyos.
29 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Tomas, dahil iyong nakita ako, ikaw
ay nanampalataya: mapapalad sila
na hindi nakakita, ay gayon pa man
ay nanampalataya.
30 Ang maraming iba pang
mga tanda ang tunay na ginawa ni
Jesus sa piling ng kaniyang mga
disipulo, na hindi nasusulat sa aklat
na ito:
*31 Nguni't ang mga ito ay naisulat,
upang kayo nawa ay manampalataya
na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak
ng Diyos; at sa pagsampalataya kayo
nawa ay magkaroon ng buhay sa
pamamagitan ng kaniyang pangalan.

KAPITULO 21

     PAGKATAPOS ng mga bagay na
ito si Jesus ay muling ipinakita ang
kaniyang sarili sa mga disipulo sa
dagat ng Tiberias; at sa ganitong
paraan ipinakita niya ang kaniyang
sarili.
2 Naroroong sama-sama sina Simon
Pedro, at Tomas na tinatawag na
Didimo, at Natanael ng Cana sa
Galilea, at ang mga lalaking anak ni
Zebedeo, at dalawa pa sa
kaniyang mga disipulo.
3 Si Simon Pedro ay nagsabi sa
kanila, Ako ay aalis upang
mangisda. Kanilang sinabi sa
kaniya, Kami rin ay sasama sa
iyo. Sila ay humayo, at lumulan
sa isang basnig pagdaka; at nang
gabing iyon sila ay walang-
anumang nahuli.
4 Nguni't nang sumapit na ang
umaga, si Jesus ay tumayo sa
tabing-dagat: subali't hindi
nalaman ng mga disipulo na ito
ay si Jesus.
5 Sa gayon si Jesus ay nagsabi sa
kanila, Mga anak, mayroon ba
kayong anumang pagkain? Sila

Tingnan ang Pahina 66

58a
ay sumagot sa kaniya, Wala.
6 At kaniyang sinabi sa kanila,
Ihagis ang lambat sa kanang
tagiliran ng basnig, at kayo ay
makasusumpong. Samakatuwid
ay kanilang inihagis, at ngayon
ay kanilang hindi na makayang
hilahin ito dahil sa karamihan
ng mga isda.
7 Samakatuwid iyong disipulo
na iniibig ni Jesus ay nagsabi
kay Pedro, Ito ay ang Panginoon.
Ngayon nang si Simon Pedro ay
narinig na ito ay ang Panginoon,
ay kaniyang binigkis ang
kaniyang pangisdang kasuutan
sa kaniya, (sapagka't siya ay
hubad,) at inihagis ang kaniyang
sarili sa dagat.
8 At ang ibang mga disipulo ay
dumating na lulan ng isang
maliit na basnig; (sapagka't sila
ay hindi malayo mula sa lupa,
kundi may halos dalawang daang
mga siko,) na hinihila ang lambat
na may mga isda.
9 Sa sandaling iyon na sila ay
nakarating sa lupa, sila ay
nakakita ng baga ng mga uling
doon, at isda na nakalagay sa
ibabaw nito, at tinapay.
10 Si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Magdala ng mga isda na inyong
nahuli ngayon.
11 Si Simon Pedro ay umahon, at
hinila ang lambat sa lupa na puno
ng malalaking mga isda, isang
daan at limampu at tatlo: at

58b
bagaman mayroong gayon
karami, gayon pa man ang lambat
ay hindi napunit.
12 Si Jesus ay nagsabi sa kanila,
Halikayo at mag-almusal. At
walang-sinuman sa mga disipulo
ang nangahas na tanungin siya,
Sino ka ba? nalalaman na ito ay
ang Panginoon.
13 Si Jesus sa gayon ay lumapit,
at kinuha ang tinapay, at ibinigay
sa kanila, at ang isda sa gayon
ding paraan.
14 Ito ngayon ang ikatlong
pagkakataon na si Jesus ay
nagpakita ng kaniyang sarili sa
kaniyang mga disipulo,
pagkatapos na siya ay bumangon
mula sa mga patay.
15 Kaya nang sila ay nakapag-
almusal, si Jesus ay nagsabi kay
Simon Pedro, Simon, na anak ni
Jonas, iniibig mo ba ako nang
higit kaysa sa mga ito? Siya ay
nagsabi sa kaniya, Oo,
Panginoon; iyong nalalaman na
aking iniibig ka. Siya ay nagsabi
sa kaniya, Pakainin mo ang aking
mga kordero.
16 Siya ay nagsabi sa kaniyang
muli sa ikalawang pagkakataon,
Simon, anak ni Jonas, iniibig mo
ba ako? Siya ay nagsabi sa
kaniya, Oo, Panginoon; iyong
nalalaman na aking iniibig ka.
Siya ay nagsabi sa kaniya,
Pakainin mo ang aking mga tupa.
17 Siya ay nagsabi sa kaniya sa

59a
ikatlong pagkakataon, Simon, na
anak ni Jonas, iniibig mo ba ako?
Si Pedro ay napighati dahil siya
ay nagsabi sa kaniya sa ikatlong
pagkakataon, Iniibig mo ba ako?
At siya ay nagsabi sa kaniya,
Panginoon, iyong nalalaman
ang lahat ng mga bagay; iyong
nalalaman na aking iniibig
ka. Si Jesus ay nagsabi sa
kaniya, Pakainin mo ang aking
mga tupa.
18 Katotohanang, katotohanan,
na aking sinasabi sa iyo, Nang
ikaw ay bata pa, iyong binibihisan
ang iyong sarili, at lumalakad
kung saan mo nais: datapuwa't
kapag ikaw ay magiging matanda
na, iyong iuunat ang iyong mga
kamay, at ang iba ang magbibihis
sa iyo, at dadalhin ka kung saan
hindi mo nais.
19 Ito ay sinabi niya, na
ipinapahiwatig kung anong
kamatayan niya dapat
luluwalhatiin ang Diyos. At nang
kaniyang nasabi ito, siya ay
nagsabi sa kaniya, Sumunod ka
sa akin.
20 Sa gayon si Pedro, nang
lumingon, ay nakita ang disipulo
na iniibig ni Jesus na sumusunod;
na siya ring humilig sa kaniyang
dibdib sa hapunan, at nagsabi,
Panginoon, Sino ba siya na
magkakanulo sa iyo?
21 Si Pedro pagkakita sa kaniya
ay nagsabi kay Jesus, Panginoon,

59b
at ano ba ang gagawin ng taong
ito?
22 Si Jesus ay nagsabi sa kaniya,
Kung aking nais na siya ay
manatili hanggang ako ay
dumating, ano ba iyon sa iyo?
sumunod ka sa akin.
23 Sa gayon ay kumalat ang
pananalitang ito sa gitna ng mga
kapatid, na ang disipulong iyon
ay hindi dapat mamamatay:
gayon man si Jesus ay hindi
nagsabi sa kaniya na, Siya ay
hindi mamamatay; kundi, Kung
aking nais na siya ay manatili

60a
hanggang ako ay dumating, ano
ba iyon sa iyo?
24 Ito ay ang disipulo na
nagpapatotoo sa mga bagay na
ito, at sumulat ng mga bagay na
ito: at aming nalalaman na ang
kaniyang patotoo ay totoo.
25 At mayroon ding maraming
iba pang mga bagay na ginawa ni
Jesus, na, kung ang mga ito ay
dapat maisulat na isa-isa, aking
inaakala na maging ang
sanlibutan mismo ay hindi
maikakasiya ang mga aklat na
dapat maisulat. Amen.

60b